Chapter 27

652 32 9
                                    

Tahimik kami buong biyahe, nahihiya naman ako magsalita dahil noong umamin siya kanina ng kanyang naramdaman ay sinabihan ko lang siya ng "thank you". Iwan ko ba sa aking sarili kung anong pumasok at iyon ang lumabas sa aking bibig. Hindi ko kasi alam kung ano ang aking sasabihin sa kanyang pinagtapat sa akin.

 Kahit ako ay gulong-gulo, meron kasi sa isip ko na baka nabigla lang siya at hindi naman talaga totoo iyong sinabi niya. Baka nagbibiro lang siya sa akin. Siguro ganito talaga ako dahil sa takot na dala ko buong buhay ko, na baka isang araw tulad lang din siya ng mga naging nobyo ko nalolukohin at iiwan din ako.

Isa kasi itong dahilan kung bakit may takot ako magmahal ulit. Kaya pinipigilan ko na mahulog at maging malapit sa isang tao. Aaminin ko na medyo nasira iyong harang na nilalagay ko lagi sa isang tao upang hindi maging malapit sa kanila nang makilala ko si Laurent. Hindi ko maiwasan na mapalapit at sumama sa kanya. Pero hanggang kaya ko pa pigilan ang sarili ko at siguro lalayuan ko muna siya. Baka kasi isang araw makikita ko na naman 'yong sarili ko na umiiyak na naman sa isang tao.

"Zachna..." Napalingon ako ng bigla niya akong tawagin sa aking pangalan. Iwan ko ba kung bakit Zachna 'yong tawag niya sa akin. 'Yong mga malapit na kaibigan ko at mga kakilala ko Leign talaga tawag sa akin. Minsan tinatawag ako nina Yanna sa buong pangalan ko kapag medyo inis sila. Ang mga magulang ko lang talaga ang tumawag sa akin ng Zachna kaya minsan nagugulat ako kapag sinasabi niya pangalan ko

. "Nandito na tayo, kanina pa kita tinawag para naman hindi mo ako naririnig."

Napatingin ako agad sa paligid. Nakita ko na nasa tapat na pala kami ng apartment. Nakakahiya naman kanina pa pala ako tinawag pero hindi ko man lang napansin dahil kahit saan umaabot 'yong isip ko. Tinanggal ko na ang suot ko na-seatbelt at binuksan na ang kanyang sasakyan.

"Zachna..." Napalingon ako dito ulit at nagulat ako nang makitang sobrang seryoso niya. "Gusto ko lang sabihin na, I want to court you. To show my real intention. Ipakita sa iyo na seryoso ako at hindi ako nagbibiro." 

Napatulala ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Akala ko tapos na 'yong kanina, pero mas malala pala ito.

 "You don't need to answer. Gusto ko lang talaga ipakita sayo na seryoso ako sa aking nararamdaman. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung tatanggapin mo or hindi. Pero sana hayaan muna ipakita ko sa iyo 'yong nararamdaman ko."

"Pasok na ako." Nahihiyang sabi ko dito. Hindi ko talaga alam kung ano ang aking sasabihin. Nagmamadali akong pumasok sa apartment pero napasigaw na lang ako bigla dahil sa gulat nang makita si Yanna na nakataas ang kilay nito. "Nakakagulat ka naman," sabay hampas ko dito.

"Saan ka galing? Bakit parang nagmamadali ka? May humabol ba sa iyo? Bakit-" Tinaas ko ang aking kamay para patigilin siya.

"Pwede ba umupo muna tayo bago iyan," sabi ko dito.

"Manahimik ka, Zachna Leign. Akala mo siguro nakalimutan ko ginawa mo. Iniwan mo ako sa school. Usapan natin sa labas ka maghihintay pero wala ka doon. Nag-alala na ako baka napaano ka. Kung hindi ako sinabihan ni manong guard na umalis ka raw kasama ang lalaki. Aabutin siguro ako ng gabi sa kahihintay sa iyo." Bigla naman ako nakonsensya sa pag-iwan ko sa kanya. Biglaan kasi 'yong pangyayari. Nakalimutan ko rin na mag-text sa kanya.

"Sorry," mahinang sabi ko dito.

"Tigilan mo ako sa paawa mo, Zachna. Magpaliwanag ka kung saan ka galing at sinong lalaki 'yong sinamahan mo? 'Yan lalaki rin ba na ang sinasamahan mo kapag lumabas ka nang madaling araw?" Tinalikuran ako at umupo ito sa may sofa. "Ano na? Huwag mo talaga hintayin na dumating si Kystal at dalawa na talaga kami na."

Umupo muna ako sa harapan niya at nilagay ang aking gamit sa may gilid. Nakayuko ako ngayon kasi ayaw ko tingnan si Yanna. Para kasi itong nanay ko.

"May kailangan lang talaga sa akin 'yong tao." Pagsisimula ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon