Gaano nga ba kalungkot ang kayang hantungan ng buhay?
"Kung may pinakamalungkot na tao sa mundo, sino kaya yon sa tingin nio?"
Hayy, ayan na naman ung mga tanong ni Maam Sarah, teacher namin sa Science na halos nagiging Values subject lagi dahil lagi kaming napupunta sa topic ng buhay buhay. Napakaboring. Ganto ba talaga pag grade 8, kala ko sa mga napapanood ko sa palabas exciting maging hayskul. Magggrade 9 na kami, wala pa din. Walang espesyal.
Natahimik ang lahat sa tanong ni maam sabay may mga sumasagot sa kanilang upuan na gusto sumagot pero nahihiya lang magtaas, yung mga taong sasagot lang kung kailan tawagin ng teacher.
May naglakas loob tumaas ng kamay
"Oh, sige Lumabao"
Si Daike Lumabao, kung sa klase laging merong mga estudyante na likely to drop out, top 2 sia don. Kaya nagtaka kaming lahat, ano kayang meron sa tanong ni maam at sinipag siang sagutin iyon, at saka anong karapatan niang sagutin yon eh wala nga tong kaseryoso seryoso sa buhay, lagi na lang ginagawang biro ang lahat. Saka parang never tong nalungkot, kahit ibagsak nia lahat ng subject o gumunaw ung mundo mukhang magiging masaya pa din to. May kaya din kasi sila. Secured na ung future nia.
"Ah"
umiling iling muna ung mata nia na parang hindi sure kung sasabihin ba nia ung nasa isip nia.
" Ah, issuggest ko lang po sana, bat po kaya di naten isearch sa google yung tanong nio maam" sabay ngisi, yuko at upo.
See? Kung ako ung teacher nabato ko na 'to ng box ng chalk.
Ayun, nagtawanan ang lahat. What do you expect. Napahinto si mam na sarcastic na tumingin sa kanya, huminga nang malalim.
"Sige. Sino may data, search it".
nagulat ang lahat sa mahinahong tugon ni mam.
"uyy, ayos si maam aaaaah nakikisabayy"
sabi ni Jeri.Mukhang halos lahat may data, nagkukumahog magsearch ung mga classmates ko, curious sa kung anong lalabas sa googs. Paunahan.
YOU ARE READING
Cover
General Fictionhow often we try to cover being sad and uncomfortable with something, and how often it destroys and either grew our awareness and resilience. Find out the journey of young and guiltless students as they go beyond every unique struggle.