Chapter 1

2 0 0
                                    

"V pinapatawag ka ni Sir Vergara sa office niya" I was having a boxing match with my training partner Jonah when my best friend Ashley entered the room.

"Bakit daw? Tell him I'm busy" hindi pa rin kami tumitigil sa paglalaban, Jonah is my older brother and knowing him, kahit marami pang taong kumakausap o nagpapatigil sa kanya hindi siya titigil hanggat hindi siya nakakabawi sa akin. Dahil natalo ko siya noong nakaraang laban namin and even though napakalakas niya hindi niya pa rin ako matalo talo.

" Sir Vergara said that it is very important and ikaw daw dapat ang unang makarinig."

"Huh? Bakit naman? Bago bang mission? Kakatapos ko lang ng mission ko sa China meron na naman"

Kakabalik ko lang last week galing China dahil may tinulungan ako doon, some kind of attack at hindi kayang i-handle ng mga tao namin doon. You know our main job is to help the government all over the world, wala kaming pinipiling lugar... if that country needs our help, dadating kami and of course it's not for free, binabayaran din kami. We do our job in secret, walang nakaka alam ng totoong organization namin except sa mga president ng ibat-ibang bansa and our members are trained and should always keep our work secret.

We disguise our organization as a training ground for police and military and only a few knows about the organization kahit ang ibang mga nag e-ensayo dito ay hindi alam iyon. Ang main ground ng aming organization ay dito sa Philippines.

" Okay... Please tell him to wait for me, tatapusin ko lang ito at maliligo na" I said and punch my brother in the face at iyon ang nag patumba sa kanya

"Hey Sis! Not my face! Alam mo namang ito ang pinaka iniingat ingatan ko. Now look, magkakapasa pa yata ang gwapo kong mukha." Reklamo niya sa akin, well... alam kong punching his face would make him stop from attacking me.

Siguro kung ito ay nasa laban at nadaplisan o natamaan siya sa mukha ay uunahin nitong tignan ang mukha nito. Pero hindi biro ang talento ni kuya Jonah sa pakikipaglaban, sa katunayan ay pantay lang kami sa pakikipaglaban pero mas madaya lang talaga ako. Siya lang talaga ang nakakatapat sa akin and I know that sometimes he let's me win. Hindi niya siniseryoso ang laban namin, gaya nga ng sabi niya I am his little sister, hindi niya sasaktan ang pamilya niya.

" Tamaan mo rin kasi ako sa mukha para naman hindi ka nag rereklamo diyan. Alam kong hindi mo ibinibigay ang buong lakas mo sa laban natin at kung patuloy mo pang gagawin iyan ay matatamaan ka talaga sa akin sa mukha. Hindi na ako bata kuya, malakas na ako."

"No. You are still my little sister and for your information ginagalingan ko kaya, Kaso lang mahirap ka talagang talunin"

"Yeah sabagay magaling naman talaga ako"

"Alam mo Sis mag shower ka na at kanina ka pa hinihintay ni Papa, wag mong hintayin na siya pa ang pumunta dito baka isumbong ka nun kay mama hahaha"

"Okay... kuya Jonah thank you for fighting with me kahit na marami kang ginagawa." Sabi ko at niyakap siya, me and my brother are so close at kilalang kilala talaga namin ang isat-isa.

"Just for you baby Sis, pero pwede bitaw na? Ang baho mo kaya" dahil sa narinig ko ay lumayo ako at inamoy ang sarili ko

"Hindi kaya! Ikaw kaya yun, kanina pa kita naaamoy!" Sigaw ko sa kanya, grabe talaga si kuya, mapang asar naku sasapakin ko talaga to ulit sa mukha. Hindi naman ako mabaho ehh

"Wag mo nang ikaila Sis, ikaw yon" sabi niya habang tinutulak ako palabas ng room at ako naman ay pinipigilan siya. Pero nag tagumpay siya sa binabalak niya at natulak ako palabas sabay lock ng pinto.

