"Hindi yun scratch papers Beth!!! Yun yung ipapasa kong project kay Ma'am Abarquez." Medyo pasigaw na niyang sabi kaya natigilan ako.

"Ahh....ano. La..labas lang ako ha. A..ano bigla kasi akong nagutom. Si..sige iwan na kita." Nauutal kong sabi habang nililigpit ko yung mga gamit ko.

"Uy teka. Sabihin mo muna kung saan nakalagay yung project ko." Paalis na sana ako nung biglang hinawakan ni Vince yung braso ko.

"So....sorry pero hindi ko na kasi alam kung nasan na yun ngayon eh." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko yun.

"Ha? Paanong hindi? Saan mo ba nakita?" Tinuro ko naman agad yung ilalim ng upuan dun sa may bandang unahan.

"Ahh. Sige vince. Aalis na ako ha." Nagmamadali kong sabi sabay lakad pero nahawakan niya ako.

"Sabihin mo muna nasaan yung project. Dali na, ngayon ipapasa yun." Nagmamakaawa niyang sabi kaya lalo akong kinabahan.

"Ahh. Ano.. ano kasi eh. Alam mo ano.. yung ano.. mo.. yung project... Nataponkosabasurahansorryhindikosinasadya." Sinasabi ko yan habang tumatakbo palayo sa kanya. Nung makalabas na ako, medyo narinig ko pa yung pagtawag niya sakin at pagmura niya.

Sorry talaga. Hindi ko alam na hindi pala basura yun.

Wala sana akong balak pumunta ng canteen. No choice, ayokong makasalubong si Vince. Baka masapok pa ako nun. Worst, papakalkal niya sakin yung basurahan. Kadiri lang. Mahal ko pa buhay ko.

---------------------

Pagkatapos kong kumain, bumalik na rin akong room since uwian na rin naman. Halos maubos pera ko kakabili ng kung ano-ano, maiwasan lang yung si Vince. Sobrang naguiguilty talaga ako.

Pagkarating ko ng room, nakita ko siya sa labas ng room, dala -dala yung bag niya. Kinabahan ako. Ang sama lang ng tingin niya sakin kaya yumuko nalang ako.

Dali-dali kong kinuha yung bag ko at tumakbo na ako palabas ng school.

Sorry talaga Vince

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

United HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon