Marahang hinalikan ni Gab ang mga labi ni Kayla. Ngayon ay nasa parke sila, nagpapahinga. Habang nakaupo si Kayla sa ma grass na sahig ay siya ring humiga si Gab sa mga hita nito. Habang nagbabasa si kayla ng pabortio niyang libro ay panay naman ang mga ngiti ni Gab habang nakatitig siya dito. Ilang minuto sa ganitong posisyon ay dina makatiis pa si Kayla kayat agad niyang itniklop ang kaniyang libro saka tumingin kay Gab.
"Okay, naiilang na ako. Anong meron hmm?" Natatawang saad ni Kayla sa kaniyang nobyo. Napatayo naman si Gab saka malambing na humarap kay Kayla. Sandaling tinitigan ni Gab ang mga mata ng kaniyang girlfriend, maging si Kayla. "Salamat at ang swerte ko. Kahit di ako ang una, minahal mo parin ako." Malambing na wika ni Gab saka niya niyakap ang dalaga. Ngimiti naman sa saya si Kayla at yumakap ng mahigpit sa kaniyang nobyo.
Masaya ang relasyon ng dalawa. Isang buwan na simula nang maging sila. Kilala ni Gab si Kayla bilang childhood friend niya. Sila ay nakatira sa iisang baranggay, lumaki ng magkasama hanggang sa silay nagbinata at nagdalaga, magkaibigan parin sila. Malawak ang realsyon nila, pumayag din naman ang kanilang mga magulang kasi nga, kilala nila ang isat isa. Bago ni Gab, mayroong naging unang karelasyon si Kayla. Si Danniel. Si Danniel ay mayaman, gwapo, karamihan sa mga kababaihan sa kanilang lugar ay nahuhumaling sa kaniya. Magkakakilala rin sina Gab at Danniel dahil sila ay magkaklase. Minsan na rin silang magkasama lalo na sa taekwondo try outs nila. Mabut naman ang relasyon nila, lalo pat nung nagpatulong si Danniel na mangligaw kay Kayla. Habang naglalakad silang dalawa pauwi, di maiwasang tignan ni Gab si Kayla na masayang inilibot ang kaniyang paningin. Gumaan ang kaniyang pakiramdam na makita niyang masaya si Kayla na kamakailan lang ay dumaan sa heartbreak nila ni Danniel. Masaya siyang naka move on narin sa wakas ang dalaga.
Bawat araw ay talagang masayang magkasama ang dalawa. Lagi silang namamasyal, manunuod ng sine, at pagkatapos ng klase ay minsang tumatambay sila malaking simbahan sa kanilang lugar. Doon sila magkukuwento, magbibiruan. Halos lahat ng tao sa kanilang lugar ay kilala at namangha sa pagmamahalan nila kahit na sila ay mga bata pa. Marami ding naghahangad na sana ay ganun din ang relasyon nila, o makakahanap na karelasyong katulad sa kanila. Maraming na iinggit, maraming nagagalit. Marami na rin silang naging kaibigan.
Lumipas ang ilang linggo, habang nanunuod sila TV sa kwarto ni Kayla ay biglang tumunog ang cellphone ni Gab, agad din niya itong kinuha at sinagot. Nagpa alam mona siya ni Kayla na sasagutin lang niya ang tawag saka lumabas. Ngumiti lang si Kayla saka nagpatuloy sa panonood. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ulit si Gab. Halata sa mukha niya ang kaba at pagkadismaya. Natatakot rin siyang sabihin kay Kayla ang nangyari. Lumingon si Kayla sa kaniya at tinatanong siya kung sino ang tumawag. Wala nang magawa pa si Gab at sinabi nalang niya. Sinabi niyang si Danniel ang tumawag, nakabalik na sila galing Canada at gusto niyang magpaparty sa bahay nila. Biglang natahimik ang dalawa at tila ba hindi makapagsalita. Tumikhim nalang si Kayla saka niya kinuha ang ice cream niya at kinain ito. "Invited tayo?" Tanong pa ni Kayla. Tumango lang si Gab at ngumiti ng konti. "Ikaw nalang. Ayokong sumama. Masama rin kasi pakiramdam ko eh" saad pa ni Kayla saka ngumiti siya kay Gab. Agad namang iniangat ni Gab ang kaniyang tingim saka siya tumango. Ngumiti rin siya ng malaki saka niya nilapitan si Kayla at niyakap. Yumakap rin si Kayla ng mahigpit sa kaniya. Unti unting sumilay ang mga ngiti sa labi ni Gab. Ngayon ay nawala na ang kaniyang pag -alala na baka mawala sa kaniya si Kayla.
Kinabukasan, habang masayang nagpaparty ang mga lalaking barkada nina Danniel at Gab ay inaliw nila si Danniel na matagal nang nawala dahil nagpunta ito ng ibang bansa. Maraming ikinuwento si Danniel, lalo na ang karanasan at buhay niya don. Pati na yung pag-aaral niya. Nahihirapan daw siya dahil hindi siya sanay. Kinuwento rin Danniel na bumalik sila ditoa para magbaksyon. Babalik rin sila sa katapusan sa Canada, hinihintay lang daw nila grumaduate sng kambal niyang si David. Si David at Gab ay magkaklase rin samantalang schoolmate nila si Kayla. At nung magtanong naman ang isa sa mga tropa ni Danniel tungkol sa lovelife niya, napayuko naman si Gab. Natahimik rin silang lahat. Ngumiti naman si Danniel saka siya tumingin kay Gab. "Bro, congrats pala sa inyu ni Kayla" bati pa ni Danniel saka tinapik niya ang balikat ng kaniyang kaibigan. Ngumiti naman ng maraham si Gab at tumango. Uoang maiwasan ang ganoong awkward na sitwasyon ay iniba nila ang topic. Patuloy silang nag eenjoy samantalng nanatiling tahimik si Gab.
Pasado alas 12 na ng madaling araw, dumating si Gab sa bahay nina Kayla. Agad naman siyang sinalubong jito at inaalayan dahil sa kalasingan nito. Nang marating na nila ang kwarto ni Kayla ay agad niyang pinahiga si Gab sa kama niya. Inutusan rin niya ang kaniyang katulong na kumuha nang maligamgam na tubig. Habang inasikaso ni Kayla ay nagulat na lamang siya ng bigla itpng umiyak. Sandaling napatigil si Kayla saka tinitigan lamang niya si Gab.
"Yay!!! Bumalik na si Danniel. Bumalik siya! Bumalik siya! Bumalik siya! Ayokong makuha niya si Kayla. Di pwedi! Di pwedi. Sabi niya congrats? Haha, napaka sinungaling niya! Mahal pa niya si Kayla, di ako tanga" paulit ulit na sabi ni Gab habang patuloy parin siya sa pag iyak. Hindi naman umimik si Kayla. Dahan dahang may pumatak sa mga luha niya ngunut binalewala lang niya iyon. Pinagpatuloy niyang pinunasan si Gab ngunit iyak parin ito ng iyak kaya hindi na makatiis pa si Kayla at umiyak na rin siya.
Kinaumagahan, nagising si Gab sa kwarto ni Kayla. Naparindi siya sa sakit ng kaniyang ulo. Sa mesa ay mayroong gamot at isang basong tubig ang inilagay ni Kayla don. Agad niya itong kinuha at ininom. Pagkatapos ay inilibot ni Gab ang kaniyang paningin ngunit wala siyang makitang Kayla ron. Agad siyang tumayo at naglakad para hanapin si Kayla hanggang sa matagpuan niya ito sa kusina.
Masaya siyang lumapit dito at niyakap ng mahigpit. Hindi naman umimik si Kayla at ngumiti lang. "Nakausap ko siya" biglang saad ni Kayla na siyang ikinagulat ni Gab. Dahan dahan siyang bumitaw mula sa mahigpit na pagkakayakap ni Kayla. Umupo siya sa tabi nito habang hinawakan niya ang mga kamay nito. Hindi makasalita si Gab at nakayuko lang. "Gab, mahal kita alam mo yan. Pinapasaya mo ako palagi, pinapatawa mo ako palagi, pinuprotektahan mo ako, minahal mo ako. Ang saya saya ko kapag kasama kita, pero....... " Saad pa ni Kayla ng umiiyak ngunit hindi siya pinatapos ni Gab at niyakap siya nito ng mahigpit. Pilit na pinapatahan ni Gab si Kayla na ngayon ay umiiyak sa mga bisig niya. Hindi na rin niya mapigilan ang kanoyang sarili na umiyak.
"Gab....." Pabulong na tawag ni Kayla kaya agad na tumingin si Gab sa kaniya. Hinawakan siya nito sa pisngi habang tinitigan sa mata. Sumisikip ang dibdib ni Gab ngayon sa sobrang sakit. Sa mga titig ni Kayla ay alam niya ang mapait na katotohanan. Alam niyang mahal parin niya si Danniel. Ramdam niya ito araw araw kahit na ngumingiti ito at tumatawa. Alam niyang hindi talaga mawawala ni Kayla ang pagmamahal niya kay Danniel at wala na siyang magawa. Ngumiti si Gab at tumawa ng mapait.
"Gab, please....... No.... Please...." Saad pa ni Kayla dahil alam niya ang mga titig ni Gab. Pailing iling niyang tinignan ito. Ngumiti lang si Gab saka niya hinalikan ang noo ni Kayla dahilan upang mas lalo itong umiyak. Ipinikit ni Gab ang kaniyang mga mata habang nakadikit ang kaniyang mga labi sa noo ni Kayla. Naalala niya ang kaniyang sinabi noon na "Just incase, darating ang araw na magdedesisyon ka. Rerespetuhin ko iyon. Pag hinalikan kita sa noo, ibig sabihin sang-ayon ako sayo kahit ano mang mangyari"
*********************
BACKGROUND MUSIC:
~THATS WHY YOU GO AWAY/MICHAEL LEARNS TO ROCK