04

272 9 0
                                    

02-16-21

Lily:

Gaga ka. Kanina ka pa lutang at tulala. Nakatingin na si ma'am sa'yo.

Umayos ka.

Jun:

😢

Lily:

'Yung gagong Haru na naman?

Tigilan mo na kahibangan mo gaga ka rin e.

Nakita ko 'yon may kahalikan kanina sa labas ng CR.

Yucks talaga.

Hindi ko alam kung paano ka nahulog sa tontong 'yon?

Choose someone else, Jun. Please.

You deserve someone better.

Jun:

Ang hirap.

Wala, e. Sa kan'ya tumibok puso ko.

Lily:

'Di ko lang maintindihan kasi hindi naman kayo nag-uusap, so paanong nahulog ka?

Jun:

Hoy. Classmate kaya kami sa isang GEC subject.

At saka naging kagrupo ko siya once din.

At saka ginigreet ko siya kapag nagkasalubong kami.

Ngumingiti rin siya sa akin.

It became a habit.

Minsan pa nga nagchachat kami, e.

I thought may something na.

Lily:

Shunga ka rin talaga.

Binibigyan mo kasing malisya.

Kung classmate lang tayo sa lahat ng subject at nakita kitang naglalandi, naku, kinurot na kita nang pino.

Katangahan mo na ang dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.

Deserve mo 'yan.

Jun:

Grabe ka na talaga, Lily. I hate you! 😑

Lily:

😝

Read 02:26 PM

Enchanted (BL) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon