"Hindi talaga ako pwede ngayong gabi Steve. Pakisabi nalang kay Mara na babawi nalang ako next time." Paghini nya ng paumanhin sa kausap. Niyayaya kasi sya ng barkada na mag night out kaso kailangan nya pang tapusin ang manuscript na ipapasa na dapat nya sa susunod na araw.Isa syang writer pero hindi mo mahahalata sa kanyang itsura. Sino ba kasing mag-aakala na ang pang model na mukha at katawan na meron sya ay isa palang writer, Romance writer to be exact.
"Kev naman minsan na nga lang tayo magsama sama hindi ka pa sisipot." Boses ng babae ang narereklamo sa kabilang linya. Alam nyang si Mara ito ang isa sa mga kaibigan nya at ang girlfriend din ni Steve na kausap nya lang kanina lang. Halos tatlong taon na rin itong magkasintahan at nagpapaplano ng magpakasal.
"Hindi talaga pwedeng ipagpabukas tong gagawin ko Mara. Kailangan na to bukas." Pagpapaintindi nya dito at nagdasal sya na sana pumayag ito. Sa grupo si Mara lang ata ang grabe kung magtampo sa bagay ito kasi ang bunso at nasusunod lahat ng gusto nito.
"Fine, work first before anything else but... Kailangan mong sundin ang dare ko." Natatawang saad nito. Okay na sana kaso may dare pa pala bago sya payagan nito.
"Ano ba ang dare? Siguraduhin mo lang na kaya kong gawin yan Mara." Kinakabahan sya sa kung ano ang lalabas sa bibig ng babaeng ito. Komplikado pa namang mag-isip ang isang to.
"You meed to dress like a woman for a day. Alam kong basic lang sayo yan." Masayang saad nito. Parang excited pa itong makita syang nakadamit pangbabae.
"Fine. I'll start tomorrow." Walang gana nyang saad. Hindi naman bago sa kanya ang cross dressing. Nagawa na din nya ito lalo pa at nagiging part time model sya ni Mara. Mara is a photographer after all at saka sa kanilang lahat ay sya lang ang hindi gaanong masculine sa kadahilanang wala syang time at tamad syang maggym. Pasalamat nalang sya at kahit anong kain nya ay hindi sya tumataba.
"It's decided then, see you tomorrow." Paalam sa kanya ng kaibigan bago ibinaba ang tawag.
Sa wakas ay magipagpapatuloy nya na ang pagsusulat nang walang nangiistorbo sa kanya.
Kinabukasan ay tanghali na sya nagising dahil sa pagpupuyat nya matapos lang ang manuscript na sinusulat nya. Alas singko na ata sya nakatulog. Ni hindi pa sya magigising ng tanghali kung hindi lang nagsisigaw si Mara sa labas ng bahay nya. Buti nalang talaga at wala syang gaanong kapitbahay dahil nasa isang private villa sya nakatira.
"Anong ginagawa mo dito at nambubulabog ka ng tulog?" Tanong nya dito. Buong akala nya ay magagalit ito pero mukhang hindi ata mabubura ang ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Kanina pa ito nakangiti.
"You didn't forgot right?" Tanong nito with taas baba pa ng kilay. Doon nya lang naalala na may dare pala ito sa kanya bilang consequence sa pagiging absent nya sa grupo.
"I didn't." Deny nya.
"So what are you waiting for? Maligo ka na. Dala ko na ang susuotin mo at mga make up kits. Dalian mo na at may pupuntahan pa tayo." Taboy nito sa kanya. Wala na syang nagawa kundi ang sumunod dito.
He's been doing cross dressing for about a year now but never in his mind that he'd go shopping with a woman's clothes on.
"Are you serious about this?" Hindi makapaniwalang tanong nya kay Mara na ngayon ay nakangiti sa harap nya.
"Damn serious. This is your punishment for ditching us." Saad pa nito
"I can't go out with is clothes on." Saad nya habang tinitignan ang sarili sa salamin. Pero bagay naman sa kanya ang suot nya. Hindi nga mahahalata na lalaki syang tao. Parang isa syang babaeng hindi biniyayaan ng hinaharap.
BINABASA MO ANG
The Cross-Dresser
RomanceWayne thought that his life was so perfect ang peaceful not until the day he met Dylan. Their first meeting was a disaster. Dylan saw him wearing a woman's clothes. Buong akala ni Dylan na isa syang bakla. After that meeting he wants to avoid him bu...