At sa bawat pagdilat ng mga mata ay alam kong simula na naman ng panibagong laban
Ngunit ito ay hindi alam ng karamihan, nasanay na sila sa masaya kong mukha. Mga malalakas na tawa at ang mga salitang mapang-asar na nanggagaling mismo sa aking mga bibig
Walang naglalakas loob na alamin ang estado ko, kaya napapaisip na lamang ako mayroon ba talagang nagmamalasakit sa isang tulad ko?
O dahil ba matapang ako sa kanilang mga mata kaya ang akala nila ay maayos lang ang lahat at wala akong problema? Hindi ko alam, at ayaw kong alamin
Ayaw kong dagdagan ang mga boses na palaging gumigising sa akin, na kadalasan ay sanhi rin kung bakit dilat na dilat ang aking mga mata ng ilang araw
Mas mabuti na ito, mas mabuti na ngang solusyonan ko ito ng mag-isa, labanan ang sariling isipan, at kung hindi kakayanin ay patatahimikin ko na lamang ang mga boses na ito.
Tatapusin ang dapat na taposin, kahit na kailangang may mawala at kahit pa matalo ako bigla
Dahil sa ngayon ang tanging mahalaga ay ang mawakasan ang paghihirap na palaging dala-dala
YOU ARE READING
THE SUICIDAL NOTE
Non-FictionLahat tayo ay may mga sariling laban na hindi alam ng karamihan, ngunit ang katanunga ay hanggang kailan?