Dedicated to FoodisMahBae_28 thanks po sa paggawa ng cover ^_^
***
DESIREE
"Des," tawag sa'kin ni Froilan. Ako nga pala si Desiree David.
"Oh?" Sagot ko sa kanya.
"Hmm, I was just wondering kung bakit..."
"Bakit?"
"Kung bakit kumakahol yung aso noh?" Walan'jo naman oh! Akala ko kung ano 'yon bwisit!
"Walan'jo ka naman Lan, akala ko kung ano 'yon! Aba, bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba nagpapakahol sa aso? My goodness! Pinapasakit mo ulo ko!" Sabi ko sabay inom ng juice. Nga pala itong lalaking nasa tabi ko ay si Froilan Yee. Ang lalaking mahilig mantrip!
"Hahaha ito naman si Des hindi mabiro!" Natatawa-tawang sabi niya pa!
"Tss," sabi ko at umalis na ng cafeteria at naglakad pabalik ng room. Pasalamat talaga yung lalaking 'yon na mahal ko siya kaya nakakapagtimpi ako sa kanya.
"Hahaha! Uy,saglit lang naman Des," sabi niya habang hinahabol niya ko.
***
"Okay, class dismiss."
"Sa wakas!" sabi ko habang nag-iinat. Nakakangalay yumuko ng yumuko at magsulat ng madmgsulat. Paano ba naman kasi yung teacher na 'yon walang ibang alam kung hindi punuin nang punuin yung notebook namin.
"Des." Nagulat naman ako sa lalaking 'to parang kabute, pasulpot-sulpot na lang bigla.
"Ano?" sabi ko nang hindi man lang tumitingin at patuloy na inayos yung mga gamit ko.
"I was just wondering kung bakit..."
"Bakit ano?" Sabi ko subukan niya talagang mantrip na naman, babatukan ko siya ng bonggang-bongga.
"Kung bakit mahilig magpasulat si Ms.Madrigal noh?" Akala ko manti-trip eh.
"Kaya nga eh, ewan ko ba kay Ma'am, mahilig niya tayong pagsulatin." Pagsang-ayon ko naman sa kanya. May point naman sya eh.
"Tara?" Sabi niya na ikinagulat ko.
"H-huh?"
"Ihahatid na kita, Des." i-ihahatid ako ni F-froilan? Waaaah! Pwede na akong mamatay ngayon. Haha joke lang.
"S-sige," nauutal na sabi ko at nagsimulang maglakad palabas ng room. Habang naglalakad kami palabas ng campus palagi siyang sabi ng sabi ng 'I was just wondering kung bakit...' at naiinis na ako katulad ng...
"I was just wondering kung bakit... kailangan nating kumain," plain na sabi niya.
"Edi try mong 'wag kumain, para masagot yung tanong mo. Tingnan lang natin kung hindi ka malagutan ng hininga." Pabarang sagot ko sa kanya. Aba kung ayaw niyang masagot ng pabara,'wag siyang magtanong ng patanga!
"I was just wondering kung bakit natin kailangang tumanda."
"Aba bakit sakin mo tinatanong? Edi dun ka na lang sa tiyan ni Tita Helena habang buhay." Naiinis na talaga ko dito sa lalaking 'to. Hindi bale, malapit na naman yung bahay namin eh.
Pasensya Desiree, pasensya. Patience is a virtue.
"Des, I was just wondering kung bakit may love sa mundo noh?"
"Aba dapat ka ngang magpasalamat sa love eh, dahil kung walang love wala ka ngayon dito sa mundo." At dapat ka talagang magpasalamat sa love dahil mahal kita!
"I was just wondering kung bakit..." Tumigil na kami sa tapat ng bahay, okay ilalabas ko na 'to.
"Ano na naman Lan? Kung bakit tumatahol ang aso, kung bakit mahilig magpasulat si Ms.Madrigal ng madami, kung bakit kailangan nating tumanda, kung bakit kailangan nating kumain, kung bakit may love sa mundo, kung bakit tayo nabubuhay, kung bakitㅡ" natigilan ako ng bigla niya akong ki-niss sa l-lips.
"Kung bakit mahal kita."
***
Hahah sorry po kung hindi maganda ^_^v peace. Hihihi. Just vote and comment lang po if nagustuhan nyo poooo.
XOXO
Eunilleeeee ^_^
BINABASA MO ANG
I Was Just Wondering Kung Bakit..
Teen Fiction"I was just wondering kung bakit.. . . . . . . . . kumakahol ang aso" Froilan