One

2.3K 25 2
                                    

Tinanong ako ng aking kaibigan na si Marie kung bakit ako nakatitig sa labas ng terrace. 

Kanina pa raw ako nakatingin sa area na yun. Hindi ko alam, kanina pa niya akong binabantayan. Kanina pa siyang nakatingin sa akin.

"Eh, ano ngayon?!" Striktong sagot ko sa kaniya. Binato niya ako ng hawak niyang scratch na papel.

"Ang sakit, ha!" paarteng sigaw ko.

"Gusto mo, itong ballpen ang ibato ko sayo para sumigaw ka talaga sa totoong sakit!" Siya ay matalik na kaibigan ko, since elementary. 

Magkapatid ang turing namin sa isa't isa. Komportable kami sa lahat ng bagay. Partner in crime ko siya.

Narito siya sa inuupahan naming apartment para maki-join sa akin gumawa ng assignment.

"Hoy, unahin mo nga ang paggawa mo ng assignment para matapos na yan at para makauwi na ako!" Reklamo niya sa akin. 

Oo, aaminin ko. Matalino siyang tao kaya lagi siya ang tinatakbuhan ko kapag mayroon kaming assignment na ginagawa. Lalo na talaga kapag mahirap.

"Dalawang araw na ako dito sa inyo. Baka, dalhin na rito ni nanay ang aking mga gamit para dito na ako titira!" bulyaw niya sa akin.

Hindi ko pa rin pala na sabi, kapag may ganitong mahihirap na ginagawa related sa school, gaya ng reports ay nakikiusap ako sa kaniya na dito muna siya tumira hanggang sa matapos ko ang aking sasagutan. 

Minsan lang naman, kapag tinatamad lang ako. Binabayaran ko rin siya, noh! At pinapakain ng maayos. Alagang alaga siya rito.

Tatlo lang kami sa bahay, pang-apat na siya. Then, malaki rin ang apartment kaya hindi masikip sa aming apat. Gusto rin naman ng parents ko na nadito si Marie sa bahay para may kasama ako. 

Dahil ang parents ko ay maagang pumapasok sila sa trabaho at late na sa gabi sila umuuwi kaya mag-isa lagi ako rito. 

Minsan lang din ako nakakagala dahil walang may iwan sa bahay na ito. Lalo na, maraming mga lumalabas at pumapasok sa bahay na ito.

"Wag kang mag-inarte diyan dahil bayad ang pag-stay mo rito!" bulyaw ko sa kaniya habang ako ay nagsusulat ng mga sinasagutan niya. Tina-transfer ko na sa aking laptop.

"Kaya inaabuso mo, ang dali dali lang niyan. Kung hindi ka lang tamad mag encode, kahapon natapos na yan!"

"Kung ikaw din ang nag-encode nito dapat tapos na ako. Babayaran naman kita, ah!" pabalang na sagot ko.

Binato niya ako ulit ng papel. "Spoil brat ka talaga!" tumawa nalang ako sa kaniyang sinabi.

"Oh, saan ka na naman pupunta?! Tapusin mo na nga yan para akoy ay makauwi na!" Sigaw niya sa akin.

"Dito lang sa terrace, parang narinig kong may tumawag sa akin, eh!" Palusot ko sa kaniya. Hindi talaga yun totoo.

Pumunta ako sa terrace dahil may titingnan lang ako. 

Nakita kong lumabas sa bahay nila si Trevor Malvoro. Ka-edad ko lang siya pero hindi na siya nagpatuloy pa mag-kolehiyo. Pinili niyang magtrabaho nalang. Yan ang narinig ko.

Badboy din kasi siya, eh! Lapitin pa sa gulo dahil sobrang mainitin ang ulo. Naging classmate ko siya hanggang second grade ng highschool. Pagdating ng third year, umuwi siya ng province nila.

Ngayon lang din siya bumalik, nong nakaraang summer. Malaki talagang pinagbago niya. Lalo siyang naging attractive!

Maganda ang shape ng mukha, maganda ang katawan, batak na batak. Lalo na rin, maputi siya.

Lalo akong nanggigigil sa kaniyang karesma dahil naka boxer lang siya. 

Gusto ko rin naman. Haha. Joke! Pero totoo yun. Natuwa ako dahil kapag nandiyan siya sa bahay nila, lagi lang siya naka-boxer.

Can't Refuse Him (Rated 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon