"WHAT IS PHYSICS?" tanong ng teacher nilang si Mrs. Castro. Inilibot niya ang tingin sa klaseng agad na nagbukas ng kanilang notes.
Halos magpadausdos naman sa kinauupuan si Thea upang huwag siya makita. Nasa hulihang upuan siya sa gilid ng aisle. Pasimple rin niyang inopen ang notebook at hinanap ang tanong 'dun.' Alam ko ang sagot 'dun eh, Memorize ko pa 'yan kagabi. Nasaan na ba 'yun? '
"Thea, Stand up!"
Tila nagecho ang boses na 'yun ni Mrs. Castro dahilan para agad siyang pagpawisan.
Atubili siyang tumayo. Nanginginig ang babang ibinuka niya ang bibig. Kitang kita niya sa perephiral vission niya ang mga classmates niyang masaya dahil sa nangyari."M-ma'am..P-physics is...is the.."
"I don't understand what you're saying, Thea. Did you study your lesson lastnight?"
Sabi sakanya ni Mrs. Castro habang papalapit sa kanya. Nangangatog na tuloy ang mga tuhod niya."Y-yes M-ma'am.."
"Are you sure with that Miss Thea. Parang hindi kita kilala ah. Ang bababa ng grades mo sa recitation. Mukhang hindi ka marunog mag-aral eh"
Nagtawanan ang nga classmates niya. Pakiramdam niya tuloy, ampula na ng pisngi niya sa kahihiyan.
"QUIET!"
Sigaw ni Mrs. Castro sa kanyang mga estudyante at tumingin kay Thea."Thea, again, tumayo ka at huwag na huwag kang uupo hangga't hindi natatapos ang subject na ito."
Napasulyap siya sa Upuan ni James na halatang nagpipigil ng tawa niya. Shet siya! Pati 'yung mga katabi niya nagbubulungan.
"James, what is physics?"
Tanong ni Mrs. Castro kay JamesConfident siya na tumayo at..
"Physics is the branch of science dealing with the properties and interaction of matter and energy"
"VERY GOOD!"
Nagpalakpakan ang mga classmates niya pagkaupo nito.
"Class, palakpakan din natin si Thea."
Sabi ni Mrs. Castro at siya pa ang nanguna sa pagpalakpak.Lahat ng mata ay napunta sa kanya, kumpara kay James ay mas matunog ang palakpak ng mga ito habang nakangiti nang nakakaloko.
Wala siyang nagawa kundi ang lumunok ng laway. Hindi pa niya makuhang masanay, eh araw araw na ito nangyayari sa buhay niya. Hayss..
Hindi na tinawag pa ni Mrs. Castro si Thea, dahilan para hindi na siya makaupo. One hour ang kanyang klase kaya halos isang oras din siyang nakayuko at nakatingin sa sapatos niyang may bahid pa ng natuyong patak ng ulan. Halos isang oras din siyang pinagbubulungan ng kanyang mga classmates.
"Hoy! Umupo ka na, wala na si Ma'am"
Hinila ng katabi niyang si Faith ang kanyang palda. Ang luwang ng pagkakangiti nito.
Hindi siya kumibo. Nakita niya ang likod ni Mrs. Castro nang lumabas ng pinto. Saka lang siya tuluyang umupo.Siya namang tayuan ng mga estudyante dahil recess na. Nakangiti pang sumulyap sa kanya ang mga ito bago umalis. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang makintab na sapatos ni James. Maya maya pa ay humakbang ang sapatos na iyon. Saka lamang siya nagangat ng tingin upang habulin ang sulyap na lihim niyang crush.
Siya ang kahuli-huling eatudyanteng lumabas sa silid na 'yun. Walang naghintay sa kanya dahil wala siyang kaibigan.
Parang gusto niyang sisihin ang sarili ang nangyayari sa kanya. Nagsimula siyang maging laughingstock ng kanyang mga classmates nung firstyear highschool palang sila at first day of classes pa. Naihi siya dun sa upuan niya dahil natakot siyang magpaalam sa kanyang teacher na terror na lumabas para mag-CR. Simula nang marinig niya ang di-mapigil na mga tawa ng mga classmates niya ay nagkaron siya ng inferiority complex o panliliit sa sarili niya. Nagkaroon siya ng takot sa bawat estudyanteng lalapit sa kanya na baka pagtawanan lang siya. Dahilan din iyon kaya madalas na namemental block sa recitations at examinations. Nagiging iba ang pakiramdam niya sa tuwing nababaling sa kanya ang atensyon, dahilan upang makagawa siya ng palpak na kilos o galaw. Pakiramdam tuloy niya ay plastic ang mga taong lumalapit sa kanya, kaya lumalayo na lang siya dito.
Ipinatong ni Thea ang kanyang bag sa isang mesang nandun sa library, pagkatapos ay umupo na siya sa tabi ng isa niyang kaklaseng babae. Kasabay sa pagbukas ng zipper ng kanyang bag ay tumayo naman ito at lumipat ng ibang pwesto.
Hindi na siya nagtaka. Lagi namang ganun ang pangyayari. Hindi niya tuloy alam kung amoy ano ba siya o may anghit, putok. O sakit na nakakahawa.
Sandali siyang natigilan pagkatapos ay inilabas niya ang notebook niya para sa susunod na subject at tahimik na nagrereview. Pero, hindi siya makapag-concentrate dahil sa mga naririnig niya.
"Oh, Steff, bakit ka lumipat dito?" Halos pabulong na tanong ni Leanne sa kaklaseng umalis sa tabi niya.
"Hmp! Kapag gusto mo raw gumaling, sumama ka sa mga magagaling. Kung sasama ako sa kanya, nako! Baka mahawa pa ako sa kabobohan ng babaeng 'yan eh." Sagot naman ni Steff.
Nakagat niya ang labi niya.
Heto nanaman sila..."Tama ka diyan Steff. Kaya nga hindi ako nakikipag close sa babaeng 'yan dahil... alam mo na... baka kopyahan ako. Hindi naman pwede 'yun, di ba? Baka mamaya, mataasan niya pa ko mg grades." Sabay hagikhik.
Napalunok siya.
Hindi totoo 'yan...Alam niyong hindi totoo 'yan...
Protesta ng isip niya. Ngunit wala siyang lakas ng loob isatinig iyon.Mayamaya ay nahagip ng mata niya ang pagpasok ni James sa library. Pagkatapos ay lumakad ito sa likuran niya.
"Thea.." mahinang tawag nito sa kanya kasabay ng isang kalabit sa balikat niya.
Nilingon niya ito. Hindi niya alam kung ngingiti o kukunot ang noo niya.
Isang papel ang ipinatong nito sa harap niya."Sorry, pero hindi ako natutuwa dito sa ginawa mo." malamig na tinig na sabi niya.
Sinulyapan niya ang papel at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita 'yun..
BINABASA MO ANG
My Beautiful Disaster
RomanceMY BEAUTIFUL DISASTER written by Sisisillyy Si Thea Villarama. Isang babaeng puno ng galit at hinanakit sa dibdib sa mga taong umapi sa kanya. Minsang sumumpa sa sariling muling magbabalik upang igawad ang hatol mula sa kanyang mga kamay. She will...