Matet's POV~
"Yung feeling na marami kang admirers and fans dito sa school...yung feeling na mag-gagraduate ka na? How sad? Maraming makakamiss sa akin na mga fans ko.. may fans club pa ako na "" Matet's Fan Club""... How sad na mag-gagraduate na ako at iiwan ko na sila? Hahahahah...(insert evil laughtrip.) grabe! napaka-etchosera kong babae. Feel na feel ang mga fans niya..anyway".
"Matet! Matet!! Nakahanda na ang almusal...bumaba ka na!" sabi ni Yaya#1.
"Hay! Kakain na naman...walang tigil na kain..ano kaya ang ulam? Bacon, Chicken, Hotdog, Tapa, Tocino? Makababa na nga".
"Hoy! Matet!" sigaw naman ni Yaya#2.
"Ntttssskkk....grabe! Hindi makapaghintay! Uso kasi maghintay...Teka lang po! Bababa na po". Lima (5) ang katulong namin. Si Yaya# 1, 2, 3, 4 and 5. Iyon ang mga tawag ko sa kanila kasi nakabobo magmemorya ng pangalan..para sa akin pampasabog ang mag memorizing sa utak ko....huff** mas lalo naman yung CALCULUS...iiyak na ako dun..lagi na akong nagmumukmok doon, dito!.. " Yah!.....Kainan na!".
" Ito na po Senyorita! Ang ulam po ninyo ay Bacon, Chicken at Tapa! Ano pong gusto ninyo?" tanong ni Yaya#2.
"Sa akin? Ammm.... Maybe Bacon at Tapa na lang po. Diba Yaya? Matagal ko na pong sinasabi sa inyo na ayaw ko po ng manok? Paulit-ulit? Unli? Unli! Alam niyo naman pong allergy ako sa manok, eh! Sinayang niyo lang po yung ulam. Ipakain niyo na lang po iyan sa dalawa (2) ko pong kapatid".
" O, sige po Ma'am. Masusunod po kayo!" sagot naman ni Yaya#2.
"Oh My God! Muntikan na naman ulit ako nun. Pag naabutan na naman uli ako ng dalawa kong pilosopo at nambubully na mga kapatid.... Huff*** maaasar na naman ulit ako. Grabe naman makapag-aircon si Kuya Driver. Sobrang lamig. Anyway".
" Uy, Friend!" sabi ni Melanie. Oh? Bakit? " May balita ako? Alam mo ba kung ano yung balita na iyon? Nagtututor pa pala si Mr. Timid. Ay! este, Mr. Nerd?!" sabi ni Melanie.
"Ah! Oo! Alam ko na iyon, matagal na! Ngayon mo lang nalaman! Hay, naku! Bestie ba talaga kita o peke lang?".
" Uy! Grabe ka naman makapagsalita. Wala sa ayos. Sige. Ganyan ka na, ah! Matagal mo na ba alam? Grabe pagkadating talaga kay Mr. Nerd, alam lahat!" sagot naman ni Melanie.
"You just shut up! Teka nga pala. Tumahimik ka nga. 'Di pala natin alam nandidiyan lang siya sa paligid natin. Naririnig yung dakdak mo. Nakakahiya kaya kung siya pa ang nakarinig, tapos malakas pa ang dakdak mo. 'Di ka ba nag-iisip?".
"Hi, Matet!".
"Huh? Sino iyon?"
Miko's POV~
"Hi, Matet!".
" Huh? Sino iyon?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
My FOREVER ends with YOU
RomanceHindi lahat ng taong nabubuhay dito sa mundo ay makapagsasabi kung hanggang kailan ang kanilang forever. May pagkakatao'y na ang panahong nakatadhana sa atin ang makakapagsabi kung hanggang kailan ito..