Uno

3 0 0
                                    

Sabi nila dapat sigurado ka na kung anong kurso ang kukunin mo pag papasok ka na sa kolehiyo pero bakit ganon parang wala naman akong interest sa buhay.

"Nakikinig ka ba August!"

"Aray!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa singhal ni Amanda.

"Ayan, puro ka tunganga diyan ka magaling! Kung tulungan mo kaya ako dito sa research natin."
Pikon na mukha ni Amanda ang nag uutos sa akin.

Pano ba naman kasi wala naman akong pakialam sa mga research na yan. Di ba pwedeng matulog nalang ako? O di kaya mag laro ng ML o manuod ng mga pelikula o kdrama?

"Alam mo namang wala akong alam diyan Amanda" walang gana kong sabi.

"Kung hindi kaya kita isali sa grupo ko para wala kang marka ngayong semester August?"
Napaka sarcastic naman ni Amanda pero parang di na talaga siya nag bibiro kaya kailangan ko ng kumilos.

"Ano ba gagawin ko?"

"Mag research ka lang ng mga RRL para sa Chapter 2. Para matapos na tayo dito. Atsaka wala ka pang naitutulong sakin maliban lang sa ibinigay mo na 50 pesos para sa ambag mo dito sa grupo."

Grabi naman itong si Amanda hindi ko lang talaga makita na nag e enjoy ako sa paggawa nitong research na ibinigay ni Ma'am Hidalgo.

Bakit ba may research? Hindi naman ito iyong pinunta ko sa paaralan, dahil lang sa baon at makatakas sa maingay ma bunganga ni Nanay ang dahilan bakit nag aaral ako.

Ano ba yan si Amanda napaka seryoso sa buhay, tatanda talaga siya ng maaga nito.

Matapos kong tulungan si Amanda nag lakad lakad muna ako sa field namin. Yung malawak na field na pinalilibutan ng nagtatayogang mga puno.

Huminto ako sa bench na hindi nasisinagan ng araw dahil sa malaking punong nasa harapan ko, ano nga ulit ito? Punong narra ba iyon? sampalok? Rambutan? Mangga? Ah basta puno siya.

Naririnig ko yung mga nagkakantahang mga ibon, mga sumasayaw na mga dahon at nararamdaman ko din ang malamig na hangin, parang uulan ata?

Pabalik na ako sa room ko at naglakad  ng mahinahon sa field.

May lalaking nag lalakad din papunta sa direksyon ko , ngunit nong nasa harapan ko na siya tumigil siya sa paglalakad.

Ako na mag a-adjust sa kaliwa nalang ako pupunta para di kami magka bunggoan.

Naglakad din siya papunta sa kaliwa.

Aba ang lawak ng field tapos mag tatagpo pa kami dito sa gitna ng field.

Sige sa kanan nalang ako pupunta pero ang siraulo kumanan din.

Parang naglolokohan na tayo dito ha.

" ANO BA!" sabi ko kasi naiinis na ako.

"Pasensya na" sabi niya at tumakbo pabalik sa nilakaran niya.

Siraulo ba iyon?

Ang OA naman parang wattpad lang ah sa lawak ng field mag bubunggoan pa talaga kami?

Magsitigil nga kayo!

Sino kaya iyon? Diko kasi namukhaan nakasuot kasi ng jacket na may hood.

Pakialam ko ba doon e wala naman akong pake ang akin lang kailangan ko ng bumalik sa room ko.

Pagkarating ko sa room ko naabutan ko si Amanda na nag iingay dahil sa mga kagrupo niyang walang ambag sa research.

Luh alam ko naman na wala talaga akong silbi.

"Saan ka galing A?" Tanong ni Hana sakin.

"Diyan lang nagpahangin. Tumigil ka nga kakagawa ng palayaw ang pangit ng A parang dalagang dalaga ako , ang pangit pakinggan" Sa nandidiri kong mukhang sambit ko kay Hana.

"Ang kyuuuuuut kaya ng AAAAA Augustus Venna"

"AAAAARAAAY KOOO"

Tangina naman.

Bwiset talaga yung mga taong namimisil ng mukha. Bago ko pa siya masampal tumakbo na si Hana.

Gusto ko sana siyang bugbugin pero wala akong energy para diyan ngayon ang gusto ko ay matulog muna kaya ayon natulog ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beloved DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon