"E-Edwin...H-Hindi ko-"
Napaigtad siya nang maramdaman niyang may nanghablot ng papel.
"Ano ba 'tong binigay sa'yo ni Thea, James?" Tanong ni Steff.
Hindi ganun kahaba ang kamay niya para maabit ang papel na mabilis na nailayo sa kanya.
"A-Akina 'yan S-Steff..."
Nagtatawa lamang si Steff nang mabasa ang sulat, pagkatapos ay nagsalita ito ng malakas.
"Classmates and schoolmates! Pakinggan nyo 'to."
"Steff, 'wag mong gawin 'yan!" Halos pasigaw na sabi ni Edwin kay Steff, pero hindi niya ito pinakinggan.
"Pakinggan nyo! To Edwin...I love you very, very much...From Thea..!" Sigaw nito habang tawa nang tawa. Pagkatapos ay ipinasa pasa niya sa mga estudyanyeng nasa library.
Nagtawanan ang mga ito nang mabasa ang sulat. Halos maihi na sa upuan si Thea dahil sa kahihiyan
' Diyos ko...Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Tulungan niyo po ako '
"Ang kapal kapal ng mukha mo Thea. Desperada ka na ba talaga para sulatan si James ng ganito? How pathetic?!" nanlalaki ang mata ni Shirley na kaklase niya din sa kanya. "Nakakahiya! Kababae mong tao! Ang landi mo?!"
Bago pa siya magsalita ay naunahan na siya ni Steff. "Eh kasi naman, walang nagkakagusto sa kanya. Si James pa na campus hearthrob ang gusto mo ha?!"
Nagtawanan ang mga estudyanten dun. Lahat ay nakatingin sa kanya.
Nangingid ang mga luha niya sa mata. Dali dali niyang inayos ang gamit sa bag at lumabas na ng library.Nasalubong pa niya ang kabarkada ni James na si Kenneth. Nakakaisang hakbang pa lang siya pababa sa hagdan ay hinarang nito ang isang paa.
Malakas ang sigaw niya nang sumubsob siya sa semento. Nagkalat doon ang mga gamit niya. Lumabas lahat ng laman ng bag niya pati na din ang baon niyang feminine napkin.Malaki ang playground sa harap na iyon ng library. Maraming edtudyane ang nanunuod sa mga naglalaro ng volleyball. Kitang-kita nila ang nangyari sa kanya. Agad namang napuno ng tawanan ang buong paligid.
Napaiyak siya sa pagkakalugmok sa semento. Hindi lang ang sakit ng balakang kundi ang napakalaking kahihiyan na tinamo niya. Luhaan niyang inabot ang feminine napkin na isang hakbang ang layo sa kanya. Pero bago niya makuha iyon ay may sumipa dun. Nang inangat niya ang tingin kung sino ito. Nakita niya si Kenneth na nakangiti.
Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. Kung lalamunin siya ng lupa ay magpapasalamat pa siya.
Isang kamay ang humawak sa kanyang mga braso.
Nang lingunin niya kung ito ay matamang nakatingin sa kanya si James."Tumayo ka na diyan. Pinagtatawanan ka na nila diyan oh."
Magpapasalamat na sana siya ng lumapit si Mrs. Castro na hawak ang feminine napkin.
"Thea, hindi ka dapat ng naglalabas ng ganitong bagay in public" Sabi niya at inilagay ito sa kanyang kamay. Bago pa siya magpaliwanag ay iniwan na siya ng kanyang co-teacher.
Agad niyang nilagay ito sa kanyang bag."O-okay ka lang?" Walang emosyong tanong ni James sa kanya.
Tumango na lang siya at iniwan na ito. Pumunta siya ng bakanteng classroom at duon umiyak ng umiyak. Biglang gumuhit ang galit sa kanyang mga mukha. Limang mga pangalan ang nakatatak sa isip niya:
Mrs. Veronica Castro
Steffany Sicapin
Shirley Marie Villarema
Kenneth Josh Natividad
James MontenegroHindi niya napansing nabali na pala ang lapis niya dahil sa pagkakadiin ng hawak niya.
Highschool Graduation daw ang pinakamalungkot na sandali ng mga estudyante. Ngunit para kay Thea. Ang kanyang highschool life ay maituturing na napakatagal na bangungot.
It's over. Tapos na ang panahong lagi akong umiiyak at nalalait. Tapos na ang panahong lagi akong tampulan ng tukso at katatawanan. Tapos na ang mapapait na karanasan ko. Pero sa pagbabalik ko.... Titingalain ninyo ako... Sinisigurado ko...
At muli ay isa-isang naalala niya ang mga pangalang nakaulit sa isip niya.
Humanda kayo...Sabado.
Dala niya ang kanyang travelling bag ay lumabas ng kawayang gate ng kanilang bahay. Kasama niya ang kanyang nanay at kapatid at naghihintay ng tricycle.
Pinara niya ang unang tricycle dumaan. Katakot takot na iyakan muna ang namagitan sa kanilang tatlo bago siya nakasakay ng tricycle. Ilang sandali pa lang na umaandar ang tricycle ay ipinara na niya ito."Manong, sandali lang po."
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng eskwelahan niya.
Inilibot niya ang paningin niya dito.Hintayin niyo ako...Hintayin niyo ang pagbabalik ko...sa panahong hindi na ninyo ako kayang saktan ulit...
Muling gumuhit ang galit sa kanyang mukha at umandar na ang tricycle.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Disaster
RomanceMY BEAUTIFUL DISASTER written by Sisisillyy Si Thea Villarama. Isang babaeng puno ng galit at hinanakit sa dibdib sa mga taong umapi sa kanya. Minsang sumumpa sa sariling muling magbabalik upang igawad ang hatol mula sa kanyang mga kamay. She will...