CHAPTER 4 (Back to Normal)

20 0 0
                                    

Hay panibagong araw nanaman sana hindi nalang natapos yung mga oras na kasama ko siya..

"hoy keesha nakikinig ka ba sa akin?"-scarlet sabay tapik sa kin

"ha? ano ulit yung sinasabi mo?"naglalakad kami ngayon ni scarlet papuntang school,hindi ko napapansin kinakausap nya pla ako heto nanaman kasi ako iniisip nanaman yung nangyari kahapon...

"ang sabi ko nagawa mo ba yung Case Study sa HR natin?"

"hala oo nga pala may gagawin dun.." what the f nakalimitan ko, na may case study palang gagawin langya grabe naman kasi akong mag-isip

"yan baka si kade nalang iniisip mo kagabi"

"hindi a sadyang nakalimutan ko lang talaga"

"bilisan nalang natin para magawa mo pa, first period pa naman natin yun lagot ka kung wala kang nagawa,baka palalabasin nya nanaman yung mga walang assignment"

yeah right malupit yung prof. namin sa HR pag wala kang assignment papalabasin ka and mas worst kung hindi mo masasagot yung tanong nya patatayuin ka nya sa klase haggat hindi natatapos ito

"mabuti pa nga ayaw ko naman mapalabas at maabsent sa klase nya no"

Pagdating sa classroom...

"nakakapagod tumakbo"(sabay hingal)- scarlet

"o bat kasi kayo tumakbo?"-glyde

"eto kasing si keesha hindi nagawa yung case study nya,nagmadali na kami para magawa pa nya"-scarlet

"oo nga nakalimutan ko na may Case Study duon kaloka"

"hayan masyado ka ng makakalimutin .dahil ba yan kay kade?haha"-glyde

"hindi a" todo deny

"haha joke ^_^v"

"sige gagawa na ako baka dumating na si Ma'am, at baka machismisan ko nanaman to di ko na magawa yung dapat kong gawin, sige hindi muna tayo magkakakilala ngayon ha busy ako" pagkatapos nun busy na ako na gumawa ng case study, at wow for the first time hindi magulo at maingay tong mga kasama ko..

"hay sa wakas natapos ko na"

"yes! sa wakas makakapag chikahan pa tayo may oras pa tayo o"-shane

eto talagang babaeng to kagandaganda napaka chismosa haha hindi mapigilan ang bunganga.^_^v

"ay sus shane talaga"-chanel

"By the way Keesha anong Chika?"-shane

"ha?"

"kwento ka tungkol sa nangyari kahapon"-shane

"nangyari kahapon? ahm habang nasa byahe niloloko niya ako na kung di niyo pa daw ako pipilitin baka hindi pa daw ako pumayag sumama sa kanya,tapos sabi ko naman awkward kasi kakikilala palang niya sakin hatid agad tapos pagkadating sa apartment sa uulitin daw"

"so may uulitin pa?"-leah

"siguro,baka,ewan?"

dumating na yung prof. namin sa HR at tama nga kami naalala niya na may assignment at pinalabas yung mga walang nagawa...

at hayun tumakbo ng mabilis ang oras matatapos nanaman ang klase...

"Good bye class,So dahil patapos ang semester hindi ko na kayo bibigyan pa ng assignment at para narin wala ng mapalabas..nakakaawa naman kasi yung mga laging napapalabas para naman may attendance na sila"-Ma'am

"YES!" masaya lahat dahil hindi na kami bibigyan ng assignment. Ito kasi yung tipo ng Prof. na walang araw na hindi magbib igay ng assignment"

Sumunod na yung iba naming klase at natapos din ito agad..pagkatapos ng last period nag-aya na silang maglunch at dun pa nila napiling kumain sa COE

dahil masarap ang mga tinda nilang pagkain dito..

Pagdating sa Canteen...

"hoy si kade o "-maxene sabay tapik sa akin

"o bakit si kade?"

"ayun o. bat di ka nya pinansin?lokong lalaki yun makikipagkilala tapos ngayon ikaw ang di nya nakilala,resbakan na natin o"-maxene akamang tatayo na

"hayaan nyo na wala naman akong karapatan na magalit kung hindi nya ko pansinin e" totoo naman na wala akong karapatan magalit sa kanya kung di niya ko pinansin...

"okay fine yan yung sabi mo e"



A/N: sorry boring tong update ko..bawi nalng ulit next time lalagyan ko na ng kilig haha













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I finally found someone♥(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon