A/N: Hello awesome readers! As we have announced before, both our fave author, cassey1208 and yours truly have been working on a collaboration. This is very short but hopefully, you will like it
Enjoy reading!
MARCH OF CURRENT YEAR
'Bwiset na buhay toh!
Inis kong sigaw matapos kung tadyakan ng malakas ang pintuan
Wala na talaga akong mabuting nagawa para kina Mama at Papa. Anong gagawin ko kung talagang hindi ko ma-perfect ang lahat ng exams? Ang gusto kasi nila, katulad nila. Yung walang mali kahit isa! E, anong magagawa ko kung talagang mahina ako sa math! At sa, economics! At sa madami pang subjects!
'Y/N! Buksan mo nga itong pintuan!'
Galit na utos ni Papa sa labas ng aking kwarto
Hindi ko pinansin Papa at tumungo lang ako sa banyo
'Nakakasawa na itong buhay na to...'
Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha sa aking mata habang mabuti kong tinitingnan ang aking sarili sa salimin
'Mas mabuti pa, mawala na lang ako...'
'Hindi naman nila ako mahal'
Aking binuksan ang maliit na drawer at kinuha ang maliit na blade don bago ito idinikit sa aking kaliwang pulso... patuloy ang pagpatak ng aking mga luha habang aking tinititigan ang maraming peklat na dulot na madaming beses ko nang pagtatangka sa aking buhay
'Sana sa pagkakataong ito, hindi na ako makaligtas'
Huli kong sabi bago ko diniin ang blade at saka ko hiniwa ng hiniwa ang aking pulso
Hindi ko nararamdaman ang sakit ng bawat hiwa kahit pa nagsimula na itong dumugo ng madami. Pinagpatuloy ko lang iyon hanggang sa tuluyan na nga akong binalot ng kadiliman
.
.
.
AT THE HOSPITAL
'Ligtas na ang inyong anak'
Dinig kong sabi ng doctor. Bukod sa boses ng doctor at nila mama at papa ay akin din nadidinig ang nakakairitang tunog ng machine na nakakabit sa akin
('Tang ina naman...')
('Buhay pa din ako...')
'Anak...'
Dinig kong sabi ni Mama na parang nangingiyak ngiyak
Nagpanggap lang ako na kunwari ay natutulog pa din ako. Ayoko muna siyang makausap. Ganyan naman sila... mabait lang sila sa'kin kapag ginagawa ko ito. Bigyan ko lang ng ilang linggo ang mga yan, babalik na naman sila sa pangungutya sa aking kakayahan
.
.
.
Ilang araw din akong nanatili sa hospital at ngayon ay nakabalik na din ako dito sa sinusumpa kong bahay
'Bakit ba kasi kailangan ko pa bumalik sa kasuklam suklam na lugar na ito?'
Inis kong sabi habang nakaupo ako sa terrace ng aking kwarto
Pinapanood ko lang ang aming mga kasambahay na kumikilos sa labas nang makita ko ang pagpasok ng isang magandang babae
'Sino 'yon?'
Nagtataka kong tanong
'Y/N, maaari ka ba munang lumabas?'
Napairap ako ng marinig ko ang malumanay na pagtawag ni mama mula sa labas ng aking kwarto
'May kailangan lang kami ipakilala sa'yo'
Kahit ayaw ko siyang pansinin ay napilitan na din ako. Marahil ay ipapakilala nila ako sa babae na kadarating lang
'Y/N, nandito na-'
Napatigil si mama sa pagsasalita ng nilagpasan ko lang siya at dumiretso na ako sa sala kung saan alam ko naman na naghihintay ang magandang babae na iyon
'Imelda, ito ang aming anak'
'Si Y/N'
Kahit inis ako sa aking mga magulang ay napangiti pa din ako ng tumayo si Imelda at inabot ang aking kamay para kamayan
'Nice meeting you, Y/N'
'I'm Imelda'
'Your new tutor'
Hindi ko maintindihan subalit nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso nang ako ay nginitian din ni Imelda. Napaka ganda niya! At ang kamay... napaka lambot
'Nice meeting you too, Imelda'
Maganda na sana ulit ang aking pakiramdam ng marinig kong magsalit ang aking ama. Naiirita talaga ako sa kanya
'Imelda, will you be able to start tomorrow?'
Bumalik ng tingin si Imelda kay papa bago ito sumagot
'Yes, sir'
Parang may mali ata sa aking nararamdaman. Normal ba na ma-excite sa pagsisimula ng aming lecture? Pero ngayon ko pa lang siya nakita!
'Perfect'
'Anyway, you should join us for dinner'
Nabalot ako ng kasiyahan dahil sa unang pagkakataon ay mukhang gaganahan na akong kumain
'I would love to'
'But I have a dinner date with my husband tonight'
Biglang nawalan na ako ng gana kumain dahil bukod sa sina mama at papa lang naman ulit ang makakasabay ko, ay may asawa na pala itong si Imelda
Napatingin ako sa kanyang kamay, at nakita ko nga ang napakalaking diamond ring na nakasuot sa kanyang ring finger
'I should get going, sir'
'Y/N'
Napatingin ulit ako sa mukha ni Imelda
'I will see you tomorrow'
Mali na nga ata itong nararamdaman ko. Ngumiti lang ulit sa akin si Imelda ay parang sasabog na itong dibdib ko!
'Yes... I can't wait for that'
Ooops! Parang mali ata yung ganong sagot ko
Nagpaalam at umalis na si Imelda habang ako naman ay mabilis na bumalik sa aking kwarto na hindi pinansin sina mama at papa ng inaya ako ng mga ito para kumain
'Yiiiiiieeee!'
Kilig kong pangigigil sa unan habang ako ay nakadapa sa kama
'Imelda'
Masaya kong sabi ng ako ay umikot at ngayon ay nakatingin na sa kisame habang mahigpit na nakayakap sa aking unan
Hindi ko na namalayan na ako pala ay unti unti ng nakatulog, pero baga pa man ako tuluyang dalawin nito, ay muli na naman nagpakita sa akin ang maganda mukha ni Imelda at sa unang pagkakataon ay nakatulog ako ng may ngiti sa aking mga labi, at may pananabik para sa darating na umaga
END NOTE: That's it, for now... Hopefully, we will be able to complete this very short story. It wasn't easy for me, as I am not comfortable on a characterXreader genre... but how can I improve my writing skills if I don't go out of my comfort zone, right?
Stay tune and see you on our next chapter!
xoxo
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost!
Short StoryY/N is having a difficult life with all the pressure from school, and Y/N's parents is just making it worst. With all the things going around, Y/N's savior came in a form of a very beautiful tutor, Imelda Everything is starting to fall back to piece...