Thirty- Seven

1.5K 26 1
                                    

Chapter 37.

Forgiveness Of Love.

"I want to visit your father," lahat ng kanilang atensyon ay agad nabaling sa akin matapos kong banggitin ang bagay na iyon habang abala kaming lahat sa pagkain ng agahan.

Tumikhim si Tatay Fernando kasabay ng pagtikhim ni Mama. The two of them were busy talking of something. While Nanay Glenda was serving the juice I wanted. Nanlalaki ang mata ni Hendrix at sadyang natigil sa pagbabasa sa iPad niya. I smiled to tell him that I am sure on what I just said.

"What did you just say, sweetheart?" he asked.

Napanguso ako at sinuboan si Camillia ng kanin na may sabaw. "I said that I want to visit your Dad," sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

Pagkalingon ko sa kaniya ay pumungay ang mga mata niya. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa. Huminga ako nang malalim. "It's been 3 years, Hendrix... at ni isang beses, hindi man lang natin plinano na bisitahin siya..." saad ko sa kaniya.

He looked at me with worried expression in his eyes. Umiwas siya ng tingin. "I don't want you to get hurt, Abriella..." mariin na saad niya. Hinigpitan ko ang paghawak sa malaking kamay niya.

"'Di pa niya nakikita si Camillia kahit kailan, Hendrix... and I don't want him to feel na ipinagkakait natin ang panganay na apo niya," banayad kong saad. "Gusto ko siyang harapin at sabihan na pinapatawad ko na siya... huwag mo namang pagkaitan ang Daddy mo." dugtong ko.

My husband blowed a large breathe and did not bother to look at me. I am still holding his hand, hoping that he'll allow me to see his father who's been in prison for 3 years now.

Napansin kong sa abot ng makakaya nilang lahat kasama si Mama. Hindi nila pinag-uusapan ang Daddy ni Hendrix. Kahit hindi man sabihin ng aking ina, ramdam na ramdam ko namang pinapatawad niya na ang Daddy ni Hendrix but I still want her to forgive Hendrix's father personally. At ako ang unang gagawa ng hakbang para magkalapit ang magulang ko sa magulang ng asawa ko.

It's been 3 years at ang daming nagbago sa kaanyuan ni Camillia. Ang laki-laki niya na at unti-unti na ring sumisilaw ang kagandahan niya. With her curly hair, fair skin, pointed nose especially her light blue eyes... hindi na ako magtataka na maganda talaga itong anak ko paglaki niya.

And her beauty... I want her grandfather to see how beautiful his granddaughter is.

"Zayn," tawag ni Nanay Glenda sa kaniyang alaga. Nabaling ang atensyon ng asawa ko sa kaniya. Nanay cleared her throat. "May punto si Wednesday sa sinabi niya kaya payagan at samahan mo siya sa pagbisita ng ama mo." tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya matapos sabihin iyon.

I was thankful that she said that to Hendrix kaya nang tingnan ko ang asawa ko. Nagkaroon ako ng pag-asa na papayagan niya na ako. He's obedient when it comes to Nanay Glenda.

Marahan siyang humugot ng hangin at tumango saka ako tinitigan. "Fine, I'll come with you." mahinang tugon niya.

Napapalakpak ako at masayang pinakain si Camillia. "Bibisitahin natin ang Lolo mo, Ate!" saad ko sa kaniya na ikinatawa ni Mama.

Yeah right. A year after sa kasal namin ni Hendrix ay nanganak ako sa pangalawa namin. It's a he by the way and his name is Howard Camillio Sidorov. Magto-two years old na ito ngayon at kung nagtataka kayo kung nasaan siya. Kasama nila Hensley at ng asawa niya. Kasal na ang dalawa matapos ang isang taon sa kasal namin ni Hendrix.

Kasalukuyang nasa kwarto na kami ni Hendrix, hinahanda ang sarili sa pagbisita sa Daddy niya. Bigla kong naramdaman ang pagpulupot niya sa aking beywang. He rested his chin in my shoulder and sighed.

Egotistical LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon