1st-First Met

518 3 0
                                    


"Tita, ayaw ko. May pasok na kami niyang pagkabukas niyan. Eh baka doon pa tayo matulog, di ako makakaatend ng first day of class niyan" pagmamaktol kong sabi. Duhh! Ang layo kaya ng Bukidnon noh. Atsaka patay ang pupuntahan namin doon, hayy!

"Kung ayaw mong sumama. bahala ka" sabi niya!

YEAH!

Hi guys. I am who I am. Hahaha! Jk. I am Rhea Mae Durano. 16 years old. I lived in one of the places in Mindanao (ayaw ko nang iSpecify kasi di niyo rin alam), dalawa kaming magkakapatid, complete family po kami... At isang compound lang kami nina Tita
kaya medyo close narin. Parang dikit dikit lang ang bahay namin. Dati kasi nakikitira lang kami kina Tita pero nung pagHighschool ko ay nagpagawa narin kami ng bahay pero katabi lang ng bahay nila.

"Rheeeaaaaa!" rinig kong tawag sakin ni Mama mula sa bahay namin. Lagi akong tumatambay kina Tita eh, ayoko sa bahay. Maingay! Puro bunganga ni Mama ang maririnig ko, itong si Papa naman ay walang kibo. Masyadong mabait, minsan lang magalit pero wagas din eh.

"Pooooo?" sigaw ko at saka muna ako pumunta ng bahay.

"Oh ma? Ano?" sabi ko sakanya habang nasa pintuan palang ako.

"Sasamahan mo ang Tita mo bukas. Ayaw niyang bumyahe na si Kuya mo lang ang kasama" aniya.

Ilang beses na dapat sabihing ayaw ko! AYAW KO.

"Nakaismid na naman yang mukha. Final, sasama ka. Wag kanang maarte!" sabi ni Mama.

UGH! Fineeee! Wala narin akong magagawa.

At tumalikod nako at bumalik ng bahay. Sinabi ko na kay Tita na sasama ako kaya binilhan niya na ako ng Bonamine (a/n: Avoid pagsusuka while in travel)

May 31, 201*

3:00am palang ay ginising na kami ni Tita kasi kailangan naming pumunta ng Terminal ng maaga para maabutan namin ang Bus.

After ko nilagay lahat ng gusto kong dalhin. Damit, dollshoes, headset, pabango, pulbos, napkin(may period kasi ako that time haha) at snacks ay umalis na kami. Hinatid na kami ni Papa sa terminal. May sarili naman kaming Tricycle eh.

Nakarating na kami ng Terminal at wala parin ang first trip papunta. Kaya naghintay kami ng isang oras saka pa dumating. Sumakay na kami at natiming pa na sa Aircon Bus pa kami nakasakay. Woaaa! I'm freezing here. Dito kami nakaupo ni Tita sa Double na upuan at si Kuya Kim naman ay nasa likod namin. (Si Kuya Kim ay Anak ng tita ko)

"Tita sino pala ang namatay doon at naglaan pa kayo ng oras na pumunta?" tanong ko

"Parang Nanay nanay ko narin to nung dalaga pa ako eh." aniya.

Ahhhh! Kaya pala. May sentimental valur pala yung pumanaw sakaniya.

Biyaheeee... Biyaheeee... Stop over for breakfast... Biyaheeee... Biyaheeee....

"Dito na tayo." ginising na ako ni Tita. After how many years ay andito narin kami.

Isang malaking Yawn abg pinakawalan ko.

Paglabas namin ng bus ay tinext ko na agad si Tito kung saan banda ang punerarya.

"Villanueva Funeral Homes daw po tita". kako

"Teka magtatanong muna ako saan yan banda". ani Kuya

Kahit kanino siya nagtatanong.

"Sumakay daw tayo ng rela (tricycle na pahaba)"

"Tara!" at binitbit ko na ang bag ko at dumiretso sa sakayan...

"Hayyy ang sikip" sabi ko sa sarili ko.

"Wag sige reklamo dyan. Ang laki ko kase! Magpapayat kana" ani Tita. Ansama!

"Nagpuddot launay!" Ilocano language which means *Ang init masyado*. Nagpapaypay ako gamit ang kamay ko.

Tumitingin ako sa kabas. Perstaym ko nakalibot dito eh. Dati kasi, dinadaanan lang namin ay ang terminal pag pumupunta kami ngCagayan de Oro. Dun kami nakatira dati eh nung Grade 3 pa ako.

After how many years ay nakarating narin kami...

"Parang wala naman masyado tao tita" kako. Kasi ang nakita lang namin ay dalawang babaeng nagbabantay.

Pumasok na kami sa loob.

Nagtanong yung isang babae sa amin.

"Kaano-ano po kayo ng namatay?"

"Ah, kakilala po. Taga Zamboanga ako dati e. Tumawag kasi ang anak niya sakin na pumanaw na siya kaya pununta kami dito" sabi ni Tita.

"Ay, upo po kayo. Wala si Ante ***, umuwi muna sandali kasi magpinrepare". aniya

"Ah, hehe. Sige ok lang."

Tumingin muna kami sandali sa kabaong at saka umupo na. Antok pa ako eh, tas parang nahihilo ako kaya umidlip muna ako ng nakatayo.

zzzzz

Naalimpungatan ako nung may kumalabit sakin.

"Rhea. Gising na!" si tita lang man pala. "Dalhin muna yung gamit mo, ihatid tayo sa bahay ni Ante mo"

"Ante ko??"

"Oo. Anak ni Nanay" (which is yung anak ng namatay)

"Ayyy. Okay po"

Sumakay na ulit kami ng rela at hinatid kami ng isang babaeng nagbabantay doon.

Bumaba na kami.. Ang bahay nila ay may hagdan muna bago ko makarating sa mismong pintuan nila...

Pagpasok namin sa loob ay maraming tao...

"Bibingggg!" lumapit siya kay Tita at nagyakapan sila. Yun pala yung anak ng namatay.

"Oh mga teenager! Magmano kayo kay Tita Bibing nyo". at isa-isa na silang nagmano. At syempre nagmano rin ako sa ibang elders. Baet ko eh

Napaupo ako sa isang sulok dahil sa antok talaga ako...

Nang may biglang lumapit sa akin, kinalabit niya ako sa braso ko.. "Miss taga saan kayo?"

"Hmmm... Taga **** kami" tipid kong sagot. Sorry wala ako sa mood eh.

Pag-angat ko ng mukha ko sakanya ay nakatingin siya sakin. Maliit siya, matangos ang ilong, maganda mata at nakaponytail. Medyo maputi rin siya.

"Ahh. Familiar ka" tugon niya.

Familiar!? Duh. Ngayon nga lang kita nakita eh.

At di ko nalang siya pinansin. I'm not interested eh.

After how many hours na pagchichika nila Tita sa mga kakilala niya ay pinakain muna kami saka pinakasakay sa sasakyan nila.

"Dito daw po tayo sasakay" at yung babae na naman kumalabit sakin ang nasa harapan ko.

"Okay. Salamat gah!" sabi naman ni Tita.

Inopen na namin ang sasakyan at sumakay na.

Sa bandang kanan ko ay si Tita at sa bandang kaliwa ko ay di ko kilala.

At sa likod yung babae kanina na kinausap ako.

Pabalik na kami ngayon ng punerarya....

•••• To be continued...

5 MONTHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon