Series #1:
Sierra Savannah MontenegroMaraming taon narin ang nagdaan ng huling magkaroon ng body guard si Savannah. Ni hindi na nga niya maalala pa kung kailan at anong taon iyon.
Ang pagkakaroon pa nga niya ng mga body guard, ang dahilan kaya siya binansagan ng mga kakilala niya ng...'The princess of Davao' ,
dahil wala yata siyang mga lakad na hindi kasama o nakasunod ang mga ito.
Nang mga taon na iyon isa sa mabuti at matatag na Politiko ang kanyang ama.
Ngunit nang muling manganib ng dalawang beses sa iisang buwan ang kanyang buhay. Ay muli itong nagtalaga ng body guard , upang masigurado nitong ligtas siya.
Ok na sana eh...
Pumayag na siyang magkaroon ulit ng body guard o mga body guard, kung hindi lamang niya nalaman kung saan kumuha at sino ang magiging body guard niya.
Ang nakaka- inis sa naging pasya ng ama, ay ang paglapit nito sa isang 'security agency' na siyang matinding ka- kopetensya ng kanyang kaibigan.
At hindi lang iyon, ang mas nakainis sa kanya ng husto, ay ang kinuha o magiging body guard niya mismo.
Ang magiging body guard lang naman niya ay walang iba, kundi ang nag iisang..Mr. David Dela Vega,
'slash Mr. Sungit',
'Mr. snobero'
at isali narin ang pagiging
'manhid' nito.
Na naging crush niya noon sa high school.
Dahil sa pagiging snob nito, pati siya'y nakatikim niyon at hindi lang iyon pati kasungitan nito natikman niya.
Kaya nga, imbes ito ang ultimate crush ko noong high school year. Ito na ang nangungunang ultimate enemy sa listahang ginawa ko.Sa buong durasyon ko sa high school, walang araw na sa tuwing nagkakasama kami sa iisang lugar. Na hindi kami nagbabatuhan ng mga maanghang na salita o di kaya nama'y pinaparinggan ang bawat isa.
Kaya nga nang wala na talaga akong magagawang paraan para mag- iba pa ng pasya ang aking ama. Ginawa ko na ang lahat ng dapat gawin upang pasakitan lamang ng ulo ang lalaki.
Ang pinaka huli kung ginawa ay ang maglayas ng hindi alam ng lahat.Maliban nalang sa mga kaibigan kung nakaka- alam kung saan ako naroon. Kaya laking gulat at inis ko nang hindi pa nga nagdadalawang araw akong nagtagal sa kinaroroonan ko'y nakasunod na ito.
At hindi lang iyon,
ang mas nakaka gulat at nakaka- inis pa niyon ay ang bumabangong kakaibang damdamin ko para sa lalaki. Na halos yata ng mga babaing napapadikit rito ay kina- inisan ko.Nang sabihin niya na nagseselos ako... Ni hindi ko man lang agad nasagot o salungatin iyon.
______________________________________
(Abangan ang kwento ni Savie Montenegro...)
BINABASA MO ANG
"SEÑORITA'S ISLAND"
Художественная прозаIsang tagong isla na pinamumugaran ng kababaihan na kilala sa lipunan. #1 S ierra Savannah Montenegro #2 Maria E strella Isabelle De Leon #3 Ñ inna Soleil Ramirez #4 O phelia Snow Gutierrez #5 R eese Lane Gonzales #6 I ris Jade Rom...