Kabanata I

2 0 0
                                    


Nagising ako ng mapansing papaliwanag na pala. Masakit ang aking puwet at likod sa mahigit walong oras na biyahe. Tulog pa ang aking mga kasama. Si Edward na nakanganga habang nakasandal sa unan sa kanyang tabi, habang si Elisa ay nakatungo sa malaking unan na kanyang yakap. Si Tito Warden ay nakasandal lang sa upuan at nakapikit habang si Tita Eden ay nakasandal sa balikat ni Tito Warden. Si Ella naman ay nakahiga sa mga hita ni Tita Eden.

Dahan-dahan kong binuksan ang bintana. Napapikit ako sa pagsalubong ng presko at malamig na simoy ng hangin. Ang bakasyon na biglaan ay mapupunta pala sa bakasyon sa probinsiya.

Sa tagal na panahong hindi ako umuwi ng Pilipinas ay naisip kong magbakasyon. Sa bahay nina Tito Warden ako tumuloy dahil namimiss ko na din ang aking mga pinsan. Mag-isa akong nagbakasyon dahil parehong busy sina Mom at Dad sa trabaho. Si Ate naman ay may sarili ng pamilya habang ang aking bunsong kapatid ay nag-aaral pa.

Unang beses kong makarating dito sa Ilocos. Isang linggo pa lamang ako dito sa Pilipinas ng sabihin ni Tito Warden na may dadaluhan silang wedding anniversary ng kanyang matalik na kaibigan dito sa Ilocos. Nagdesisyon akong sumama dahil  hindi ko pa ito napupuntahan. At hindi ako nagsisising pumayag dahil sa mga magagandang tanawin na aking nakikita at kaypreskong hangin na aking nalalanghap. Malawak na mga bukirin at kayberdeng mga pananim. Malalagong mga puno at simpleng mga bahay na may mga moderno at sinaunang istilo. Hindi maingay na kalsada at walang trapiko.

Bumusina at tumigil ang sasakyan sa harap ng isang itim na gate na napapalibutan ng mga iba't-ibang uri ng mga halaman. Halatang inalagaan ng maayos dahil sa naglalaguan at naggagandahang mga bulaklak nito. Bumukas ang pinto sa gilid at lumabas ang guard. Bumaba si Tito Warden at kinausap ito sa hindi ko maintindihang salita. Mula sa pinto ay may lumabas na gwapong lalaki na hindi nalalayo sa edad ni Tito Warden. Nakangiti itong yumakap at sila'y nag-usap bago bumukas ang gate.

Magkahalong puti, itim at brown ang kulay ng tatlong palapag na bahay.

Lumabas ang isang ginang na may hawak na lubid ng aso. Hindi ito nalalayo sa edad ni Tita Eden at may taglay ding ganda. Yumakap ito sa kanya at sila'y nag-uusap na hindi ko naintindihan.

Lumapit sina Edward, Elisa at Ella sa ginang upang magmano.

"Pagpalain kayo. Aba'y lalo pa kayong gumanda at gumwapo" anang Ginang at ngumiti naman ang aking mga pinsan.

"Siya nga pala Daisy, ito nga pala si Akihiro Ken pamangkin ni Warden. Kararating lang nung isang linggo galing sa Japan para magbakasyon at sinama na namin dahil maiiwan siyang mag-isa sa bahay", nakangiting pagpapakilala sa akin ni Tita Eden. "Siya naman si Mrs. Daisy Guttierez ang asawa ni Mr. Daevin Guttierez, matalik na kaibigan ng Tito Warden mo" dagdag pa nito. Tukoy sa lalaking lumabas kanina na kausap ni Tito Warden.

"Nagtaraki kan barok" nakangiting tugon ng Ginang habang nakatingin sa akin.

(Translation:Ang gwapo mo iho)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hit Me Now, Take Me Tomorrow, Love Me ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon