Third Person POV
"Sama ka Ate Jane para makapag libang ka. Manonood tayo ng lantern festival. Ilang araw ka na dito sa China pero ayaw mong gumala or sumama sa amin lumabas," paanyaya ni Lyn, ang pinsan ni Jane. Sa bahay muna ng kapatid ng kanyang Daddy na nakapangasawa ng Chinese siya nanunuluyan habang nagbabakasyon sa China.
"Kayo na lang Lyn, wala ako sa mood lumabas." tanggi ni Jane.
Lumabas ang Tita ni Jane mula sa kanilang silid na nakabihis .
"Nagbakasyon ka lang ba dito para magmukmok? Abah! Kulang na lang bilangin mo kung ilan ang haligi at butiki dito sa bahay sa ginagawa mo. Lagi ka ring nakatulala. Mas makakabuti sayo na lumabas para makalimot. Kaya ka nga nagpunta dito hindi para magkulong sa bahay lang. Ala gumayak ka na at hihintayin ka namin nila Lynn at Irish. " mahabang sermon ng Tita ni Jane sa kanya.
Walang nagawa si Jane kundi mag palit ng damit at sumama. Tama naman ang mga ito kahit magmukmok siya ng ilang taon hindi maaalis sa kanya ang nangyari sa kanyang buhay. Masakit pa rin iyon pero kailangan niyang magmove on.
Habang sakay sila ng taxi, panay turo ni Lyn sa kanyang pinsan ang mga nakikita nito sa kanilang dinaraanan. Mga nakapalamuting lantern at nagpeperform sa kalye para ipagdiwang ang lantern festival. Kahit papaano panandaliang nakalimutan ni Jane ang kanyang problema dahil nawiwili siya sa kanyang mga nakikita. May mga naka ancient costume, mga lantern na iba't iba ang hugis at kulay na nagbibigay palamuti sa paligid at marami pang iba pa.
Abala siya sa pagmamasid sa paligid nang may mapansin siyang lalaki na may magarang kasuotan ngunit pangsinauna. May hila- hila itong kabayo na kulay puti. Makisig ang tindig ng lalaki at may guwapong mukha. Ang linis tingnan sa suot nitong damit na puti at mahaba. Bagay din sa kanya ang mahabang buhok na maayos ang pagkakasuklay at pagkatirintas. Akala mo'y character sa mga Wuxia at Xianxia dramas.
Narinig ni Jane na pinara ng kanyang tiyahin ang taxi at sila'y bumaba. Pagkababa ay muli niyang sinulyapan ang nasabing lalaki. Sakto padaan ito sa kanyang harapan kaya medyo tumabi siya. Paglampas nito sa kanya ay siya namang pag ihip ng malamig na hangin. Hindi siya nakagalaw at nakatingin lang papalayong lalaki. Iniisip ni Jane na kasama ito ng mga taong naka costume kanina at baka naiwan lang.
Kinalabit si Jane ng kanyang pinsan. "Ate Jane ok ka lang? Bakit nakatulala ka diyan? Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Uwi na lang kaya tayo." Nag aalalang sabi ni Irish, ang nakatatandang kapatid ni Lynn.
"Ha? Ok lang ako. Masyado lang akong namangha sa kasuotan ng lalaking dumaan kanina." Paliwanag ni Jane.
"Lalaking dumaan? Saan ate?" Tanong ni Irish.
"Dito lang sa harapan natin kani-kanina lang, sa mismong tapat ko. Di mo ba siya nakita?"
Umiling si Irish. "Ate wala naman akong nakitang lalaki na dumaan sa tapat mo. Ang nakita ko lang ay ang itsura mong nakatulala diyan kaya nag alala ako sayo. Akala ko masama pakiramdam mo."
Nakatingin si Jane kay Irish at mukhang nag sasabi naman ito ng totoo.
Napaisip si Jane. Guni guni niya lang ba yun? Ngunit hindi siya pwedeng magkamali, may nakita siyang gwapong lalaki na naka suot ng mga sinaunang damit ng mga Chinese.
Pinili na lang ni Jane na huwag ng makipag talo sa pinsan."Ganun ba? Sorry kung pinag alala kita. Hayaan mo, simula ngayon susubukan kong mag eenjoy. Tara samahan mo akong mamili ng lantern." Pilit ngumiti si Jane para alisin ang kilabot na biglang naramdaman at inakay ang pinsan palayo sa lugar na iyon.
Namili nga sila ng mga design ng kanilang lantern. Ang napili ni Jane ay isang hugis rabbit. Nagandahan kasi siya dito.
"Ate Jane maganda yan napili mo. Alam mo ba na may kwento tungkol sa lantern na rabbit?"
"Hindi. Ano naman yun?" Curious na tanong ni Jane kay Irish.
"Ayon sa kwentong narinig ko, noong unang panahon, may isang mayamang tagapagmana at isang aliping babae. Magkaiba man ang estado nila sa buhay ay hindi maiwasan ng mayamang binatang mabighani sa kariktan ng kanyang alipin kahit mahigpit na pinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa mga alipin. Isang gabi, palihim na niyaya ng mayamang lalaki ang kanyang aliping babaeng manood ng Lantern Festival na malugod namang tinanggap ng alipin. Nagtungo ang dalawa sa isang parke na maraming taong nagkakasiyahan sa pagpapalipad at pagpapalutang sa tubig ng mga lanterns. Nais ng alipin na magpalutang o magpalipad din ng lantern ngunit wala siyang perang pambili. Napansin yun ng kasama niyang binata kaya bumili ito ng lantern. Ang napili niya ay ang hugis rabbit. Pagkabili ay tinawag niya ang kanyang alipin at tinanong kung ano ang nais nito sa buhay. Sinagot ng alipin na gusto niyang makaahon mula sa pagiging alipin. Sinulat iyon ng binata sa lantern at sabay nilang pinalutang yun sa ilog. Di nga nagtagal, nagkatotoo ang hiling ng alipin. Mula noon, kumalat ang sabi sabi na nakakatupad ng hiling ang lantern rabbit." Mahabang kwento ni Irish."Wow, totoo ba yan? Eh bakit parang walang may gustong kumuha nito?" Takang tanong ni Jane.
"Ayon naman sa ibang narinig ko, may kasamang sumpa daw ang lantern na yan."
"Sumpa? Anong sumpa yun?"
"Natupad man yung hiling ng aliping babae pero ang kapalit naman niyon ay ang nakakalunkot na nangyari sa kanyang pamilya at sa pamilya ng mayamang binata."
"Anong nangyari sa kanilang pamilya?"
"Lahat sila namatay sa iisang gabi lang. Hindi nila matukoy ang sanhi. Ultimo ang kasisilang lang na sanggol sa kanilang pamilya ay di rin nakaligtas. Hinala ng mga tao, iyon ang naging kapalit ng paghiling ng alipin sa kagustuhan niyang mabago ang estado niya sa buhay. Mula noon, pinagbabawal na ng matatanda ang pagpapalutang ng Rabbit Lantern."
"Ibig mong sabihin sa lahat, pati yung alipin at yung mayamang binata?" Curious na tanong ni Jane.
Tumango si Irish bilang tugon. "Oo ate kaya palitan mo na lang yan ng ibang design. Wala naman mawawala kung susunod tayo sa pamahiin ng matatanda."
"Hindi naman siguro totoo iyon lalo na't wala naman nag try na gamitin ito. Siguro iyon nangyari sa kanila ay isang coincedence lang at isinisi sa lantern na ito. Isa pa, paano sila nakakasiguro na may kaugnayan nga ang lantern na to sa nangyari diba? Kaya wala naman sigurong masama kung gagamitin ko ito at hihiling."
"Sabagay tama ka jan ate. Siguro nga ay nagkataon lang ang lahat ng iyon. Try mo na lang dahil ang iba ay nag sasabi na ang lahat ng wish mo diyan ay mag kakatotoo din naman daw."
Tumango si Jane at kumuha ng pen sa kanyang bag. Nagsusulat siya sa lantern ng lumapit sa kanila ang kanyang tiyahin at si Lynn na may dalang lutos lantern. Sabay sabay silang nagsulat ng kanilang hiling sa kanilang lanterns bago sabay sabay ding pinalutang iyon sa ilog. Sinundan ni Jane ng tingin ang kanyang lantern na papalayo sa kanila nang di sinasadyang napasulyap siya sa lalaking nasa may ilog. Nakatayo ito doon habang nakaharap sa gawi nila. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang nakita niya kanina na hindi nakita ng kanyang pinsan. Bigla siyang kinilabutan sa naisip, baka multo ang lalaki. Binaling niya ang tingin sa kanyang mga kasama. Abala ang mga ito sa pagkuha ng larawan sa magandang tanawin sa paligid. Muli'y hindi sinasadyang napatingin ulit siya sa lalaki na nasa ilog na kasalukuyang nakatingin sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga mata. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Natulala siya dito. Narinig niya ang malakas na tawa ni Lynn kaya binalingan niya ito. Nakita niyang may tinitingnan ang mga ito ng ate Irish niya sa phone. Inignore niya mga ito at binalik ang tingin sa lalaki ngunit wala na ito sa lugar kung saan niya ito nakita. Nag palinga linga siya ngunit hindi niya makita ni anino nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Naghahallucinate lang ba siya?
NAG HAHALLUCINATE NGA KAYA SI JANE !!!
COLLAB WITH SIS YunShenglove Thank you sis 😘and to my Bessie JaneAcuzar6 ito n update sorry natagalanlove you !!!
YOU ARE READING
True LOVE Found In ANCIENT Time
Historical FictionJane is broken hearted .To healed the pain she went for vacation to her cousin in China , but accidentally she fell on the Well at the backyard of her cousin's house. And She woke up in a stranger place . A place that can seen in historical drama...