Sa araw-araw
Tanging ikaw ang palagi kong hinahangad
Laging tanaw
Sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanagLabis ang ngiti kapag ika'y kaharap
Ramdam ko ang pagmamahal, giliw
Namumukod-tangi ka at walang katulad
Ikaw lang ang para sa 'kinSa 'yo lang, sa 'yo lang ako uuwi
Kaya namanDito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahananTa, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Oh, aking tahananSa bawat sandali
Na tayo ay magkayakap nang mahigpit
Taglay mong init
Ang bumabalot sa 'king nilalamig na damdaminTayong dalawa'y pinagtagpo
Ng tamang pagkakataon
Hindi maitatanggi
Na sa akin, ikaw ang tanging tiyak, ahIkaw lang, ikaw lang ang tinatangi
(Ikaw lamang ang tinatangi ko)
Ikaw lang at ako ang naaaninag (naaaninag)
Sa gitna ng paraiso na ating sinimulan
Oh, aking tahananPinapawi lahat ng iyong mga ngiti
Negatibo na nakadikit sa 'king labi
Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti
Katotohanan na hindi ko maitatanggi
Na mahal kita, walang iba
Kaya namanDito ka sa piling ko
Oh, dito ka lang, dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan, oh, aking tahananTa, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka langDito ka sa piling ko
(Pinapawi lahat ng iyong mga ngiti)
(Negatibo na nakadikit sa 'king labi)
Bumabagal ang ikot ng mundo
(Huli ng iyong ngiti ang aking kiliti)
(Katotohanan na hindi ko maitatanggi)Ta, ta-ta-ta-ta, tahanan
Dito ka lang, dito ka lang, dito ka lang
Oh, aking tahanan