Ang Tindera ng Baozi

28 0 0
                                    

Annyeonghaseyo! Una po sa lahat, thank you for reading this story. ^_^
This story po is about our Baozi Xiumin, which is obvious naman po di ba? Sa title pa nga lang, eh. Hehehe... I don't have much to say but, sorry po kung cliche masyado and maraming typo. Tamad ang author mag-edit, eh. Enjoy po!!!

"Bili na po kayo Sir ng boazi ko!" Salestalk nitong Henri na seven years old na nagtitinda ng kanyang mga siopao.

"Baozi? You mean siopao?" Ang lalaking napabukas ng side window ng kotse niya sa harap ng munting tindahan ng siopao.

"Opo Sir! Baozi...siopao! Bili na po kayo. Masarap po ito, promise. Malaman po ito, di po ito katulad ng ibang siopao na malaki nga pero di naman malaman. Special na special po itong baozi ko po na ito. Kaya Sir...bumili ka na po at baka ka po maubusan." Si Henri.

Natawa ang lalaki sa sinabi ni Henri.
"Malaman talaga? At masarap pa?" Nakangiting tanong nitong lalaki.

"Opo! Promise...malaman at masarap po ito. Mas masarap pa po sa siopao ng Chowking." At talagang dinamay pa ang Chowking.

"Sige, bibili ako." Ang sabi ng customer.

"Yehey! Ilan po Sir?" Di mapigilan ni Henri na ngumiti talaga nang todo dahil sa galak.

"Bigyan mo ako ng dalawang dosena. Magkano?" Nanlaki ang mga mata ni Henri.
"Oh, bakit?" Ang customer.

"Huwag niyo na pong bawiin ang sinabi niyong dalawang dosena!" Si Henri.

"Ay..dalawang dosena ba sinabi ko?" Kamot ulo nito.
"Gawin mong tatlo. Tatlong dosena." Ngiting sabi nitong customer.
"Basta malaman ito at masarap huh?" Ang sabi pa nito.

"Malaman at masarap po ito... PROMISE! *crossing her heart* cross my heart and hope that you will buy." Henri.

Inabot na nito ang mga pinamili.

"Salamat po Sir. Sana bumalik ka pa po." Henri with a smile.

"Babalik ako pag nasarapan ang padadalhan ko nito. Sige hija...mauna na ako." At umandar na ang kotse.

"Bye po!!" Si Henri.

HENRI-

Hello po, ako nga po pala si Henriette Dioso. Henri po ang tawag sa akin ng mga kakilala ko.
Bata pa lang ako, lagi na akong tumutulong kina Mama at Papa noon sa pagtitinda ng siopao. Kaya lang, namayapa na sila nang mag-seven years old na ako. Pareho silang namatay sa sakit sa puso.
Umpisa nun, natututo na akong maghanapbuhay nang mag-isa at mabuhay nang mag-isa.
Wala akong kilala na kamag-anak at wala ring kikilala sa akin na kamag-anak. Kaya eto...aja aja hwaiting! Kaya ko to! I will survive nga daw di ba?

YEARS PASSED...

Lumaki na ang munting tindahan ni Henri, napalaki na niya dahil sa naipong pera. Kakatapos pa lang niya sa kanyang kolehiyo sa kursong business management, buhat sa sarili din niyang pagsisikap sa pagtitinda ng siopao.

Kasalukuyan siyang nagbubukas ng kanyang tindahan. Maaga pa nga siyang gumising para makapagluto.

Nang mabuksan ang tindahan, nagluto ulit sa tindahan. May lutuan na kasi ito.

"Henri! Pabili nga ng siopao." Si Mang Bert. Ang kanyang kapitbahay na suki niya dahil mahilig ito sa siopao.

"Magandang umaga po Mang Bert. Ilan po ang bibilhin niyo? Almusal niyo po ito tama po ba ako?" Tawa nitong Henri.

"Ay ano pa bang mas masarap na i-almusal? Siyempre kundi ang paborito kong siopao na dito ko nabibili." Ngiti nitong matandang lalaki. Matanda na po talaga...iisa na nga lang ngipin sa itaas. Haha..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EXO (One Shot Story Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon