12

401 3 0
                                    


"Ewan ko lang!" Nakasimngot pa rin ako.

Mga bruhang 'to. Sumunod pa talaga sa min. Lalabas na kami ng pinto nang humarang sila.

"Naku, bff. Ayaw nilang magpaawat! sabi sa akin ni Marie.

"Aalis na kayo agad?!" Epal na tanong ni Michelle

"Oo nga, lalo ka na pogi!" Ngumiti si Abby kay Trevor. Aakitin niya pa talaga, ah!

"Pogi, sabihin mo ang pangalan mo sa amin. Sige na!" Pabebe pa 'tong Vena na 'to.

"Oo nga, pogi!" dagdag ni Shine.

"Manahimik nga kayo. Bubwesitin niyo ba talaga ako!" Sigaw ko sa kanila.

Nagsalita si Trevor. "Ang pangalan ko ay Trevor." Napatingin ako sa aking boyfriend.

"Taken na ako! Mahal ko ang girlfriend ko kaya sana wag niyo na akong landiin at sana wag niyo na kaming guluhin, ang relationship namin. Ayaw kong magkasira kami ng girlfriend ko. Mahal na mahal ko siya.

Marami pa namang lalake diyan na mas pogi pa sa akin. Doon nalang kayo sa walang jowa. Wag niyo ng patulan ang taken na!" Naantig ako sa mga sinabi ng boyfriend ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ang sweet!" Kilig na sabi ni Marie.

Tumingin si Marie sa lima. "Narinig niyo yun. Loyal ang poging boyfriend ni Elize kaya wag niyo ng tangkaing landiin siya!"

"Ito kasi si Michelle, bad influence!" napatingin si Michelle sa sinabi ni Shine.

"Ako pa talaga?!"

"Oo!" Sang-ayon nina Vena at Abby.

"Sorry ha! Lalo na sayo Elize!" paghingi ng tawad ni Kath.

"It's Okay, I don't mind!"

"Nasira tuloy natin ang date nila. I'm really sorry talaga!" Dagdag pa ni Abby.

"Oo nga!" sumang-ayon sila, except sa ma-pride na si Michelle.

"Saan na kayo punta ngayon?" Tanong ni Marie.

"Maglakad lakad nalang siguro kami sa labas, maganda ang panahon kaya masarap maglakad lakad ngayong gabi," sagot ko sa tanong ni Marie.

"Sige, pasensya na ulit!"

Nasa labas na kami ni Trevor, mag kahawak ang aming kamay habang naglalakad.

"Buti, natauhan ang mga gagang yun!"

"Isang anghel kasi ang nagsalita!" Tumingin ako kay Trevor. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Para saan yun?!"

"Wala lang, masaya lang ako!" ngumiti siya sa sagot ko.

Umuwi na kami sa bahay ni Trevor. Gusto ko sanang makipasiping sa kaniya sa bahay ngunit nakauwi na pala ang mga magulang ko.

"Hey, kasama mo pala ang boyfriend mo!" pagsasalita ni Mommy.

"Opo."

"Hello po, tita!" Bati ni Trevor sa kanila.

"Kumain na ba kayo? Sumabay na kayo sa amin!" alok ni Dad.

"Kakakain lang namin. Galing kami sa date," ngiting tingin ni Trevor sa akin habang nagsasalita.

"Really? Masaya kami sa relationship ninyo," tuwang sabi Mom.

"Pero hinahinay lang muna. Alam niyo naman hindi namin hahadlangan ang inyong relasyon. Trevor patapusin mo muna sa pag-aaral si Elize bago kayo gumawa ng baby." Napangiti kaming dalawa ni Trevor dahil sa sinabin ni dad. Tinapik din siya ni Mom dahil sa sinabi niya.

Can't Refuse Him (Rated 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon