Paasa

9 0 0
                                    

PAASA

Hindi ko alam kung paano ko ba to sisimulan basta ang alam ko may nagbigay sa kanya ng number ko.

*vibrate*

---
Hi! :)
---
From: 09093071***

At sino naman kayang nilalang ang nagbigay na naman ng number ko. Humanda sila sa kin sa Monday.
---
Who u?

---
To: 09093071***

Matutulog na sana ako ng bigla ka na namang nagtext.

*vibrate*

---
Ako ang iyong tadhana. Hahaha.
---
From: 09093071***

Nung una naiinis ako sayo dahil sa hindi na nga kita kilala, dumagdag pa ang mga jokes mong mukhang nalipasan na ng panahon, pero di tumagal mas gumaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko kilala na kita. Parang antagal tagal na nating magkakilala.

Di nagtagal nagkita din tayo sa personal. Gosh. Ambata mo pala, pero kung makipag usap ka sakin feeling ka age ko lang. Nung una nag aalangan pa ako kung ititigil ko ba tong ginagawa namin, yung pagkakaibigan na nauwi sa ka-ibigan.

Naalala ko pa yung panahong ang sweet sweet natin, yung feeling na walang tayo pero ramdam na ramdam ko ang prescence ng word na tayo.

Kahit alam kong mali, tinuloy ko pa rin.

Age doesn't matter nga diba?

Sa inaraw-araw nating magkatext, tapos hinahatid mo pa ako tuwing pagkatapos ng group activities namin, hindi ko namamalayan na na-fall na pala ako sayo, at lumalalim pa ito araw-araw.

Hindi ko alam pero isang gabi, nagbago ang lahat.

*vibrate*

---
Sorry. Gusto ko nang tapusin kung ano mang merong pagkakaibigan ang meron tayo.
---
From: 09093071***

A-ano to?

B-bakit?

Sabi na nga ba e. Sabi na nga.. Tama yung mga kaklase ko.. Papaasahin lang ako nito.

Bakit nga ba ako umasa sa isang batang grade 8? Huh. Sa hindi ko inaasahan, bigla nalang akong napaiyak sa harapan ng mga kaklase ko. Kagabi pa ako ganito. Pugto na nga mga mata ko e. Kahit na ayaw kong pumasok, pumasok pa rin ako sa school. At pinagsisihan ko na pumasok ako dahil nung pagpasok ko, kung ano anong pangaral ang natamo ko.

"Janelle, na bagito ka." sabi ni Sidney.

Loko talaga.

"Janelle if it's meant to be, meant to be." sabi naman ng madrama kong kaibigan na si Zai na ni minsan ay di pa nag ka boyfriend pero kung makahugot at mangaral sa akin feeling expert.

"Wala tayo dyang magagawa, bata e. Pabago-bago ang isip." sabi ni Shaina.

"Hindi na yun bata. " sabi ko habang pinapahidan mga luha ko.

"Wag kang defensive Janelle. Sabi naman sayo e. Papaasahin ka lang nyan. Dito ka nalang kasi sakin." sabi naman ni Loyd.

"Loyd, once na ako napa sa iyo noh. Di mo lang talaga ako pinahalagaan."

"Whoah! Hugot!" sigaw ni Sidney. Buti nalang wala yung teacher namin dahil may biglaang meeting.

Minsan na nga lang mainlove, sa maling tao pa.

Putek talaga yung batang yun!! PAASA!!

---END--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KAYENALINE'S ONE-SHOT STORY COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon