Chapter 1

32 3 0
                                    

- BOYFRIEND'S POV -

" Pre tara na sama ka na samin "

" Ayoko nga eh "

" Tol tara na kasi "

Ano ba naman to. Kanina pa ko kinukulit ng kambal na to ah. Pinipilit lang naman nila akong sumama sa kanila.

" Kulit niyo Pre, Ayoko nga eh! Kayo na lang "

" KJ mo naman, Tsaka mas marami mas masaya " Si Indigo iyan. Siya yung panganay sa kambal. Sa pagkakaalam ko snob yan eh. Kaya ako mismo nagtataka kung bakit ko naging kaibigan yan eh.

" Oo nga.  Kaya tara na. Masaya kaya sa Star City no! " Sabi ni Cyan sabay kanta ng theme song ng Star City. Tss. Magkamukha lang sila pero magkaiba sila ng ugali. Bukod kasi sa buhok niyng kulay pink yung nunal na lang sa gilid ng mata niya yung palatandaan na siya si Cyan. Muntanga nga eh. cyan yung pangalan pero pink yung buhok. Pero kahit walang palatandaan mahahalata mo parin yung difference nila kumpara kasi sa kuya niyang manly daw. Childish yan. Kalog. Tipong takas sa mental. Mas nakakapagtaka nga na kaibigan ko yan eh.

' Tss. Gusto niyo lang ipagdrive ko kayo eh "

" Haha.. Coding kami eh. Tsaka para mag celebrate na din. Kakatapos lang ng midterm eh " Sabi ni Indigo.

" Tsaka wala kaming irereto sayo ngayon. No girls allowed. Bonding lang natin. " Sabi ni Cyan nagpapacute pa.

Yeah. Right lagi kasi akong nirereto ng dalawang 'to kung kani-kanino eh. Tss. 

" Onti na lang talaga iisisipin ko nang bakla ka Cyan " Nawala naman agad yung ngiti niya at kumunot ang noo.

" Eh kung sinasapak kaya kita " Inis niyang sabi. Si Indigo naman tatawa-tawa lang.

" Haha. Tara na nga iyak ka na eh "

" Tss. wag ka na kayang sumama " Bulong niya pero rinig ko parin. Shunga talaga to eh bubulong na lang ipaparing pa sakin.

" Narinig kita ulol "

" Sinadya ko yun tanga! " Sabay pasok sa kotse ko eh. Tss.



-----------///-------------



 Kagaya nga ng sinabi nila. Mukha ngang wala talaga silang planong ireto ako ngayon. Makaka hinga na rin ako ng maluwag sa wakas.

" Kain muna tayo gutom na ko eh " Cyan

" May pagkapatay gutom ka rin eh no " Indigo

" Haha.. Ulol pareho lang kayo eh "

" Parang ikaw hindi ah " Indigo

" Haha.. Kaya nga tayo tropa kasi patay gutom ka din eh "

" Ewan ko sa inyo " Papunta na kami sa may Hotdog stand ng may makita akong pamilyar na mukha. Napahinto ako sa paglalakad.

Nanaginip ba ko?

Bakit ko siya nakikita?

Bakit siya nandito?

Bakit--

" Pre nandito siya " Nagising ako sa katotohanan na nandito talaga siya sa pagtapik sakin ni Indigo.

"...Mukha nga.." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

" Wag mo sabihing di ka pa rin nakakamove - on nyan " Sabi ni Cyan na nakakuha ng atensyon ko para mapatingin sa kanya.

" Gago! Hindi no! " Sabi ko sa kanya sabay suntok sa balikat niya.

" Tss. SIge sabi mo eh " Ani Cyan

"  Tss. Cr lang ako. " Umalis na agad ako bago may masabi tong dalawang to.



---------------///----------------



Naglalakad na ko pabalik nang mag sink in lahat.

Bakit nandito siya?

Bakit siya bumalik?

Bakit pa siya bumalik?

Bakit pa ko nakakaramdam ng ganito sa babaeng yun?

Ano ba kasi itong nararamdaman ko?

Inis?

Galit?

Lungkot?

Saya?

Pagmamahal?

Katulad ng sinabi ko kanina mahilig na akong ireto nila Indigo. 1st year college pa lang ganyan na sila porket may mga girlfriend na sila nun eh. Pero dahil sa pangrereto nila na yun doon ko siya nakilala.

Si Mich.

Yung babaeng minahal ko.

Yung babaeng iniwan ako.

Yung babaeng sinaktan ako.

Shit. Bakit ko ba 'to iniisip?

Tangina! Bakit ang dami kong tanong?

" Aray! "

" Ouch! "

Sabay namin sabi nitong nakabunggo sakin. Tss.  Ano ba 'to bulag? Kita nang nagmomoment yung tao eh tas mambubunggo na lang bigla.

" Ay.. Sorry "

" Ok lang.. " Kahit hindi.. Oh Sht! WOW! Walang halong biro maganda siya..

"  Ah.. Sige miss una na ko " Syempre aalis na ko alangan titigan ko pa siya awkward naman yun diba? Paalis na ko nang bigla siyang magsalita.

" Babe.. " Huh? Di ko  masyado narining kaya naglakad na lang ako.

" Babe! " Hala! May boyfriend na ata si ate eh. #sayang.

" Babe! Ano ba " At parang ang clingy niya pa ah. Talagang pinalalandakan yung endearment nila ng boyfriend niya eh. Tss. Edi kayo na in a relationship. Bwisit.

" BABE!!! " Takte. Napalingon na ako. Tangina. Lakas makasigaw eh pero nagulat ako dahil sakin siya nakatingin. Ay mali. Lahat pala ng tao sakin nakatingin. Umurong ata yung dila ko at di ko magawang makapagsalita kaya tinuro ko na lang yumg sarili para makumpirma kung ako talaga yung tinatawag niya. At sa hindi maipaliwanag na dahilan tumango lang siya sabay sabing..

" Kanina mo pa ko di pinapansin Babe, Galit ka ba? " Napanganga ako sa sinabi niya.

Ngayon ko lang to sasabihin pero panigurado mukha akong tangang nakatingin sa kanya ngayon.

WHAT THE HECK!? BABE!?



----------------------------



Ang hilig ko mag tss diba? haha

TSS!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfirend is a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon