Chapter 1

16 0 0
                                    

Abilene's POV

"Oh, maganda ba?" Sabay bato sa akin ng bestfriend kong si Alex ang bouquet ng flowers. Wow, flowers. Ang ganda. Para sa akin ba 'to? Wow, ang sweet naman. Inamoy ko iyong binigay niya. Grabe, ang bango.

"Oo, grabe, ang bango."sabi ko sabay amoy ulit nun.

"Syempre mabango yan, may bulaklak bang 'di mabango?"pamimilosopo naman niya. Alam mo gwapo ka eh, pilosopo ka lang.

"Hello? Meron din po kayang bulaklak na walang amoy"sabi ko naman sabay irap sa kanya.

"Akin na nga yan"sabay agaw sa akin ng bulaklak.

"Uyyy... Teka... Akala ko ba akin yan?"sabi ko sabay kuha sa kanya ng bulaklak kaso 'di ko maabot eh.

"Ehhh..... Sino nagsabi sa'yo na sa'yo 'to?"sabi niya sabay taas ng bulaklak para di ko yun makuha.

"Eh?! So bakit mo binigay sa akin yan?"sabi ko sabay pamewang.

"Sige, sa'yo 'to kapag hindi niya tinanggap" sabi niya sabay tingin kay Michelle, kaklase namin pero ibang section lang. Haay, kung alam mo lang. Asang-asa ka na naman eh.

"Sige, let's see"sabi ko sabay upo at uminom ng choco. Naglakad na siya palayo at saka niya binigay yung boquet kay Michelle pero 'di yun tinanggap ni Michelle.

"Sorry, pero may allergic ako sa flowers eh"dinig kong sabi ni Michelle. Ao? Yan tuloy napala mo......... Pumunta na ulit sa tabi ko si Alex kung saan makikita mo siya na parang bata na hindi binilhan ng balloon.

"Oh?! Hayaan mo, bibilhan kita mamaya ng balloon para masaya ka na"pangloloko ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng masama. Ohhh. The creepy one

"I'm not a kid, huwag mo kong biruin. Mainit ulo ko"sabi niya sabay tingin sa malayo. Sino ba tinitingnan niya? Yung magmamahal sa kanya? Tampo naman ako sa kanya... Andidito lang ako, tumingin pa siya sa malayo. Inabot na niya sa akin yung flowers dahil nga diba? Hindi tinanggap ni Michelle.

"Eh?! Sabihin mo sa akin kung kelan tinanggap ni Michelle ang mga binibigay mo?!?!! Diba ni minsan 'di niya tinanggap?"sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Nakatingin parin siya sa malayo.

"Siopao ka ba?"tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin."bakit?"tanging sagot niya."kasi... asadong-asado ka na naman"sabi ko sabay akbay sa kanya." Tara na, baka ma-late pa tayo sa next subject"sabi ko at tumayo na kami sa bench at pumunta ng classroom. Tinago ko na sa bag ko yung bouquet na bigay niya.

Ako nga pala si Abigail Sharlene Pineda. Abilene ang tawag sa akin ng mga friends ko. Second year high school na ako at siopao (asadong-asado)ako sa bestfriend kong si Alex na mahalin niya din ako. I'm just a simple girl who is finding her Mr. Right.... A girl who fell inlove with a man who can't love her back... I love him but don't love me.That's my love story right now. Hanggang bestfriend lang ata ako eh. 'Di ko masabi ang nararamdaman ko sa kanya.

***

Pagkatapos ng klase namin, syempre lunch break na kaya dumeretso na ako sa canteen, 'di daw sasabay si Alex kasi may pupuntahan siya, ewan ko ba 'dun. Pagkabili ko ng lunch ko ay umupo na ako at nagsimula ng kumain.. Bago ko pa man isubo ang pagkain ko ay umupo na sa harap ko ang magkapatid na baliw na sina Ynna at Yrra.

"Girl, bakit hindi mo pa kasi sabihin sa kanya na mahal mo siya?"sabi ni Yrra Sabay turo gamit ang nguso niya kay Alex na kumakain mag-isa sa kabilang tabel malapit sa kanila Michelle. Teka, akala ko ba may pupuntahan siya?

"Tsaka nalang... Kapag mahal niya na rin ako"sabi ko Sabay tingin sa kanila Yrra at Ynna at nag fake smile at kumain na lang.

"Nakkuu.. Girl tama ka nga naman. Kasi baka mapahiya ka eh, diba? Atsaka sure ako na ayaw mo namang masira yang friendship niyo" sabi naman ni Ynna. Tumango nalang ako at wala ng nagawa kung hindi kumain.


After ilang minutes...


Pagkatapos kong kumain, lumapit ako kay Alex kung para tanungin Sa kanya kung saan ba talaga siya pumunta...

"Hoy, saan ka ba pumunta?Ang tagal mo,grabee"biro ko sa kanya.

"Wala. Bumili lang ako ng chocolates para sa kanya" sabay pakita sa kanya ng box of chocolates. Wow, Ferrero? My favorite...

"Uyyy, para sa akin ba ito?"tanong ko at bubuksan na sana ang box kaso..

"Waaggggg... Hindi mo ba narinig na hindi 'to para sa'yo? Bumili ka nalang, may pera ka naman e"sabay tago ng box ng chocolates. Yumuko nalang ako. Oo nga naman?! Bakit ko pa kasi bUbuksan ang hindi naman para sa akin?bingi ka talaga Sharlene. Hindi ka nakikinig, 'di yan para sa'yo. Huwag kang mag assume.

"So-sorry"sabi ko na nautal pa. "Hayaan mo next time, hindi na ako mangengeelam"sabi ko at pilit na nag-smile kahit tagos sa puso ko ang sinabi niya. "Oh, kumain ka na?" Tanong niya. "Oo,kanina pa. 'Di mo Lang nakita kasi iba tinitignan mo"sabi ko sabay tingin sa malayo. "Ah-ah hi-hintayin mo nalang akong kumain tapos pumunta na tayo sa classroom an"sabi niya kaya tumingin ako sa kanya at nag smile.

***

"Abilene, gusto mo ba ako?"tanong ni Alex na andito sa classroom, kami palang ang nandito kaya walang maingay.

"Oo naman, matagal na, manhid ka lang... Ahhh-ehhh, este, ano nga ulit?"aww. Nadulas tuloy. Nakita ko naman siyang Nagtaas ng kilay.

"Ahh.. I mean gusto mo ba talaga akong maging kaibigan?"tanong niya ulit."oo naman,bakit ba?"tanong ko pabalik.

"Kung ga'non,e'di tutulungan mo ako na mapalapit ang loob ni Michelle sa akin di'ba?"tanong niya, hoping na oo ang isasagot ko. Umiwas ako ng tingin.

"Ahhhh.... Hi-hindi pwede"sabi ko." Bakit?"

"Kasi... Kasi... Ahh! Oo, kasi may pupuntahan kami next week"sagot ko. Nakahanap din ako sa wakas ng sasabihin ko sa kanya.

"Oh 'edi this week"sabi niya."eh.. Busy ako eh, sorry talaga,next time"sabi ko na naka-smile. "Sige, next time" sabi niya at nakinig nalang ng music sa earphones niya.

"Yun si Michelle oh"sabi ko sabay tingin sa bintana kung saan mo siya makikita na kasama ang mga kaibigan niya. Biglang napatingin si Alex at may kinuha sa bag niya at lumabas na. Inabot niya yung box of chocolates kay Michelle.

"Chocolates, alam ko kasing allergic ka sa flowers eh." Napatingin si Michelle sa box of chocolates. "Uhmm.. Sorry, masakit kasi ngipin ko eh"Michelle at tuluyan ng umalis. Ayun, hindi na naman tinanggap, good for him. Tinapon na,ang ni Alex ang box of chocolates sa basurahan. Eh?! Sayang! Binigay nalang sana niya sa akin.

"Oh? Ano masaya ka na, hindi na naman niya tinanggap"sabi niya at tumingin sa blackboard.

"Eh ikaw kasi eh, hanggang kelan ka ba mabubulag sa pag-ibig? Ayaw na nga sa iyo ng tao, ipinagsisiksikan mo pa ang sarili mo, obvious naman diba? Kahit anong ibigay mo, meron siyang palusot para lang hindi niya iyon tanggapin. Tsk, tsk, tsk ." Sabi ko. "Basta, hindi ako susuko sa kanya" sabi niya. "mahal ko siya, hinding-hindi ko siya ipagpapalit"dagdag pa niya. Alam ko naman eh, siya lang mahal mo. Bestfriend mo lang naman ako eh.

***

After class, naglakad na ako mag-isa para umuwi sa bahay. Hindi na ako nag-assume na sasamahan pa ako pauwi ni Alex. :(

* tanga na kung tanga, pero mahal kita..*

Nag-ring yung phone ko, (pasensiya na sa ringtone ah, line yan ni Kim Chui) kinapa ko ang cellphone ko sa bag ko para tignan kung sino ang nagtext.. Hoping na sana si Alex ito.

*1 message from Alex ❤️ ko*

Ahhhhhh! Si Alex nga, salamat sa Dyos, nagkatotoo ang panalangin ko. =D Binuksan ko ang message..


' hoy babae, andidito na ako sa bahay niyo, ang tagal mo, bilisan mo ha 😉'


Yan lang ang message, pero kinilig ako din sa wink face.. Ayyyyyyy! Jusko day, what does he mean? Pero, bakit siya nasa bahay? Makauwi na nga lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Searching For The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon