03

38 2 0
                                    

Classes

Umagang umaga palang ay parang gusto ko nang umuwi. All eyes are on us–on me habang binabaybay namin ni Aya ang hallway papunta sa magiging classroom namin.

"Pagtutusukin ko kaya mga eyes nila?" Maarte akong binulungan ni Aya sabay hawi ng mahaba at straight niyang buhok. "Are we an artista ba?"

Kahit medyo maarte at conyo magsalita si Aya ay natatawa pa rin ako sa kanya lalong-lalo na sa facial expressions niya. Yung kaartehan niya ay hindi yung sinasadyang maarte. Natural na natural sa pagkatao niya ang bawat pagkilos at pananalita na parang bang she was born like that.

"Ang aga mo naman magjunk food." Sabi ni Aya. Napansin niya sigurong ice tea ang iniinom ko umagang umaga.

Ngayon lang 'to.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad at hindi ko mapigilan ang mailang.

Hindi naman sa feeleer ako pero sige na. Feeler na kung feeler pero ramdam ko naman talaga na ako pinagtitinginan nila. They gave me the same gaze and vibe nung una akong tumapak ng Polaris.

"Tabeeeee!" Sabay sabay kaming napalingon sa likuran at natanaw ko na may papalapit na lalake sakay ng skateboard at papunta siya sa direksiyon namin. "Sabi nang tabeeeee!"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahilan para tumilapon ako sa sahig nang bungguin ako nung naka-skateboard.

"Sorry!" Sigaw nito habang papalayo sa amin.

Napa aray naman ako sa sakit.

"Khalixto!" Gulat kong nilingon si Aya nang sumigaw ito habang nakatingin sa lalakeng bumunggo sakin.

Pinalibutan tuloy kami ng mga estudyanteng nakikiusyoso pa. May natatawa at mukhang may naawa naman.

Agad akong dinaluhan ni Aya at tinulungang makatayo. "Oh my lantang gulay! Your shirt! Very madumi na." Aniya at tinulungan akong pagpagan ang damit ko.

I wore an unbuttoned flannel shirt na color black and white at saka loose denim pants. Nakasuot naman ako ng white shirt sa loob ng flannel. Nadumihan tuloy yung white shirt kanina pagkatilapon ko sa sahig.

Medyo madami yung mantsa dala ng ice tea na sabay na natapon pagbagsak ko sa sahig.

Gusto nga akong samahan ni Aya pabalik ng dorm para makapagbihis kaso lang baka ma late kami sa first class namin. Ayaw ko naman na madamay pati si Aya.

"Okay ka lang ba Rocky?"

"Okay lang ako. Wala nman akong galos oh." Natatawang sagot ko. Parang si Aya pa kasi tong alalang-alala.

"Patay talaga sakin 'yon!" Bulong ni Aya pero hindi ko masyadong naring.

"Ano yun?"

"Ha? Wala wala. Tara na, baka malate tayo."

Paglabas namin ng CR ay panay pa rin ang tingin ng mga estudyante sakin.
Sinubukan ko nalang wag pansinin yung mga mapanghusgang mata nila at itinuon ang atensyon kay Aya na panay ang kwento tungkol sa mga rules ng school.

Rules.

That word still haunts me.

Pakiramdam ko ay nasusuffocate na naman ako.

"Huy, ok ka lang?" Tanong ni Aya. Hindi ko napansing nasa tapat na pala kami ng classroom namin. Tumango naman ako. I was out of my mind for a second.

"Ready?" Halata ang excitement sa mukha ni Aya. Her aura is really bright. I smiled at her kahit deep inside ay kinakabahan talaga ako.

Sabay kaming pumasok ng room at mukhang normal naman ang paligid. Normal like wala namang kakaiba. Lalo na sa mga kaklase namin. May bumabati at ngini-ngitian kami hindi gaya nung mga tao kanina sa labas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Disguise Of A WallflowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon