Simula nung dumating si Budoy sa buhay ko ay bihira na ako umuwi nang gabi hindi na rin ako basta-basta nakakaalis lalo na pag wala ang ate ko sa bahay dahil walang maglalabas kay Budoy para umihi at magdumi. Isa nga pala sa kinabiliban ko kay Budoy nung inampon namin siya ay hindi siya umiihi o mag popo sa loob ng bahay at dahil naka kadena siya kailangan namin siyang ilabas ng bahay.
Kaya naman ang naging routine ng buhay ko noon ay bago ako pumasok sa opisina ay pinapasyal ko muna si Budoy para narin makaihi at makadumi siya at sa gabi naman pagkatapos niya kumain ay nilalabas ko ulit siya para sa tawag nang kalikasan niya kasabay narin doon ang pamamasyal namin.
Actually kahit nang lumipat kami nang bahay ay hindi madali para sa amin dahil talagang priority ko ang mangupahan nang bahay na payag ang may-ari na may aso kaming kasama. Natatandaan ko pa ang araw nang paglipat namin sa bagong bahay, habang sakay kami ni Budoy ng tricycle kasama ng ate ko ay hindi ko maiwasan na hindi maexcite para kay Budoy dahil sa wakas kahit papaano ay magiging malaya na si Budoy. Hindi naman kalakihan ang bahay na inupahan namin pero up and down ito at kami lang nang ate ko, auntie ko at ako ang madalas tao sa baba dahil sa taas naman nag i stay ang pamilya nang kuya ko dahil dito hindi na namin pa kakailanganin si Budoy na itali sa loob ng bahay.
Pagkapasok palang namin sa bahay tuwang-tuwa na si Budoy lalo na at tinanggal na namin ang kadena niya. Malaya na siyang nakakatakbo sa sala hanggang sa terrace namin, may isa lang kaming naging problema paglipat namin dahil ang kwarto namin ay nasa taas at hindi pwede iakyat si Budoy baka magalit ang sister in law ko kaya kailangan ni Budoy na mag stay sa baba ng bahay.
Pero hindi pala pwedeng iwanan na mag-isa si Budoy dahil nag wawala siya at umiiyak pag walang nakikitang tao kaya naman wala kaming choice nang ate ko kundi matulog nalang sa sala para may kasama si Budoy. Nakakatawa diba? Sabi nila maganda ang may aso kase sa tuwing aalis kayo at walang tao sa bahay ninyo ay may magbabantay sa bahay ninyo, pero baligtad yun kay Budoy hindi kami pwedeng umalis na walang magbabantay kay Budoy.
Malayo na kami sa National Hiway at mas maraming mga bakanteng lote na may mga puno na napapasyalan namin sa bago naming lugar.
BINABASA MO ANG
My Beloved Budoy
Non-FictionSa ibang tao maaaring alaga lang ang tingin sa inyo, pero sa iba naman isang pamilya ang turing sa inyo. Maaaring isang alagang hayop lang kayo sa iba pero sa iba isa kayong miyembro ng pamilya. Isang miyembro nang pamilya na nagbibigay ng lubos na...