Freya Adia Ferer
Lahat ng pamilya nang Ferer ay nandito sa bahay, pinatawag lahat ni papa ang angkan namin dahil may importante raw siyang sasabihin. Isang negosyanteng tao si papa kilala siya bilang isang mahusay na tao sa larangan ng negosyo. Lahat nang tao ay ini-idolo siya ngunit hindi ako kabilang sa mga taong iyon. Hindi nila alam ang tunay na kulay, ugali at pagkatao ni papa. Ni minsan sa buong buhay ko hindi ko naranasan ang kanyang pagmamahal bilang isang ama. Ganundin si Mama, kahit isang beses sa buong buhay ko hindi ko naramdaman ang kanyang pagmamahal bilang isang ina.
Negosyo at pera ang mas importante at mahalaga sa kanilang dalawa. Palagi nalang mainit ang kanilang dugo sa akin, para bang may nagawa akong malaking kasalanan.
Simula nuong bata pa ako naranasan ko na lahat ng kanilang pananakit sa akin pero kung tutuosin hindi naman ako ampon.
Lahat nang kanilang pananakit ay pinagsawalang bahala ko na lamang, dahil kapag sinuway ko sila lalo, baka palayasin nila ako sa bahay, wala din naman akong ma tutuluyan kapag nangyari yon.
Halos lahat ng tao na andito sa sala ay tahimik, walang naglalaka loob na mag tanung kung ano ba ang iaanonsyo ni papa. Kahit ang mga Tito at Tita ko ay subrang takot sa kanya, sa dami naman ba ng koneksyon ni papa, sino kaya ang hindi matatakot don.
Tumayo si papa sa kanyang kina u-upuan at pumunta sa harapan naming lahat, he cleared his throat before he speaks. "Sasusunod na linggo ay ikakasal si Freya."
wika niya na nagpatigil sa aking sestema. Ito na nga ang sinasabi ko noon palang, darating din ang araw na ipapakasundo nila ako sa taong di'ko mahal. Pati pag pili ko nang taong mamahalin ko, ay sila nadin ang may karapatang gawin iyon.
Hindi ba sila makapaghintay na tumungtong ang edad ako nang 25 bago ako nila ipagkasundo sa ganyan. Basta talaga negosyo hindi sila nagdadalawang isip na gawin ang bagay na ikakasama nang kinabukasan ng kanilang anak. Siguro pag may bumili sa akin sa mataas na presyo, payag na sila. Sa ginagawa nila parang hindi man lang ako galing sa dugo't laman nila.
"Nakalimutan ko ding sabihin na babae ang kanyang papakasalan at hindi isang lalaki, sa ayaw at gusto niyo ikakasal siya sa kapwa niya babae."
Pagkatapos niyang sabihin ang ganong balita sa aming lahat ay kaagad siyang umalis sa aming harapan at dumeretsyo sa kanyang silid na wari'y bang magandang balita iyon para sa kanya.
Habang kaming lahat dito sa sala ay walang umiimik wari'y hindi nag si-sink sa aming mga utak ang kanyang mga sinabi.
Okay lang sana kung lalaki yung mapapangasawa ko pero bat ganon babae, hindi naman ako against sa mga magkakarelasyong magkaparehas yung kasarian pero bago ito sa akin ehh.
Paano kong ang babaeng papakasalan ko eh mas dragon pa sa dragon, jusko wag naman sana.
Bakas sa mukha ng mga Tito at Tita ang pag alala sa akin. Buti pa sila may pag-aalala sa akin, pero ang mga lumuwal sa akin wala man lang.
Ngumiti lamang ako sa kanila. Pinapakita ko sa kanila na okay lang ako na masaya ako na mabalitaan ang ganong bagay, kahit sa loob ko durog na durog at pagod na pagod na ako.
Pumunta na lang ako sa aking maliit na kwarto at humarap sa salamin. Ang kwarto ko ay hindi gaanong kaganda, hindi rin gaanong kalaki, katamtaman lang ang laki nito at ang kulay na hindi gaano'ng katingkad, just like my fate and my soul.