Chapter 1

168 1 0
                                    

Industry

"Wow, I can't believe I'm seeing you right now. Pahingi autograph please."

"Aray, grabe naman. Sama ng ugali pala sa personal"

Tamad kong tiningnan si Canis na ngayon ay nagpipigil ang tawang nakatingin sa'kin habang nakahawak pa sa bandang dibdib niya konwari'y nasasaktan siya.

"Pagod ako sa photoshoot, huwag mo akong guluhin." Irap ko sakanya at lumakad patungo sa elevator habang iniinat ang braso.

"Ansakit ng braso ko." Usal ko.

Hindi ko na mabilang ilang take ang nangyari kanina, my partner today seems uncomfortable with my presence na lahat ng dapat naming gawing post ultimo simpleng titigan ay sobrang tagal matapos. Orion is the name of the guy, and for heavens sake, his so tense na mauubos nalang ang buhok ng mga kasama namin sa kakamot dahil sa dami ng retake. 

"Sobrang dami mong projects. Sanaol talaga." Kantyaw ni Canis habang kinakagatan ang siopao na dala.

If his fans find out this side of him, ewan ko nalang kung may pumunta pa sa fan signing event niya. Ang matured tingnan pero parang bata naman.

"Gusto mo? Nagpadala sila nito." Nguso niya sa paper bag na dala na mga pagkain lang naman ang laman, may nagpadala na sa'kin ng ganyan kaso iba nga lang ang trademark.

"Anong brand niyan?" Tanong ko habang nasa paper bag ang mga mata.

This guys is undoubtedly famous, kulang nalang lahat ng pagkain laging nasa hapag niya. Mahal na mahal siya ng mga tao kaya ayan, mahal na mahal din siya ng mga negosyante.

"Pwede ko ba sabihin sayo? Magkalaban tayo." Iling naman niya kaya napangiwi nalang ako.

Hindi ko naman yan eendorse, parang kakain lang. Wala namang makakaalam na kinain ko yung produkto na katapat ng iniindorso ko.

Canis niyo madamot.

"Nakita ko ang last project mo, ang galing mo talaga lalo na yung sinapak mo si Achilles, satisfied ako." Pagsisimula niya at tumawa pa.

"Pero kinilig din ako nang sumakay kayong dalawa sa kabayo tapos biglang nagwala ang kabayo niyo kaya nahulog kayong dalawa pero niyakap ka niya kaya gumulong kayo pero siya lang ang nasaktan." Dagdag pa niya habang abala sa pagnguya.

So nanuod pala siya? His giving spoilers now huh.

"Walang double yun?" Buong atensyon niyang tanong. Napakachismo kalalaking tao.

"Ang ingay mo, manahimik ka." Asik ko sakanya pero sinagot lang ako ng ngisi.

"You creep me out." Iling ko at lumayo ng tuluyan.

"Sege nga matured na tayo, full schedule ka? Hindi na nasingit ni manager ang dinner nating dalawa eh." Nakabusangot niyang sabi, nagpapaawa pa porke't gwapo.

"Full!" Tamad kong sagot.

My schedule is beyond hectic, minsan kahit pagidlip hindi ko magawa. I already finish shooting my drama series "Taming the Untamed" together with Achilles Uy (the award winning actor and son of famous businessman Emmanuel Uy and Miss Philippines 2nd runner up Tharina Romualdez.) I have line up shoots pa para sa new magazine na marerelease sa susunod na dalawang buwan, even the endorsement for drinks, phone, fabric conditioner, shampoo and home appliances nakapila pa, even the new clothing line GL is courting me to be their ambasador same with Lopez Jewerly, and the upcoming telenovela with Canis is also on me. Pati concert ni Achilles next month kailangan kong puntahan (common, surprise guests they say). I'm also attending the runaway in New York seven months from now and my new movie in cinema will be shoot starting next week, pati nga schedule para maging judge sa "It's your time and shine" program nakalista pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fooling Game (Galvez Series # 1)Where stories live. Discover now