Chapter 5

255 21 6
                                    

Se Ra's POV:

Napamulat ako ng mga mata ko ng makaramdam ako ng sakit ng ulo. Ano bang nangyari?

"Babe beinte nuyebe,gising ka na!"tuwang-tuwa na sabi ni Jin na nasa tabi ko. Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa school clinic ako. Paanong nangyari na nasa school clinic ako samantalang kasama ko si---si JUNGKOOK!? Nasaan siya? Anong nangyari after ng paghalik niya sa akin?

"Si Jungkook,nasaan siya? Gusto ko siyang makausap"tinignan ko ito ng nagmakakaawa.

"Nakakatampo naman babe. Siya agad hinahanap mo samantalang nandito naman ako"nagpout pa ito sa harap ko. Pacute pa tong isang to eh,mukha naman siyang isda. -___-

"Eh kung batukan kaya kita diyan Seokjin ha? Sasabihin mo ba sa akin o hindi?"puno ng awtoridad ang boses ko.

"Hindi ko rin alam kung nasaan siya. Basta tinawagan niya ako para sabihing nasa school clinic ka. Alam mo bang pitong oras ka ng sleeping beauty diyan sa higaan ha?"saad niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya,"Pitong oras akong natulog?"tinignan ko naman ang pinto saka nakitang nagsisi-uwian na ang mga schoolmates ko.

"Oo. Ano ba kasing nangyari after mong lumabas ng room? Ni hindi ka na nga rin pumasok ng unang subject dahil dun eh,mukhang wala ka sa sarili mo kanina"tinignan niya ako ng may paghihinala.

"A---ah sumakit ang ulo ko habang nasa canteen ako"pagpapalusot ko. Gumana ka please.

"Hinanap ka namin sa canteen nun pero wala ka,bakit kailangan mong magsinungaling sa akin?"seryosong tanong niya. Napakaseryoso niya talaga ngayon. Ibang-iba sa Kim Seokjin na manliligaw ko.

"Nasa abandunadong room ako nun..."yan nalang ang naisagot ko sa kanya saka napayuko. Naalala ko nanaman ang muntikang pagpatay sa akin ni Kookie kanina. At yung paghalik niya sa akin bago ako mawalan ng malay. Ihhh! Kinikilig pa rin ako sa paghalik niya! Para tuloy akong natatae na ewan dito habang tinatago ang kilig sa iba. Tsaka ene be nemen si Jeon Jungkook ang humalik sa akin,sinong hindi kikiligin dun? He is my first kiss. Tsaka hindi rin basta-basta humahalik yun,possibleng first kiss din niya ako. Hihihihi (*^o^*)

"Anong ginagawa mo doon...ng kasama si Jungkook?"parang nag-iba ang boses ni Jin pero siguro guni-guni ko lang yun. Epekto ng halik ni Jungkook. Char!

"Napadaan lang si Jungkook doon"sagot ko,medyo kinakabahan din ako sa pagiging seryoso niya pero mas nangingibabaw ang kilig,pakiramdam ko nasa labi ko pa rin ang labi niya. >///<

Lumapit siya sa akin na siyang kinatigil ko sa pagpapantasya kay ilong,"Napadaan lang siya,really? Oh babe please don't lie to me. I know the truth. Nakita ko lahat. Lahat-lahat"bulong niya saka ako nginisihan. Para namang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Nakita niya yung totoong pagkatao ni Jungkook? O sinasabi niya lang ito para magsabi ako ng mga nalalaman ko?

Natahimik lang kaming dalawa pagkatapos nun. Wala ng nagbalak magsalita sa amin. Wala ni isa.

"Kei,nabalitaan mo ba? May pinatay nanaman daw kagabi doon sa bakanteng lote malapit sa isang convenient store. Yung convenient store sa katabing bayan"narinig kong sabi ng isang nurse dito. Napatingin naman kami ni Jin sa dalawang nurse na nag-uusap. Mga chismosa itong mga to.

Pero ano daw? Namatay nanaman? Hindi kaya dahil kay Jungkook yun? Possibleng siya ang gumawa nun.

"Jungkook.."pagbabanggit ko ng pangalan niya.

"Ayy nabalitaan ko yan,Sia. Kawawa nga daw yung pinatay eh,parang hindi ordinaryong tao ang gumawa,watak-watak ang tiyan niya nung matagpuan"nandidiring banggit nung isa pang nurse. Watak-watak na tiyan? Ganun ba kagrabe pumatay si Jungkook?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Evil Kookie! [BTS FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon