SIMULA

10 1 0
                                    

PADABOG na sinirado ni Azucena ang pinto ng kanyang silid matapos siyang pangaralan ni Don Fernando-kaniyang ama.

"I hate you dad! Palagi nalang ikaw ang tama at ako ang mali,palagi nalang ikaw ang magaling at ako ang hindi! I hate you so much..."hinagis niya sa pader ang bawat gamit na mahahawakan niya. Pinangaralan lang naman siya ng kaniyang ama na huwag sumama sa mga barkada lalo na sa mga lalaki dahil hindi daw iyun magandang gawain para sa isang babae na katulad niya lalo na't nagmula siya sa maharlika't kilalang pamilya.

Hindi niya mapigilang hindi mainis sa kaniyang ama kahit na alam niya na kung bakit ganito kahigpit ang kaniyang ama sa kanya. She's the only child and the heiress of Alfonso's family.

"Anak,huwag kanang magalit sa iyong ama. He's right,at pinoprotektahan kalang niya lalo na't hindi maaasahan ang mga pagmumukha ng iyong mga kaibigan..."aniya Donya Acasia habang hinahaplos ang kaniyang mahaba at matuwid na buhok.

"Mababait naman sila Apollo,mommy e...bakit ba ayaw niyo sa kanila?"

"Hindi naman sa ganun anak,pero alam mo naman na itong si Richie Anne Fajardo ay anak ng naging kaaway ng iyong ama at hindi natin alam kung gaganti sila sa pamilya natin."

"Yan naman kasi kayo e away ng away kaya pati kami nadadamay."

"Huwag kang magsalita ng ganyan,anak..."

"Mom,leave! I want you to leave my room now! Pareho lang kayo ni Daddy!"nagtaklob siya ng kumot at parehong inilagay ang kamay sa magkabilang tenga. Ayaw na niyang marinig pa ang sasabihin ng kaniyang ina.

Napabuntong hininga ang kanyang ina na si Donya Acasia habang pinagmamasdan siya na nagtatago sa ilalim ng kumot.

Azucena cares only about herself. She believe she's better than anyone else and no one in the world is above her. She got that too much confidence in herself.

She's not that someone who goes around pleasing other people and making sure they are happy. She doesn't care about anyone's feeling.

She doesn't want get walked over and pushed around.Ayaw niyang may nakakalamang sa kanya o kaya naman ay hindi siya kinikilala. Isa siyang attention seeker.

Azucena Yelly Alfonso is a half Filipina by her mother side and half Spanish by her father side. Slender teen age girl of 5'7" height with long length black hair with highlights na violet. She was actually pretty in a different way. Mestiza, maputi,at matangos ang ilong.

Nang makaalis na ang kaniyang ina ay tsaka lang siya bumangon at inalis ang kumot na naka-taklub sa kanya.

Padabog niyang binuksan ang pinto ng marinig niyang may kumatok. Bumungad sa kaniyang harapan si Lucena ng buksan niya ang pinto.Anak ito ng mayor dorm nila. Magkasing edad lang sila at sabay na lumaki pero kahit kailan ay hindi sila naging magkaibigan. She hated Lucena lalo na't malapit ito sa kaniyang mga magulang.

"What?"nakataas ang kaniyang kilay habang pinapasadahan ng tingin ang suot nitong bestida.

Lucena was the exact opposite of her. Average height, simple at disente manamit. Unlike her,mas subsob ito sa pag-aaral at sa pagtulong sa mga gawaing bahay.

"Pinapatawag ka ng iyong mga magulang sa baba dahil dumating na ang bagong driver natin,si Marcutho Sanchez..."

She rolled her eyes at umirap kay Lucena."I don't care about Marcutho,at bakit ko naman pag-aksayahan ng oras na kilalanin siya? He is just a driver! And correction, hindi 'natin' kundi sa akin lang. You're just a maid at nakikisakay lang sa kotse namin...h'wag kang masyadong feelingera!"at pagkatapos ay pinagsarhan niya ng pintuan ito.

'Feelingerang ipis, hindi na nahiya!' she murmured.

Humelata siya sa kaniyang malambot na kama. Sa ngayon ay humuhupa na ang pagkainis niya sa kaniyang ama. Habang nakatingin sa kisame ay iniisip niya sina Apollo,kung ano ang sasabihin niya sa mga ito nang umalis siya ng walang paalam sa tambayan nila.


PINAGMAMASDAN niya ang magandang tanawin sa baba mula sa terrace ng kaniyang silid. Sabado ngayon, gustuhin man niyang maglakwatsa kasama ay hindi pwede dahil pinagbabawalan siya ng kaniyang ama. At mahigpit din na ipinagbilin ng kaniyang ama na kung sakaling may importanteng lakad siya ay dapat na kasama niya si Marcutho-ang bago niyang driver at magiging personal bodyguard niya. At don ay kinamuhian niya narin ito.

Why dad hated my friends specially boys? Why dad trusted Marcutho? Marcutho is a stranger at hindi ko alam kung saan siya nag mula at kung ano ang record niya....

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang kilay ng dumako ang kanyang tingin sa dalawang tao na masayang nag-uusap sa ilalim ng puno ng avocado. Marcutho and Lucena.

"Lucena'ng 'to mukhang balak atang landiin ang driver ko,"bulong niya sa kaniyang sarili at pagkuwan ay umirap.

Lumabas siya sa kaniyang silid suot ang puting cropped top, mini-skirt,sandals,at nakatirintas ang mahabang buhok.

Bawat katulong na tumitingin sa kanya ay tinataasan niya ng kilay. Taas noo siyang bumaba sa mahabang hagdan ng kanilang mansyon.

Para siyang prinsesa kung tutuusin,lahat ng trabahador na dumadaan sa kanya harapan ay agad na tumagilid at yumuko sa kanya.

She's planning to go somewhere with Marcutho. Dahil ayaw ng kaniyang ama na sumama siya sa kaniyang mga kaibigan ay napag-isipan niyang guluhin at sirain ang buhay ng binata para iyo na ang kusang mag-resign sa trabaho nito bilang isang driver at personal bodyguard niya.

"I hated Azucena, she's not nice. Definitely not. She's a bad girl. She's mean and harsh. She's cursing machine. She's got a terrible at palaging napapasok sa gulo sa school. Palibhasa kasi anak-mayaman at only child nina Don at Donya Alfonso kaya lumalaki ang ulo..."wika ni Lucena.

Lahat ng sinabi ni Lucena ay narinig niya. Nagtitimpi siyang kalbohin ito habang nakikinig sa likod ng dalawa.

"Mabaiy naman siguro si Señyorita Azucena."

"Mabait 'pag tulog..."

"Masama ang manghusga sa kapwa,Lucena."

"Matagal ko na siyang kilala,simula pagkabata ay ganyan na talaga ang ugali niya."

"Señyorita..."nanlaki ang mga mata ni Marcutho ng makita siya at pati narin si Lucena ay nagulat.

"I am surprise that both of you notice my presence,"sarkastiko niyang sabi. Binalingan niya ng masamang tingin si Lucena." Yes,i am evil but I am not like you na kunyari mabait pero nasa loob pala ang kulo..."a devious smirked crept into her lips. Binalingan niya ng tingin si Marcutho na tahimik na nakatayo sa gilid."Marcutho,i want you to come with me, we're going to somewhere kung saan walang plastik,"habang binibigkas ang huling salita ay nakatingin siya kay Lucena na tahimik nakayuko.

Pagkatapos niyang magsalita she flipped her hair at nag walk out sa harap ng dalawa.



AmponNiRizal
Date: February 25,2022
[UNEDITED PART]

ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon