Chapter 2: My Seatmate and My Heartbeats

11 2 4
                                    

Updator's Note: Annyeong guyseu! Ahaha. Pasensiya na kung hindi ito na-update kaagad, ha? 'Yung author kasi, kekeke^^ Char lang. *-* Please bear with some errors or unfamiliar words, ah? Kasi ako rin, may napansin din ako. XD Hahaha, tsaka sa pupunta sa BoB. Punye---Keep safe. :"(

-Dyodureo

***
Dorrine's POV

Pumasok na kami ni Apaul sa classroom at naupo sa 3rd row second seat. Siya naman, sa tabi ko sa left side. At dahil nga sa may pagkataklesa kami, ayaw namin sa center aisle kasi prone sa mga mata ng teachers.

High-heeled shoes, red colored lips, expensive bags. Isama mo pa 'yung mga nakakainis nilang make-up. Ilang oras kaya silang nag-ayos ng sarili nila? Kasi sa totoo lang, mukha silang pinagsasapak sa kapal ng blush-on nila.

Kung ano 'yung kinaayos ng mga kikay kong kaklase, 'yun namang kinagulo ng mga buhok ng iba. Ni wala yata silang suklay sa bahay eh. Ang nakakainis pa eh halos di pa natatanggal 'yung mga morning glory sa mukha nila. Naku naman te! First day of school haggard agad! Nerd nga naman.

Tama na nga! Kung sino-sino na 'yung pinagtitripan ko dito. Masyado na siguro akong nabo-bored ngayon. Nasaan na ba kasi 'yung teacher namin?

Maya-maya pa ay wala ng ilang bakanteng upuan sa classroom maliban lang sa seat na nasa kanan ko. Ewan ko kung bakit ayaw nilang tumabi sa akin. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina. Ganun ba kaimportante 'yung Jasper na 'yun?

Dumating na 'yung iba pa naming classmates pati na rin 'yung teacher na magiging adviser namin this school year. Mukhang fresh graduate itong teacher namin ah, sosyal. Ang cute ni Ma'am sa bagsak niyang buhok na lampas balikat at may pagkasingkit ang mga mata. Bukod sa sarili niya, pati height niya cute din! Parang classmate lang namin.

"Ok class, arrange your chairs. Then sit up straight then stomach in, chin up."

Loka-loka ba itong teacher namin? Ito namang mga kaklase ko eh uto-uto lalo na 'yung mga boys. Ala dog style ang ngiti at pakindat-kindat pang nalalaman. Tsk!

"Ok, that's good. You were all doing right.."

Psh. Boring. Tumingin na lang ako sa labas at humalumbaba na lang---napapaisip sa mga nangyari kanina.

"Hmm. Except you."

Tumingin ako sa harapan para malaman kung sino 'yung tinutukoy ni Ma'am at nakaturo na sa'kin 'yung kamay niya.

"Ako Ma'am?" wala sa sariling tinuro ko ang sarili ko.

"Yeah, you. I think you have a problem with your posture, don't you?"

"N-no Ma'am. I haven't." pailing-iling pa ako sa kanya.

"C'mon darling, wag ka nang mahiya. Samahan mo ako dito sa harapan. We'll do it together."

Humalumbaba lang ako naging ganun agad? Mukhang first day pa lang talaga napapasubo na ako ah.

Tumayo at lumakad na ako papunta sa harapan. Present situation ko? Ayun, lahat sila napapasulyap sa aking kagandahan at...nagbubulungan?

"Di'ba 'yun 'yung salbaheng bruha na tumulak kay Jasper malabs ko?"

"Yah. That bitchy girl! And who give the guts to call my Jasper with that stupid endearment?! Akin lang ang bebe ko!"

"Whatever. Pareho lang kayo ni Dorrine na ilusyunada!"

Napatigil ako sa paglalakad. Ang sakit naman nun. Tinawag pa akong ilusyunada? Hindi nga nila alam kung gaano kalandi 'yung kumag na yon. I mean...Ang alam lang nila ay tinulak ko si Jasper. Ay mali pala! Alam nila kung gaano kalandi 'yung hitad na yun pero natatabunan lang ng mga negative sides ang nararamdaman ko. Hindi nila ako maintindihan.

Already YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon