FILWAN 1

156 4 0
                                    

"Ella ! anu ba ? hindi ka pa rin ba tapos jan ? Nandito na si Patrick bilisan mo at baka ma late pa kayo !" 

 

Ano ba naman 'to ni nanay kung maka sigaw naman ! Akala mo naman bingi ako. Haha .. hay naku panibagong araw na naman. Nakakatamad pumasok sa school. Parang mas masarap pang tumambay sa mall kesa mag aral ee. 

"Andyan na po nay, paki sabe po kay Patrick bababa na ko." Nandidito na naman pala 'tong si Pat ! Napaka sipag talaga nun daanan ako dito sa bahay araw araw para sabay kameng pumasok. Sya nga pala ako si Ella Dimalanta. 16 years old. At yung nasa baba ? Si Patrick Rivero yun ! Best friend ko, actually magkababata kame,palibahasa nagkaibigan yung mga parents namen.

Palabas na ko ng kwarto ko ng mahagip ng mga mata ko ang isang sumbrelong naksabit sa may tukador ko, ito yung sumbrelong binigay saken ni tatay nung nabubuhay pa sya. Kinuha ko at sinuot ko. Ewan ko ba ! Babae naman ako pero ang hilig ko lang talagang magsuot ng mga gamit pang lalaki. Minsan nga pinapagalitan na ko ni nanay ee. 

"nay alis na po kame." sabay halik sa pisngi nya.

"oh suot mo na naman yan ! Ilang beses ko ba sasabihin sayong hindi ka dapat nagsusuot ng mga panlalaking gamit ?" sermon saken ni nanay.

"nay naman po ee .. sige na po alis na kame baka po malate na kame." hindi ko na inantay pa ng magsalita uli si nanay ldahil pag nagkataon baka bukas pa matapos yun si nanay sa pagsesermon saken. Hay .. 

Pag labas ko nakita ko si Patrick na nakatayo sa labas, as ussual inaantay nga ako. Ewan ko ba sa taong 'to ! kaya ko naman pumasok mag isa kung bakit kelangan pa kong sunduin dito samen ee ..

"oh baket ganyan ka maka tingin saken ? may dumi ba ko sa mukha ?" tanung nya saken.

"wala ! hanggang ngayon kasi hindi ka padin nagbabago ee .. nerd ka padin ! HAHAH .. " e kasi naman 'tong bestfriend ko na 'to napaka nerd ! oh sige ha, ididescribe ko sya sa inyo.

Matangkad, naka Jose Rizal na buhok, makapal pa sa mukha ng kapitbahay namen yung salamin nya na may grado na mas mataas pa ata sa pride ko ! Oh dba nerd ? Hindi ko nga alam kung baket ako nakakatiis sumama dito ee . pero kahit ganto si Patrick sobrang proud ako sa kanya. Siya lang naman ang consistent honor student sa section namen, oo magka klase nga kame. Hindi lang yun,sya din ang presidente ng Student Council sa school. 

SA SCHOOL ..

"Naku buti na lang hindi pa tayo late." sabi ko sabay upo sa katabi niyang silya. Nag bell na para sa first subject namen pero buti na lang wala si Ms. Mateo. Kung hindi yari na naman kame dun.

"E kasi naman ikaw kung anu ano pang pinag gagawa mo sa baba ee .. " sabe nya saken na naka nguso pa. Ssshh .. umiral na naman pagiging manong neto ! 

Hindi naman talaga kame dapat mahuhuli kung hindi lang ako gumawa ng kalokohan sa quadrangle e . HAHA .. aakyat na kase sana kame sa classroom ng makita ko yung mayabang naming kaklase ng si Benjo. Nandun na naman sya sa canteen at nambubully. Ganun naman yun ee .. napaka salbahe ! Lahat na lang sinasalbahe. Minsan nga pati si Patrick pinagdidiskitahan nya e .. hindi lang pinapatulan ni Pat kasi nga mabait si Pat at ayaw nya ng gulo. Kaya naman ayun naisipan kong gumanti. HAHAH .. Habang nambubully kasi sya knina tinali ko yung sintas ng sapatos nya sa paa ng lamesa. Dahil minsan may pagka tanga yun, ayun hindi nya namalayan. Good luck na lang sa kanya kung matatanggal nya yun agad ! HAHA .. ( EVIL LAUGH )

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling In Love With A Nerd (KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon