Kabanata 02

521 22 0
                                    


This is unedited.

N/A :  Puro kajejehan muna tayo todey's chapter. HAHHAHAHAHHA

------------

DANICA'S POV

Nandito lahat kami ng mga kaibigan ko sa gymnasium sa school namin, nakaupo lang at kumakain ng street foods.. na binili pa ng kologo boys sa labas ng school para daw may makain kami.

Habang hinihintay sila matapos mag practice ng basketball tawa lang kami ng tawa dahil parang wala sa hulog ngayon si Drake isa sa mga kaibigan ko na nag lalaro.

"ANG BOBO MO NAMAN,DRAKE!" sigaw naman ni Maxine na ikinatawa namin ng malakas kasi kanina pa siya napipikon sa kaibigan namin na si Drake.

"T*ngina mo ka! Manahimik ka nalang diyan max! Pahalata ka na may gusto ka sa'kin eh." sigaw pabalik ni Drake.

Napaaray nalang si Drake dahil binato siya ng bola ni kuya Marcus kapatid ni Maxine na coach rin nila.

Natawa nalang kaming lahat na nanunuod sa gym dahil nagkunwaring inambahan ni Drake si coach na parang susuntokin.

Kunwaring sinipa naman siya ni coach na ikinatawa namin dahil nag kunwaring tumilapon si Drake at nangisay.

Hanggang sa nauwi sa kalokohan ang praktis na dapat seryosohin dahil sa nalalapit nilang tournament na darating ngayong taon.

Magagaling naman sila, pero may time na kapag wala sa mood yung iba sa pag lalaro eh nauuwi nalang sa kalokohan ang praktis nila. Isama pa ang coach nila na walang giniwa kundi paboran mga kalokohan ng team niya.

Pero minsan rin nag seseryoso sila kapag alam nilang magagaling ang mga makakalaban sa laro.

Napatingin ako sa likod ko nung maramdaman kong may kumalabit sa akin.

"Arat jingle tayo bakla, ihing ihi na ako." Saad ni Bea na kasama si Jessel na nag seselpon lang na parang tanga na kinikilig.

Tumango ako sa kaniya, kaya nag paalam kami sa iba naming kasama na mag ccr lang kami, ang iba naman ay sumama na rin para mag cr rin.

Naglalakad kami nung basagin ni Hannah ang katahimikan habang naka tingin sa grupo ng mga student council na nakatingin sa amin.

"Ay, Oo nga pala Dani, usapan sa kabilang department tinutukso ka raw kay Jacob dahil may pagtingin daw ito sayo bakla." basag ni Hannah sa katahimikan.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Sus, wag kang maniwala sa mga sabi sabi.. malay mo sayo pala yun may gusto." saad ko dito na ikinairap niya.

"Eww! Gwapo si Jacob pero tang*na. Gusto lahat na nagiging jowa niya tinitira niya akala mo naman daks." parang kinikilabutan na saad niya.

"Nakita muna beks?" biro dito ni Bea na ikinalaki ng mata niya kaya natawa kami sa reaksyon niya.

"Kilabutan ka nga Bea! Porket nakita muna b*rat ni Sandro." nanlaki ang mga mata namin nila Jessel sa sanabi ni Hannah.

Magsasalita pa sana si Hannah pero tinakpan na ni Bea ang bibig nito.

Tiningnan namin si Bea na parang matatae sa kahihiyan.

"H-hindi k-ko kaya sinasadya." pagdepensa nito sa sarili. "hindi ko kasi alam na nasa likod siya ng bahay naihi, pupunta sana kami ni Hannah sa tree house nila kaso ako ang nauna pumunta kaya ayon nakita ko lang siyang umihi dun sa puno." mahaba niyang saad.

My Gentleman But Jerk Husband  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon