The Letter [A Short Story]

5.2K 100 71
                                    

Mahal kong Kyle,

                Naaalala ko pa noong una kitang nakita sa may corridor. Nakatayo ka noon at nakatingin sa ibaba. Akala ko noong una ay isa ka lang sa mga ordinaryong tao na daraan sa buhay ko. Inakala ko lang pala iyon. Heto ako ngayon nakatitig na naman sa iyo. Hindi ka naman diyos para sambahin, artista para pagkaguluhan at assignment sa math para isipin ng isipin. Bago pa man ako maadik sayo ay napagpasyahan ko ng itigil ang pagpapantasya sa mga bagay na hindi naman maaring mangyari. Kaul*lan kung baga,pero isang araw habang nakaupo ako sa may kubo bigla mo na lang akong kinausap.

“Pwede paupo”

Tumango lang ako. Hindi nakapagsalita sa ganda ng boses mo. Nais kong kidlatan ng mga oras na yun para matauhan. Kinausap ka lang nagkaganyan ka na. Gumagawa ako ng assignment sa algebra ng mga panahong iyon. Hindi ko na nga masagutan dahil hindi ko alam ang sagot at idagdag pa natin ang katotohanang katabi kita ngayon. Buhay nga naman kung kelan mo hindi gustong makita ang isang tao saka sila darating sa buhay mo. Pinaglaruan yata ako ng tadhana noon. Napansin mong naiirita na ako sa kalagayan ko ngayon. Naiinis dahil hindi ko masagutan ang math assignment ko at hindi ako makagawa ng paraan para mapansin mo.

“Assignment ba yan? Nahihirapan ka ba?”

Lord, pwede niyo na akong kunin. Pangalawang beses niya na akong kinausap. Yan ang sinabi ko sa panginoon ng mga oras na iyon. Tinulungan mo akong magsagot noong mga panahong iyon,  pakiramdam ko nasa langit na ako o malapit na dahil masyadong maganda ang mga pangyayari. Nagpaalam ka na dahil may klase ka pa tumango naman ako at nagpaalam.

Buwan. Ilang buwan din ang lumipas pagkatapos ng araw na iyon. Nagkakasalubong tayo ngunit parang walang pag-uusap na nangyari sa atin noon. Gusto ko sanang magpasalamat kaya lang nahihiya ako dahil baka nakalimutan mo na ako. Sino ba naman ako para tandaan mo? Isa lang akong ordinaryong estudyante habang ikaw ay popular at may maipagmamayabang. Sinabi ko noon na hindi ka naman isang diyos o artista ngunit ngayon binabawi ko na. Pinagulo mo ang isip ko at pinaikot-ikot ang utak ko. Naririnig ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko na sana naririnig mo.

Biyernes iyon at nasa may tambayan ako malapit sa alumni building. Nakita kitang may kasamang babae. Nadurog ang puso ko ng hindi ko man lang alam ang dahilan. Bakit masakit? Bakit mahirap makahinga? At ang pinakanakapagtataka...Bakit ako umiiyak? Yumuko ako at umiiyak ng walang dahilan. Nababaliw na siguro ako. Kasalanan mo iyon. Wala ng ibang gamot dito kung hindi ikaw lang.

“Bakit ka umiiyak?”

Pag-angat ko ng aking ulo, nakita kita.

“Wala naman. Namatay kasi aso ko”

Tumawa siya. Kahit ako natatawa sa naging dahilan ko. Umupo siya sa tabi ko.

“Sino yung kasama mo kanina?”

Hindi ko alam kung bakit ko iyon natanong sa iyo. Nagtaka ka at hindi muna sumagot. Ngumiti ka lang. Nabingi ako sa katahimikan. Akala mo siguro ng mga panahong iyon ay isa akong pakialamerang babae na ang pinupunterya ay ang buhay mo.

“Ex ko. Kaka-break lang namin kanina”

Biglang lumiwanag ang langit at nagsikantahan ang mga anghel. Ngumit ako at ngumiti ka rin. Ikaw nga ang gamot. Niyaya mo akong umalis dahil magga-gabi na. Nagpresenta kang ihatid ako ngunit tumanggi ako dahil alam kong malayo pa ang inyo. Sinabi mo na lang na ihahatid ako sa sakayan kaya pumayag na ako.

Doon nag-umpisa ang lahat. Salamat sa aso kong namatay na hindi naman totoo dahil wala kaming alagang aso sa bahay. Salamat at umiyak ako. Salamat sa Panginoon.

Umuuwi na tayo ng sabay, kumakain ng sabay kung pwede at nag-aaral ng sabay. Makalipas ng isang taon naging tayo na. Sino ba ang normal na babae ang pakakawalan ka pa? Ang tagal kong hinintay ang araw na iyon. Ang araw na magiging sayo ako at ako ay sayo. Napakadrama ko ba? Sana hindi ka magsawa sa akin.

Naaalala ko pa yung unang date natin. Dinala mo ako sa simbahan. Nakakahiya ka pa nga.

“Lord, eto po ang babaeng mapapangasawa ko”

Napakasaya ko ng mga oras na iyon kahit hiyang-hiya na dahil sa dami ng taong nakasaksi ng engagement natin sa harapan ni Lord. Marami pang mga bagay ang ginawa mo na nagpasaya sa akin. Hindi ko iyon makakalimutan. Sana nasa iyo pa rin ang bigay kong kwintas yan ang simbolo ng walang hanggang kong pagmamahal sa iyo.

Mahal na mahal kita. Patawad kung hindi na matutuloy ang kasal natin. Patawad kung mauuna na ako sa langit. Patawad kung iiwan kita dito. Hindi ko naman sinasadya. Siguro hindi maganda para sa dalawang tao ang masyadong magmahalan at magmahal ng wagas dahil pilit silang paghihiwalayin ng tadhana. Katulad ng mga storya sa pelikula kahit hindi man natin sinasadya ay matutulad tayo sa kanila. Mga pag-ibig na walang hanggan ngunit natapos na lang bigla. Happy 4th year anniversary pala sa atin ang tagal na rin natin. Masaya ako. Kung tatanungin ako sa langit kung natupad ang mga pangarap ko at naging masaya ba ako sa lupa. Ngingiti ako dahil lahat yun natupad. Noong araw na nakita kita sa may corridor ikaw na ang naging pangarap ko. Natupad iyon isang taon matapos mo akong nakitang umiiyak. Masaya ako ng natupad iyon. Ikaw ang kasiyahan at pangarap ko. Sana natupad din ang mga pangarap mo.

Napapagod na ako mahal. Kelangan ko ng magpahinga. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Sana pagkatapos kong mamaalam ay maging masaya ka. Alam kong magiging mahirap ngunit isipin mo lang ang magagandang pangyayari sa buhay natin para sumaya ka. Isipin mo na lagi lang akong nandito. Sabi ng doktor ilang araw na lang ang itatagal ko kaya gumawa na ako ng sulat para sayo. Wag mo sana akong kakalimutan. Hindi man ako ang huling babaeng makakasama mo sana man lang ay isa ako sa mga babae na inibig mo ng wagas dahil ikaw ang una at huling lalaki na mamahalin ko.

Ikaw ang first, true at forever love ko.

Paalam na mahal. Pasensya na kung medyo basa ang sulat ko hindi ko kasi mapigilan ang mga luha ko. Maging masaya ka sana. Hihintayin kita.

Nagmamahal,

Janine

Pagkatapos ng isang oras ay namatay si Janine sa kanyang kama sa Ospital ng Maynila. Nabalita naman sa radyo na isang barko ang lumubog dahil sa masamang panahon. Isang lalaki na nagngangalang Kyle ang napasama sa mga nasawi.

Masaya na ngayon si Kyle at Janine sa langit.

At iyan ang kwento ng buhay ni Kyle at Janine.

Ang sulat ay natagpuan sa drawer ni Janine sa Ospital ng Maynila makalipas ang 15 taon ng isa ring pasyente na may kaparehas na sakit. Ang sulat ni Janine ang naging inspirasyon ng binata upang mabuhay at hanapin ang babaeng iibigin niya ng wagas at iibigin siya ng wagas.

[A/N: Potek! Ang korny eh. Hahaha. Pasensya na ah. Hindi naman kasi ako writer dapat nga hindi sila magkakatuluyan diyan eh! Sa susunod hindi na ganyan kasi kung magkakatuluyan dapat may mamamatay. Hahaha. Brutal talaga. Yung binata na nakakita ng sulat wag niyo ng alamin kung anong nangyari. Hahaha!! This is somehow based on my nonexistent college lovelife. HAHAHAHA]

The Letter [A Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon