-PROLOUGE-

1 0 0
                                    


"Shit shit putang!na." Si Luca na nasa kabilang linya ng airpiece.

"Luh lutong ahh" Si Marianette sa kabila ulit.

Tumigil pa muna ako sa gilid ng kalsada dahil hinihingal na ako kakatakbo. Ang layo kaya ng Dapitan sa lungsod ng Manukan.

"Sabihin niyo nga sakin kung bakit niyo pinatakbo ng ganito kalayo!!" Saad ko habang sapo ko ang aking dibdib. Napahawak na rin ako sa akin tuhod sa pagod.

"Ahh kasi ikakasal na ang bebe mo?"  Kung andito lang ang mga to sa tabi ko baka napatay ko na to.

Nagsimula na ulit akong tumakbo. Kahit mainit ang panahon ay hindi ko parin ako tumigil.

"O ayan na! Ayan na!"

"Huy! Gusto mo kumain ng piatos?"

"Ringbee akin!"

"Gago!"

"Ka!"

"Ahh ganda ko?"

"Pangit mo!"

"Paano napunta sa pangit ang usapan?"

"Euca, okay ka lang?"

"Y-yeah. I'm fine. I think." Saad ko at nagpatuloy parin sa kakatakbo.

"Umiiyak ka ba?" Si  Luca.

Umiling lamang ako kahit masakit na sa loob ko. Hindi ko alam kung kaba o ano. Basta ang naiisip ko lamang ay ang taong sampung taon ko ng gusto.

Yeah. He's worth my  exhaustion.

He is worth it.

He is worth the 10 miles of long run.....

Kahit pagod at hingal ay tumakbo parin ako. Kahit umiiyak sa kabila ng pagod ay nagpatuloy parin ako. Ganito ako eh. I guess I am like my brother......

"A-ahh Euca?"

"Yes?"

"Nagsisimula na."

Napatigil ako at tulalang nakatayo sa gitna ng kalsada. Para akong naging estatwa bigla sa sinabi ni Luca. Bumuhos yung luha ko at nanginginig na ako sakit pero andito parin ako. Nakatayo sa gitna ng kalsada. Walang pakialam sa mga nagdadaanang sasakyan. Nabibingi na.

"I'm sorry. Mukhang hindi na natin mapipigilan ang kasal."

No!

"M-masaya ba siya?" Tanong kahit ang sakit-sakit na.

"Is he handsome?" Funny.. noon pinangarap ko pa na ako ang kasama niya sa altar pero hindi naman pala mangyayari. What a pain.... in my heart..

May mga sasakyan ng napapatigil dahil nakaharang ako sa gitna. Lahat ay galit dahil hindi ako umalis. Hindi ko magawang umalis.

Isn't it funny? I am going crazy...

"Miss! Magpapakamatay ka ba?!" Si manong na nasa harap ko na galit na galit at pulang-pula na ang mukha.

"We are not gonna make it, Euca. Sorry."

"Miss! Ano?! Nakaharang ka. Alis!"

Bigla na lamang akong naupo sahig at umiyak ng malakas. He really did.....

Napayakap ako sa aking tuhod at habang umiiyak. Wala ng pakialam kay manong na ngayon ay naka-upo na rin  at hindi kong aaluin ba ako o papagalitan pa lalo.

Hindi na rin nag-iingay ang mga nasa kabilang linya. Iyak ko na lang ang maririnig. Nagsilabasan na rin ang mga tao sa nangyari at kanya-kanyang tingin sa akin. May ibang nagtatanong na baliw ba ako o ano pero hindi ko na magawang magreklamo o tumugon sa mga sinasabi nila.

Eunice Catalin Avery (POSSESIVE GIRLS SERIES#4)Where stories live. Discover now