Ang Pangarap ng Magkasintahan

334 10 1
                                    


The Untold Story of Veronica and Lucas

(One-Shot)

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Filipinas, 1892
Ciudad de Kawit, Cavite

Sa isang malayong lugar sa Kawit, Cavite isang magkasintahan ang nagkaibigan at nagmamahalan ng halos limang taon. Puno ng pangarap at nagnanais ng masayang pamilya sila Lucas Alonso na isang binatang tapat na sinisinta si Veronica Dela Vega, isang dalagang tagasilbi ng isang mayamang pamilya dahil ulila na siya sa magulang. Tahimik at payak ang pamumuhay ng magkasintahan.

"Alam mo Lucas kapag nagkaanak tayo, gusto ko mga anim" pabirong sabi ni Veronica kay Lucas habang sila ay nagpaplano sa kanilang nalalapit na kasal.

"Hah? Ang dami naman ng gusto mo Veronica, sana kaya natin silang palakihin ng tama" wika ni Lucas,

"Oo kakayanin nating dalawa 'yan, basta walang iwanan, susuportahan natin sila at mamahalin ng walang kapalit" ang sambit naman ni Veronica.

Halos ilang buwan din ang kanilang preparasyon para lamang maisakatuparan ang pinapangarap na kasal ng dalawa, ang lahat ay ayos naat ang bawat isa ay handa na, Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, hindi pa man nagsisimula ang kasal ay ang ama ni Lucas ay nabaril ng nga guardia civil na ikinamatay niti sa kadahilanang isa itong rebelde, ngunit wala naman itong katotohanan. Kaa napagdesisyunan ng magkasintahan na itigil muna ang magaganap na kasal at magsama muna sa iisang bahay.

"Pasensya na Veronica kung hindi ko natupad ang isa sa mga pangarap mo" paiyak na sabi ni Lucas.

"Huwag kang mag-alala aking sinta, walang may kasalanan sa nangyari, hayaan mo't lilipas din ang lahat" wika ni Veronica.

Ang Pangarap ng Magkasintahan (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon