Miles POV.Mas kampante na akong pumasok ngayon dahil mayroon na kaming kasunduan ni brent na hindi na nito ipag kakalat ang sikreto ko hanggang matapos ang school year at hindi nadin ako nito maaaring lapitan or kausapin manlang sa school.
Kaya nung pag pasok ko sa school ay mas kampante na ako at wala nadin ang pangamba sa puso ko.
" Good morning guys, mayroon tayong sport club na gaganapin sa intramurals. every student need na pumili ng club na gusto nilang salihan." Pag papaliwanag ni president Mica saamin at saka inabot saamin ang isang papel na need naming salihan.
" This is the final task in PE. kaya dapat may sport club kayo na dapat salihan." dagdag pa ni President Mica saamin.
Nakatingin lang ako sa form na ibinigay saamin ni Mica.
Napaka daming sport ang pwede naming salihan.
Listed.
Volleyball
Badminton
Softball
Baseball
Soccer
Basketball
At marami pang iba." Huy, Saan sport ka sasali? " tanungan ng mga kaklase ko.
Habnag ako naman ay hindi interesado sa sport club na mangyayari.
" I hate to do physical activity, for me its better to get lower grade rather than joining this type of club." sabi saaking sarili saka yumuko nalang saaking upuan para matulog.
Hanggang sa naka recieve ako ng chat mula kay Brent.
" Hey! Miles Join ka sa club namin! " chat nito saakin.
Sineen ko lang ang chat nito at saka bumalik sa pagkakatulog ko sa upuan ko.
Hanggang sa nag chat uli ito saakin.
" seen?! "
" OK." chat pa nito.
Hanggang sa narinig ko nalang ang boses nito na tinatawag ang pangalan ko.
" Miles! Miles! " Malakas na tawag ni Brent sa pangalan ko.
Kaya agad ko namang inangat ang ulo ko mula sa pag kaka tulog.
At laking gulat ko ng halos lahat ng kaklase ko ay nag tataka kung bakit ako tinatawag ni Brent at ganun din si Ken, nagtataka din ito dahil paulit ulit na tinatawag ni Brent ang pangalan ko.
Napatingin lang ako kay Brent na para bang gulat na gulat, dahil hindi ko inaasahan na tatawagin ako nito sa loob ng classroom namin.
" F*ck you Brent! " sabi ko sa isipan ko.
Hanggang sa tuluyan na nga itong nag salita, habang ang lahat ay hindi makapaniwala na kinakausap ako ngayon ni Brent dahil wala miski isa sa kanila ang kinakausap ko, liban nalang kay Mica na president namin.
" Miles mag join ka sa club namin!! " sigaw ni Brent sa loob ng classroom namin.
Natigil ang mga kaklase ko sa kanilang ginagawa at napunta ang atensyon nila kay Brent dahil sa lakas ng pag kakasabi nito.
" Totoo ba'to? kelan pa naging close si Brent at Miles? " bulungan ng mga kaklase ko.
Pinapakinggan ko lang ang mga bulungan ng mga kaklase ko habang hindi sila makapaniwala sa kanilang mga naririnig.
Gusto ko nang lapitan si Brent para takpan ng tape ang bunganga nya dahil sa ingay na ginagawa nito.
" Miles, kasama din si Ken at Luis sa club namin kaya mag join kana." pag aya pa nito saakin.
Napayuko nalang ako habang nanginginig sa galit dahil sa mga pinagsasabi ni Brent sa buong classroom namin.
Pakiramdam ko ay pinag mamasdan ako ng lahat at pinag uusapan ako ng mga ito.
Kaya agad akong tumayo saaking upuan at umalis ng classroom namin.
Nagulat ang lahat dahil sa pag walk out ko at lalong sumama ang tingin ng mga kaklase ko saakin dahil akala nila ay mahirap akong pakisamahan.
Pumunta ako sa rooftop ng aming school at doon ko nilabas ang sakit at takot na nararamdaman ko sa puso ko.
Nag simula nang pumatak ang mga luha sa mata ko nang hindi ko namamalayan, at hanggang kelan ko mararanasan ang takot na nararamdaman ko ngayon.
" Akala ko ay Ok na pero bakit hindi sinusunod ni Brent ang mga rules na sinabi ko sa kanya." sabi ko saaking sarili habang naka upo sa gilid ng rooftop at hinahayaan na bumagsak ang mga patak ng luha sa mga mata ko.
Lumipas ang mga oras ay nasa taas lang ako ng rooftop at nag iisa.
Hindi ako pumasok sa klase namin at mas pinili ko nalang na manatili sa rooftop ng school na nag iisa.
Hanggang sa nakarinig nalang ako ng ingay na para bang may nag bubukas ng pintuan ng rooftop.
Nakatingin ako sa pinto ng rooftop at iniintay kung sino ang mag bubukas nito.
Agad akong nag punas ng mga luha ko upang sa ganon ay hindi nito mapansin na umiiyak ako.
At laking gulat ko ng si Brent ang nag bukas ng pintuan sa rooftop.
" Tksss... Sabi ko na at dito kita matatagpuan. " Sabi ni brent habang naka ngisi.
Agad nitong inilabas ang isang kaha ng sigarilyo at saka kumuha ng isa para sindihan.
Tumabi ito sa inuupuan ko habang hindi ko ito pinapansin.
Naiinis ako sa kanya dahil hindi siya marunong tumupad sa mga napag usapan namin kahapon.
Kaya yumuko nalang ako sa gilid habang yakap yakap ang dalawa kong tuhod.
" wanna smoke? " tanong nito saakin habang inaabot ang isang sigarilyo.
Tinitigan ko ito ng masama habang namumuo ang mga luha sa mata ko.
Ngunit laking gulat ko ng hinawakan nito ang mukha ko saka hinalikan nito ang labi ko.
" Are you insane! " sabi ko kay Brent habang pinipigilan ito sa ginagawa nya.
Ngunit ngumisi lang si Brent saakin, saka ito nag patuloy sa paninigarilyo nito.
Lumayo ako sa kanya dahil hindi ako komportable na katabi ito.
" Akala ko ba ay ok na ang lahat? "
" Akala koba hindi mona ko guguluhin sa school, pero eto! bakit hindi mo sinusunod ang mga rules! " pasigaw na sabi ko kay Brent.
" Tskkkk" sabi nito sabay iling.
" Brent binibigyan kita ng warning! nakaka isa kana! kaya pag nag patuloy kapa sa mga ganitong pakilos mo ay ititigil nanatin to!! " sabi ko sa kanya.
Hanggang sa tumayo si Brent sa pag kakaupo nito at saka binuga ang usok ng subo subo nitong sigarilyo.
" Ikaw ang unang lumabag sa rules hindi ako, kaya pereho lang tayo na may first warning! " sabi nito saakin habang nag lalakad papalapit sa direksyon ko.
Hanggang sa nag taka naman ako sa sinabi nito.
" Paano naman ako lumabag sa rules eh wala naman akong ginagawa na labag sa kanya." pag iisip ko.
Hanggang sa nag salita uli ito.
" My first rule, kapag nag chat o tumawag ako sayo ay dapat sasagutin mo. I told you before, always makes me first." sabi nito saakin.
" Hindi mo naman nakalimutan kanina diba nung chinat kita?!" dagdag pa nasabi ni Brent.
Hanggang sa naalala ko nalang na nag chat nga ito saakin at pinapasali ako sa club nila, ngunit sineen ko lang ito.
" Hindi ko naman intensyon na ipaalam sa mga kaklase natin ang relasyon natin dalawa, pero mukhang sinusubukan moko. " pag bibigay pa ng babala nito saakin.
" Shut up!! " galit na sabi ko kay Brent.
Kaya natigil naman ito sa pagsasalita nya.
" Ok fine!! i'll take my responsibility, so both of us have their own 1st warning! " sabi ko sa kanya.
Kaya agad naman itong ngumisi saakin habang naninigarilyo.
At sa araw din na'to ay dito na nag sisimula ang totoong laro.
YOU ARE READING
Fuck Buddy ( COMPLETED )
Teen FictionPaano kung ang itinatagong sikreto mo ay malaman ng taong may galit sayo at gawin nya itong pang black mail laban sayo. Paano kung papiliin ka nito, kung ikakalat nya ba ang sikreto mo o susunod kanalang sa gusto nito upang matago ang lihim ni pilit...