His POV

44 3 0
                                    

Matty Sean's Point of View

Years ago, I realized something. Mahal ko siya. Mahal ko pala siya. Pero huli na ang lahat noon. May mahal na siya. At sa nakikita ko, masaya siya sa piling ng iba. And as long as she's happy. I'm happy. Tinulungan ko si Ryan na papuntahin si Precious doon sa gymnasium to give him time to prepare. Kahit masakit, ginawa ko. Kahit nadudurog na ang puso ko, itinuloy ko. Dahil alam kong magiging masaya siya.

Nang naghiwalay sila, akala ko magkakaroon na ako ng pagkaataon na sabihin sa kanya 'yung nararamdaman ko. Akala ko magkakaroon na ng pagkakataon na maging kami. And that made me happy. But seing her unhappy when they broke up breaks my heart. Hindi ko pala kayang makita siyang malungkot. Kaya ginawa ko ang lahat para mapangiti man lang siya. Pero iba talaga, iba yung saya sa mga mata niya at ngiti sa mga labi niya kapag magkasama silang dalawa. At hindi ko kayang tumbasan iyon.

Isang gabi, tinawagan ako ni Precious. Nung gabing iyon nainis ako bigla kay Ryan. Kung bakit hindi niya sinundan si Precious. Kung bakit hindi niya hinabol ito. Kung bakit hinayaan niya lang si Precious sa na mag-isa. Kung bakit hinayaan lang niya na mawala si Preciousa kanya.

Pero sana sinabi ko sana yung nararamdaman ko para kay Precious sa gabing yun. Pero naduwag ako. Pagkatapos kong ihatid si Precious sa kanila, hinanap ko si Ryan. Pagkakita ko palang sa kanya sinuntok ko agad siya. Sinigawan ko siya kung bakit hinayaan niya lang si Precious. Sana hinabol niya, sana sinundan niya. Bago ako umalis sinabihan ko siya na 'wag sukuan si Precious. Dahil ayaw ko na na nakikita siyang malungkot. Ginawa ko ang lahat para kahit papaano ay maging masaya siya. But still, it was not enough. Nakikita ko parin siyang malungkot. Until that day. Nang araw na nagkabalikan sila ni Ryan, 'yun yung araw na ngumiti siya uli ng totoo. Hindi ko alam kung bakit, pero nung nakita ko siyang ngumiti ay napangiti na rin ako. Kung saan ka masaya Precious.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga. Sino ba naman kasi ang lalaking tutulungan ang iba para makuha mula sa kanya ang taong mahal niya? Ako lang yata. Ako na baliw. Pero teka, naging akin ba siya? Wala. Hindi ko pagmamay-ari ni isang hibla ng buhok niya. Iyon ang masakit. Na pagmamay-ari na siya ng iba. Ngayon, ako ang nagdurusa.

Naglakad ako paalis sa isang bench na kinauupuan ko. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nakatango ako at walang pakialam sa mga mababangga ko.

May namumuo na ring mga luha sa mga mata ko. Hindi ko matanggap na tapos na ang lahat. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya.

"Excuse me lang po. Pwedeng magtanong?" Napatigil ako sa paglalakad at nag-angat ng tingin sa taong nagsasalita. Isang babae. Isang magandang babae.
"Nagmahal ka na ba? Naging maganda ba ang kinasadlakan ng pagmamahal mo?" Tiningnan ko lang siya. Anong klaseng tanong iyon? Medyo kumunot ang noo ko. "Teka, umiiyak ka ba? Why? May problema ka ba ngayon? Pwede mong sabihin sa akin, you know. Ahm, iyon pa lang mga tanong ko. Kailangan ko iyon eh. Sagutin mo naman. Kahit maliit lang maisagot mo. Fights na iyon. Oh wait, how rude of me. Ako nga pala si Princess. Ikaw anong pangalan mo?" Inabot niya yung kamay niya sakin. Napangiti ako sa isip ko. Madaldal.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Ilang sandali akong nag-isip bago tinanggap iyon.

Ito na yata ang sign na kailangan ko nang makihalubilo sa ibang tao. Kailangan ko na ulit makakilala ng mga taong magiging parte ng bago kong buhay. Kailangan ko ng kalimutan ang sakit na nararamdaman kong ito. Dapat ay maging masaya na rin ako para kay Precious. Iyon din naman ang hiling ko. Precious found her true love. Her man. Her the the one. Her other half.

And I know that I can find my other half, too.

"Matty," sagot ko. Nginitian ko ang babaeng nasa harap ko at tinitigan siya. Marahan kong pinisil ang kamay niya. "Ako si Matty."

Her Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon