Chapter 17

5.1K 129 0
                                    

A/N: Joke lang pala yung 17 chapters hehehehe🥲




Amanda Celine's Point of View






"ISANG linggo na nakakalipas, Amanda? Wala ka ba talagang balak kausapin si Kaellan?"





PINASADAHAN ko ng tingin si Charmee, "Kung pinapunta ka dito ni Marco, wala kang mapapala sa akin. In the first place, hindi naman ako yung dapat na nag hahabol na kausapin yang si Kaellan. Hindi naman ako ang may kasalanan," tinalikuran ko siya atsaka ko ini-abot kay Amora ang kulay pink na plushie.






Mag naka latag na parang picnic map dito sa garden, maganda ang araw kaya naman naisipan ko na doon na muna kaming dalawa. Nakakasawa rin sa loob ng bahay, "Gaga ka, hindi ako pinapunta nun 'no! Nung nalaman ko yung nangyari nung nakaraan, hindi ko na ulit siya kinausap. Pero, iba naman yung sa inyo ni Kaellan," sagot niya.






"Unang araw na wala ako sa bahay, hindi niya ako pinuntahan— ni hindi niya ako sinuyo dito, Charm. Hanggang ngayon, kung sisilipin mo yang Garahe ng Bahay niya....Wala siya diyan, wala ang kotse niya," sabi ko. "Huwag anak ko, baka mabuwal ka," inayos ako ang pagkaka upo ni Amora.






"Malaki-laki na tiyan mo, baka kapag nailuwal mo yang bata diyan hindi pa rin kayo magka ayos ng Daddy niyan," sabi niya. "Kaya ko namang palakihin ng mag isa ang nga anak ko," kinandong ko si Amora atsaka ko hinaplos ang tiyan kong may kalakihan na.







"Hindi mo mamimiss yung chuckchakan nyo?" sinamaan ko siya ng tingin, "Diyos ko! Huwag kang mag salita ng ganiyan sa harap ng bata!" gulat na sabi ko. "Kung hindi ka lang buntis ngayon, malamang sa inaya na kita ng inuman. Kaya lang bakit ka kasi nagpa buntis ulit? Maliit pa naman itong inaanak ko,"







"Masarap eh,"






Rinig ko ang hagalpak ng pagtawa niya. "Papasok na ba tayo sa loob, anak?" tanong ko kay Amora na akala mo naman ba ay sasagot. "Huwag na muna," si Kuya iyon, "Dito na muna kayo," dagdag pa niya.







HABANG pababa kami ng hagdan ni Amora ay rinig ko ang boses ng Lolo at Kuya, "La? Tara na po," sagot ko. Plano naming na mag dinner sa labas, kaming pamilya lang. Once in a lifetime lang ito, madalang lang kasi si Kuya umuwi. Ngayon lang siya nag tatagal dito kasi nagka problema ako.







"Mauna na kayo sa sasakyan, Amanda. Nandon na ang Lola mo, susunod kami ng Kuya mo," sambit ni Lolo, tumango ako atsaka dumiretso sa sasakyan, may dala akong isang baby bag nandoon naka lagay ang dede, panyo, diaper, extra clothes ni Amora. "Hindi ka pa ba nahihirapan nag buhat ng anak mo, Amanda? Ang laki na ng tiyan mo, ilang buwan na ba?"








"Almost three and one half, La. Nung pinag bubuntis ko si Amora, almost three months ang liit pa ng tummy ko. Feeling ko malaki itong pangalawa kong anak," sagot ko atsaka ako umupo, sinara ko ang pintuan ng Montero ni Kuya. Tinignan ko si Amora, parehas kami ng damit. Kulay puting doll dress atsaka white sandals, syempre.







Kinuha ko ang cellphone ko nang mag vibrate iyon, someone messaged me?






From: Kaellan

Baby, I'm back. Usap na tayo please? Magpapaliwanag ako, sasabihin ko sayo lahat-lahat pangako. Kausapin mo na ako? Sige na naman oh😭😭😭






"Buhay pa pala tatay mo?" tanong ko kay Amora na nakatingin rin sa cellphone ko, "Anong sabi?" tanong ni Lola. "Nangungulit, La. Mag usap daw kami," sagot ko, "Edi kausapin mo na ah? Bukas," sabi ni Lola. "Susubukan ko po," sagot ko.








Nang tumawag siya ay lakas loob na sinagot ko iyon, "H-Hello?" sambit ko. "Babe... Usap tayo? Punta ako diyan—" hindi ko ka siya pinatapos, "No, wala ako sa bahay. Aalis kami, ano bang gusto mong sabihin?" sagot ko. "Babe, maaayos pa naman natin 'to hindi ba? B-Binitawan ko na lahat ng hawak kong ilegal, binitawan ko na lahat-lahat...."






Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Pumasok naman ang Kuya at Lolo sa sasakyan atsaka pinaandar ang Kotse. "Binitawan ko na lahat— isinauli ko na sa Tatay ko, wala na. Hindi ko na hawak lahat ng mga yon," sagot niya. "Send me the proof, Kaellan. Now," seryosong sabi ko atsaka ko pinatay ang tawag.







Inunblock ko siya sa Messenger at doon minessage, god this is giving me too much stress!







Kaellan Visxious Hidalgo sent a photo.

Kaellan Visxious Hidalgo sent a photo.

Kaellan Visxious Hidalgo sent a photo.

Kaellan Visxious Hidalgo sent you a voice message.





"Airpods?" inabot ko naman ang airpods sa kuya ko, kinuha niya rin si Amora sa akin. "Ang laki ng tiyan mo—" sinenyasan ko siya na huwag maingay, tinignan ko ang bawat litrato na sinend sa akin ni Kaellan. Braso niya iyon, may mga pasa, sugat at kung ano ano pang galos. Sumunod ay ang kontrata ng pag alis niya sa pamumuno ng nga Illegal na iyon, at ang huli ay iyon muli ngunit may pirma na.







AFTER kong pakinggan ang Voice Message na yun ay natameme na lang ako, kaya naman pala ayaw niya sa Tatay niya.





"Baba ka na, Amanda. Nandito na tayo," sabi ni Lola agad akong tumango at bumaba, kinuha ko kay Kuya ang anak ko. "Diyos ko, ano nang nangyayari sa Daddy mo?" ibig ibig ko ng umiyak, pero tinext ko na lang agad si Kaellan.






Amanda Celine Ledezma-Hidalgo: *address* See me here, dress well. It's a family dinner...





"YOU told him to come?" malumanay ang boses ng Kuya ko, i nooded. "He's family," sagot ko, "He is, pero hindi ko gusto yung pag sisinungaling niya sayo..." sabi niya. "He told me everything...." sagot ko. "Alright, whatever makes you sleep at night," sabi niya atsaka ako iginiya papunta sa Private Dining dito sa restaurant, hinihintay kami doon ng Lolo at Lola.







"Are you going back to Manila?" I asked him, "No, i planned to stay. Kinakausap ko pa ang may ari ng kabilang bahay, balak kong bilhin. Ayaw ko ng lumayo sa inyo," sagot niya.





Tumango ko, nagpa buhat sa kaniya si Amors kaya naman binigay ko na. Mukhang nagugustuhan rin niya kasi ang Uncle niya, kagaya ng pagka gusto niya sa mga Uncles niya sa father side.








From: Kaellan

I'm on the way, my love.








S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon