2

6 1 0
                                    

"Ma'am sorry we're late" the boy named Jethro sincerely apologized.

"It's okay Mr. Messiah you can go now and take your sit" saad ni Mrs. Galvez.

Naglakad na yung Rhey na tinutukoy ni rochelle at sinundan naman nung dalawa nakita kong papalapit sila dito samin kaya agad kong nilibot ang paningin ko at wala ng ibang bakanteng upuan bukod dito sa tabi ko.

"Hi ladies can we sit there?" tanong ni Rhey sabay turo dun sa tatlong bakanteng upuan sa tabi ko.

"s-sure" nauutal na saad ni rochelle at nag blush pa ang gaga.

"how about you ms? is it okay?" tanong nya sakin.

"yeah sure, why not" saad ko.

" ganito nalang Ms. dun ka sa second to the window na upuan then si ken² at jethro katabi mo tas sa kaliwa ni jethro sya namn tas ako" saad nya.

Well dahil masunurin ako agad naman akong pumunta dun sa sinasabi nyang upuan umupo na din sya dun sa may pwesto ni rochelle kanina and kilig na kilig yung gaga, bali ganto na ngayon ang pwesto namin;

window-kirsmeth-me-jethro-chelle-rhey

"okay class we're all settle, now introduce yourself starting by Ms. transferee and back to the first row hanggang sa last na"-Mrs. Galvez

"Good morning everyone my name is Jessah Pearl Manayan nice to meet y'all" i said nicely.

Pagkatapos kong mag introduce yun naman sa una hanggang sa sunod sunod na hangang dito sa last.

"Good Morning ladies and gentlemen i'm Shane Rhey Venson your handsome classmate" saad nya sabay wink at nag hiyawan namn ang ibang babae.

"Hi everyone my name is Rochelle Mae Erojo hope we can be friends." masayang saad ni rochelle at umupo na.

"My name is Jethro Messiah nice to meet  y'all" jethro nicely said at nag hiyawan namn ang ibang babae.

"Kirsmeth Houston" pagpapakilala nya sa sarili nya at halos lahat naman nag hiyawan.

pagkatapos magpa kilala ni Kirsmeth nag bell na.

"okay class dismissed" saad ni Mrs. Galvez at niligpit na ang gamit nya.

Agad naman akong tumayo at hinintay si Rochelle. pagkatapos nun naglakad na kami papunta sa Cafeteria.

"a-araay" bigla kong saad. eh pano ba naman bigla bigla nalang akong kinukurot sa may gilid nitong babaeng to.

"yan deserve mo yan diba sayo ko naman sayo wag kang gagawa ng kalokohan? tapos nakipag sagutan ka kat Ms. Farrah naku!" panenermon na naman nya

"eh ang taray eh kung maka asta kala mo naman sya yung principal eh kita mo nga di nga pinuna ni Mrs. Galvez na hindi ako naka uniform eh" pagtatangol ko sa sarili ko.

Nandito na kami sa Cafeteria at agad naman kaming pumunta sa counter.

"Good Morning anong sainyo ija?" saad ng isang babae na parang nasa 50's na

" I'll take 1 coke, 2 slice of extra big pizza, 1 slice of chocolate cake, 1 large fries, 2 burger with cheese and 1 chocolate shake please" kita ko ang gulat sa mukha ni rochelle pagkatapos kong sabihin lahat ng gusto ko.

"hindi ka naman masyadong gutom no? so hati na tayo sa order mo? libre moko?" masayang tanong nya.

"fvck no way order your own food" pagtataray ko.

"ija  560 po lahat" saad ni manang

nag abot naman ako ng 1000 pesos at inabutan naman ako ng sukli pagkatapos nun hinintay ko nalang maka order si rochelle at naghahanap na kami ng mauupuan luckily may nakita naman agad kami last table nalang yun and it can fit 5 people. umupo na kami dun at hinintay ang order namin.

"Here's your order ladies" saad nung lalakeng nag se serve. Nilagay na nya ang pagkain at umalis na.

Agad naman akong sumubo dahil gutom na gutom nako hindi kaya ako nakapag breakfast.

"easy kalang jess walang aagaw sa pagkain mo" natatawang saad ni rochelle at sinubo ang pizza nya.

"shut up i'm hungry hindi kaya ako kumain ng breakfast" saad ko naman at sumubo na ulit.

"kahit naman kumain kapa ng breakfast lagi ka namang gutom matakaw ka eh" mapang asar na saad ni rochelle at tumawa.

"what did you just said?"

"Oh hi girls what a coincidence there's no more vacant table eh so can we join you guys?" saad ni jethro habang isa isa nilang dala ang tray ng pagkain nila.

"ahmm sure, upo kayo" masayang saad ni rochelle.

Umupo naman sila habang nag tatawanan at nag kukwentohan sila tahimik lang akong kumakain at napansin ko din na hindi nagsasalita si kirsmeth pipe ba to? Habang kumakain kami may biglang nag buhos ng ice tea kay rochelle. at kumulo naman ang dugo ko just messed with me but not my cousin.

"a-ahh ano bang problema mo ha stacy?" saad ni rochelle na halatang nanlalamig na sa binuhos na ice tea nung stacy.

"Anong problema ko? well ikaw, Ikaw ang problema ko ang kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko eh isa kalang namang basura kumpara sakin" mataray nitong saad at sinampal si rochelle.

Kinuha ko ang Coke na inorder ko kanina then lumapit sakanila at binuhos ko sa ulo nung stacy ang coke. Nagulat naman sya ganun din ang mga alipores nya.

"who are you? and how dare you para tapunan ako ng coke!" galit na sigaw nya sakin.

"before you call my cousin a trash try to look at your face ha? para naman hindi ka mapahiya sa susunod kasi mas mukhang basura pa yang panget mong pag mumukha eh." saad ko dito at dinuro ang forehead nya.

"ah so you're her trying to be super hero cousin? HAHA binabalaan kita wag na wag kang makiki alam sa away ng iba dahil hindi mo alam ang mangyayari sayo" pagbabanta nya sakin.

"hala takot na takot naman ako" i sarcastically said.

"tsaka anong hindi makiki alam eh pinsan ko yang inaaway mo ano? tutunga nga lang ako dito habang inaapi mo pinsan ko? tangina tarantado kaba?" mataray kong saad sakanya.

"stop it already Stacy" ma awtoridad na saad ni Rhey at kitang kita ko naman ang seryoso nyang mukha.

"Why babe? natatakot kang malaman ng lahat na nilalandi ka ng malanding higad na to?" sigaw naman nya na halatang sinadya para malaman ng lahat.

Di na ako nakapag pigil at sinampal ko sya ang kapal naman ng mukha nyang sabihing higad at malandi ang pinsan ko.

"Unang una sa lahat hindi malandi ang pinsan ko" saad ko at sinampal sya sa kanan.

"pangalawa hindi sya higad tulad mo at ng mga alipores mo" sinampal ko sya sa kaliwa.

"at pangatlo pumili ka ng binabangga mo dahil hindi lahat magpapa api sa isang pangit na basurang gaya mo" saad ko at hinila si Rochelle.

"T-thank you couz ha" sincere na pag hihingi ng salamat ni rochelle sakin.

"wala yun tsaka ano kaba wag kang magpapa api" saad ko.

"teka magpapalit lang ako" saad nya at pumasok na sa cubicle.

The Possessive BillionaireWhere stories live. Discover now