"Danielle!"
Uwian na, nag-aayos ako ng mga gamit ko nang may tumawag sa akin. Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko, si Valerie pala.
"Oh Val. Bakit?" Tanong ko kasi parang may itatanong siya. Sa lahat ng babaeng kaklase ko, siya yung pinakaclose ko sa lahat. Pareho kasi kaming mahilig sa k-pop. Crush pa namin si Taehyung ng BTS.
"Papasok ka pa ba bukas?" Tanong niya. May program nga pala bukas. Paniguradong busy halos lahat ng teachers kaya hindi sila makakapasok sa klase.
"Ewan ko. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik. Parang gusto kong pumasok na hindi. Marami sigurong aabsent bukas.
"Oo, hindi ko pa napapasa project ko kay Ma'am eh." Sabi niya. Oo nga pala, deadline na ng project namin bukas. Buti nalang napasa ko na kahapon yung sa akin.
"Sige papasok nalang rin ako." Sabi ko. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, baka mamatay pa ako sa sobrang boring dun.
Nagsiuwian na yung iba kong mga kaklase samantalang naiwan naman yung mga cleaners. Isa na ako dun. Ang daming kalat ngayon dahil sa mga papel na ginamit nila sa project nila. Puro scratch paper ng mga drawings ang karamihan sa kanila. Ang astig nga ng pinaproject ng literature teacher namin eh, gagawa daw kami ng mangga kaso short story nga lang. Since mahilig akong magdrawing maging sa anime, madali lang para sa akin yun. Pwede naman daw magpatulong sa iba sa pagdodrawing, yung story daw ang importante. Kumbaga, dagdag points nalang yung ganda ng pagkakadrawing.
Masasabi kong marami talagang magagaling magdrawing dito sa klase namin. Kahit scratch paper palang, kitang-kita yung ganda ng pagkakadrawing.
Nagwawalis ako ng mga kalat nang may makita akong mga bond paper na may mga drawing. Pinulot ko lahat yun at tiningnan. Ang ganda ng pagkakadrawing. Kung hindi lang sana to nakakalat sa sahig, iisipin kong hindi ito scratch paper. Ang linis ng papel, maayos yung pagkakadrawing at may mga shadings na.
"Dan!! Itapon mo na yan para matapos na tayo!" Sigaw ni Stephanie kaya dali-dali ko ng tinapon yun sa basurahan. Sayang naman, sobrang ganda pa naman ng pagkakadrawing.
Pagkatapos namin maglinis, umuwi na agad ako sa bahay. Pagkadating ko, chineck ko agad yung twitter ko. Meron akong mga 10 followers kaya pinindot ko yun. May isang taong nakakuha ng atensyon ko. Bukod sa dp niya si Taehyung, @taehyung_vince ang username niya. I really find it amusing. Minsan lang ako makakita ng lalaking fan ng kpop. Madalas kasi ay sasabihin nilang bakla o kaya naman mas pogi pa sila dun. As if naman, kulay palang kitang-kita na.
Pagkatapos kong kumain, dumiretso na agad ako sa kwarto ko at binuksan ko yung kissanime.com para panuorin yung anime na Nisekoi. Binuksan ko rin yung mga social accounts ko para updated pa rin ako habang nanunuod.
Natulog na rin ako agad pagkatapos kong tapusin yung anime na pinapanuod ko. May panibago na naman akong idodrawing bukas.
~~~~~~~~~~~
Dapat pala hindi na lang ako pumasok ngayon. Kung alam ko lang na wala akong ibang gagawin kundi ang tumunganga at magdrawing sana umabsent nalang ako. Idagdag pa na halos lahat ng pumasok ay nakatambay sa Canteen o kaya naman sa gym, mga tatlo lang siguro kaming naiwan dito sa room, gumagawa sila ng kanya-kanya nilang projects.
"Beth!!!!!!!" Biglang pumasok si Vince sa room habang sumisigaw ng kung sinong pangalan. Sa pagkakaalam ko, walang pangalan o palayaw na 'Beth' dito sa section namin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang yung pagdodrawing, kulang na naman siguro siya sa pansin kaya nagpapapansin. Kung tutuusin, si Vince yung pinakaclose ko sa mga lalaki kong classmate. Masyado kasi siyang mapagbiro at madalas joker kaya ang sayang kasama.
"Beth!!! Uyy." Nagulat na lang ako nung biglang may kumalabit sa akin, paglingon ko, si Vince pala.
"Danielle Kim Perez po name ko. Saan banda dun yung Beth?" Tanong ko habang nakakunot yung noo. Saan na naman ba niya nakuha yung Beth?
"Basta. Simula ngayon, Beth na yung itatawag ko sayo." Sagot lang niya.
"Okay sige. Kung ayaw mong sabihin, wag mo akong kausapin. Tsupi! Doon ka nga. Wag ka dito sa tabi ko." Pagtataboy ko sa kanya sabay nagkunwari pa akong nagdodrawing.
"Joke lang! Sasabihin ko na." Sabi niya kaya nilingon ko siya. Madali naman palang kausap. Kaya close ko to eh.
"Okay, go!" Utos ko naman para sabihin na niya kung bakit.
"Simple lang. Nadiskubre ko kasi yung mga social accounts mo. Tapos halos parehas lahat ng username. Laging _efghijklmnopq_. Hindi naman halatang mahilig ka sa alphabet. Dun ko nakuha yung Beth, ang talino ko no?" Pagkatapos niyang sabihin yun, nagsisisi akong tinanong ko pa kung bakit. Nagsayang lang pala ako ng oras.
"Nice logic Vince. Makakaalis ka na." Sabi ko habang nakapoker face sabay lahad ng kamay ko na para bang pinapakita ko yung daan paalis. Sumimangot naman siya agad, nakalagay pa yung hintuturo niya sa gilid ng labi niya. Alien talaga.
"Diba sabi ko, V na yung itawag mo sa akin! Ang hilig mo sa alphabet pero simpleng V lang hindi mo pa masabi." Nakapout niya pang sabi kaya napatawa ako.
"Oo na. V! Oh ayan na. Alis na!" Natatawa kong sabi kasi ngumiti siya na parang aso.
"Good. Pero may itatanong ako." Sabi niya kaya tumango na lang ako para sabihing itanong na niya agad.
"Cleaners ka kahapon diba?" Tanong niya kaya tumango ako.
"May nakita kang mga bond paper na may mga drawing?" Tumango na naman ulit ako.
"Marami, saan dun?" Sabi ko since marami naman talagang mga bond paper kahapon.
"Basta puro drawing tapos malinis, walang gusot. Magkakasama sila."
"Sayo pala yung scratch paper na yun. Infairness ha, ang galing mo pa lang mag drawing." Habang sinasabi ko yun. Nagbago yung expression ni V. Parang naging seryoso na ewan.
"Hindi yun scratch papers Beth!!! Yun yung ipapasa kong project kay Ma'am Abarquez." Medyo pasigaw na niyang sabi kaya natigilan ako.
Patay!
***********
Short story lang po to. Dedicated sa taong _efghijklmopq_ ang username sa ilang social networks. Beth po ang tawag ko sa kanya, pareho kami ng rason ni V hahahahahha.
Thanks for reading. Please Vote, Share and comment.