a k a l a k o

0 0 0
                                    

ABI KO

Salitang hiligaynon

Katumbas sa tagalog ay

AKALA KO


Ito ang letrang may ka akibat na

Masakit at umaasa

Hindi mo alam kung para sayo ba talaga

Hindi mo alam kung ikaw ba talaga ang iniibig

Hindi mo alam kung kumbinsido ka na,
Na ikaw talaga

Hindi naman sa pag mamalaki

Pero ako yung tipong tao na masaya na

dahil kinanantahan mo ako , ginawan mo ng

tula , ginawan mo ng sulat, nilibre mo ng

pagkain, hinatid at sinundo sa bahay.

Sa kilos mo pa lang na ganun

Alam ko na ako ang gusto mo

O sabihin natin na mahal mo na ako?

Patanong?

Dahil oo mahirap umasa

Lalo na kung hanggang salita lang naman pala

Mahirap dugtungan ang iyong kilos

Lalo't hindi naman ako manghuhula

Para malaman ang iyong nararamdaman.

Masakit man na isipin pero dapat kung tanggapin.

Na ang iyong mga ginagawa ay hindi para saakin.

Kundi para sa isang babae na yun pala ay aking kaibigan din.

Pinakitaan mo ako ng motibo na,

Akala ko ako dapat yun

Akala ko ako gusto mo

Akala ko para saakin yung mga motibo mo

Akala ko saakin yung pag aaruga mo

Abi ko lang pala

Gusto kong ipamukha sayo na ang daya mo

Gusto kong ipamukha sayo na di ako nasasaktan

Gusto kong ipamukha sayo na dapat masaktan ka din

Gusto kong ipamukha sayo na mahal kita

Na ikaw lang iibigin wala ng iba.

Ikaw lang sapat na

Kaso hindi pala ako ang gusto mo

Nakalimutan ko na para sa iba pala

So better luck next time saakin

Kaya kitang i let go para sa ikakasaya mo

Dahil hindi ka naman sasaya sa akin

Alam ko yun

Halos umiyak ako tuwing gabi

At gigising sa umaga na parang wala lang nangyari

Ganun ako ka galing
When it comes to pretending
Masakit pero dapat tanggapin

Gusto ko lang  malaman mo na nandito lang ako para sayo.

Gusto ko lang  malaman mo na naging masaya ako nakasama kita.

Gusto ko lang malaman mo na kahit sandali nating magkasama nagpapasalamat ako sayo dahil naranasan ko na mainlab sa kagaya mo.

Gusto ko lang  malaman mo na susuportahan kita kahit nasa malayo na ako.

Gusto ko lang malaman mo na ito ang farewell ko sayo dahil magpapakalayo na ako at para din sa ikakabuti ko.

Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita kahit may mahal ka ng iba.

Gusto ko lang malaman mo na magputuloy ka sa buhay mo kahit anong mangyari.

I guess it all ends here.
When my "abi ko ako" turns to " hindi pala ako kundi iba pala".

Abi KoWhere stories live. Discover now