Napatawa nalang ako at umalis na ng kwarto, kailangan ko ng maligo para makapunta na ako kay papa.

                           ᕦʕ •ᴥ•ʔᕤ

After 30 minutes ay naglalakad na ako papunta sa office ni papa. Hindi ko naman kailangang mag madali dahil alam kong marami rin siyang ginagawa. My papa is the owner of this organization, siya ang pinaka unang secret agent ng organisasyong ito, syempre siya gumawa hahaha

As I was walking, marami akong mga nakakasalubong na mga kakilala ko at binabati ko, ganon din naman sila. Kapag wala akong mission o ginagawa ay isa ako sa mga nagtuturo sa kanila.

Nakapag tataka na tinawag ako ngayon ni papa dahil hindi naman siya madalas na nagbibigay ng mission sa akin unless grabe ito o hindi ito kaya ng ibang mga secret agent.

Nakarating na ako sa tapat ng pinto ng office ni papa, kumatok ako agad at narinig ko namang pinapapasok na niya ako

"Hey Papa, how are you?" Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"I'm great Eliz, how about you?" Umupo ako sa upuan na nasa harap ni papa at ngumiti

"As always papa I'm also fine, bakit mo nga pala ako pinapatawag papa?" I know my father, isa siya sa mga kinakatakutan ko, siya ang nag training sa amin noon ng kapatid ko at hindi biro iyon. It was like hell everyday when we are little dahil lagi kaming nag e-ensayo.

Pero may isang taong kinakatakutan si papa at iyon ay ang mama. Kaming tatlo ay takot sa kanya, my mother is sweet pero kapag tinopak ay tumakbo ka nalang. Kaya ka niyang paiyakin in many ways, kukulitin ka niya hanggang mapaisip ka nalang kung nanay mo ba talaga siya. Under ang papa sa kanya and I know why.

"Well, here is your new mission, talagang hiningi pa sa akin ang pabor na ito ng kaibigan kong si Remil. Gusto niyang ipabantay sayo ang kanyang anak." Inabot nito sa akin ang isang brown envelope na kinalalagyan ng lahat ng impormasyon na kailangan kong malaman sa aking bagong mission.

Remil Salazar is the current President of the Philippines. May anak itong isang lalaki at hindi ko alam kung bakit kailangan nito ng proteksiyon dahil sa pagkakaalam ko ay magaling din ito makipag laban at hindi ito birong kalaban.

"Papa I know his Son, diba magaling din ito makipag laban? I know him, kayang kaya niyang ipag tanggol ang sarili niya." Nakita ko na ang anak ng Presidente dati dahil nag training din ito dito, pero ilang araw lang at nakita kong malakas ito walang halong biro.

"Yes, he can protect his self but to make sure lang naman anak, maraming nag tatangka sa buhay ng Presidente pati na rin sa anak nito. Gusto lang ni Ramil na mapanatag ang loob niya at maging safe ang anak niya. Hindi ka naman mahihirapan sa bago mong mission anak, hindi mo naman kailangang lumapit sa anak niya pero dapat naka bantay ka pa rin kahit sa malayo. " Napa tango nalang ako sa sinabi ni papa. Well I guess hindi naman talaga ako mahihirapan, mas grabe pa ang mga iba kong mission kaysa dito.

"Okay Papa, I will make sure that the President's son is safe, I should go now so I can study his profile" kinuha ko na sa table ang envelope at tumayo na.

"Sige anak, see you nalang sa bahay, umuwi ka ngayon sa bahay dahil miss ka na ng mama mo, hindi ka pa niya nakikita simula ng pagkarating mo dito sa Pilipinas.

"I will, love you pa" sabi ko at tinanguan niya naman kaya umalis na ako, uuwi na ako agad sa bahay para pag aralan ang laman ng envelope na ito at para rin makita na ako ni mama dahil miss ko na rin siya.

.......................................

End of Chapter 1 ᕦʕ •ᴥ•ʔᕤ







        

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Read MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon