AKO NAMAN MUNA - Angela Ken

17 0 0
                                    

Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko

Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas, pwede bang umiwas?
Hinahanap ang sarili ngunit 'di na
Kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
'San na 'to patungo?
'San na 'ko patungo?

Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"

Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi nalang usok
Walang malinis halos puro polusyon, parang ako raw na konsumisyon
Gulong-gulo ang isip 'san ba lulugar kapag nag-kamali
Grabe sila manghusga, bakit perpekto ba sila?
Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa paroroonan kung

Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang.
(muli ang paghakbang)
Dahan-dahang tumingin sa salamin upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang iangat ang mukha upang masilayan ang payapang kalangitan
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
('di ka nag-iisa)
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"
"Ako naman muna"

Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok ang puso mo sa ibabato sa'yo ng iba
Tandaan mong sapat ka

Dahan-dahang tanggalin ang maskara at
Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan-dahang iangat ang mukha upang
Masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"
"Ako naman muna"

SONG LYRICSWhere stories live. Discover now