PIECE OF ME

45 2 3
                                    

Ang sama-sama mo talaga Erik!

Araw-araw yan ang palagi kong naririnig sa kanila.

Oras-oras sinasabi nilang di nila ako gusto.

Wala akong pakealam kung kamuhian mo ako Judy! Hahahaha! Ang lampa mo!

Masaya ako kapag nambu-bully ako. Buong buo ang araw ko pag nakita ko silang umiiyak dahil sa mga ginagawa ko. Sinisira ko ng unti-unti ang mga buhay nila. Ang mga memories nila mula sa elementary hanggang high school.

Erik! Bakit mo ba sya inaway? Hanggang high school ganyan ka parin?

Abby Marez. Isa sa mga paborito ko.

Ano ngayon sa 'yo Abby? Wala. Kang. Pakelam!

Itong si Abby kasi lumalaban sa akin. Pinagtatanggol niya ang mga umiiyak. Ang mga weak!

Meron Erik! Sumosobra ka na!

Lumapit sya sa akin at..

Bogsh!!!***

Kung gusto mong manakit, suntukin mo sarili mo! Kung hindi mo kaya, AKO ANG SUSUNTOK SA 'YO!

Simula noon ay di na ako nang aaway sa mga ka-klase ko.

Araw-araw kong ginagapang ang putik para lang makuha ang trust nila.

Oras-oras kong sinusunod ang mga gusto nila.

Isang araw, inutusan ako ni Sara (classmate ko) na bilhan sya ng softdrinks. Kaya nagmadali akong pumunta sa canteen at bumalik sa room. Halos madapa ako sa pagmamadali.

Pero, papasok pa lang ako ay tinapunan na nila ako ng floor wax sa damit at mukha. Magagalit na sana ako kaso...

Tama na nga yan! Sobra na rin kayo ah? Di nyo ba nakikita na nagbago na yung tao?! Akin na nga yan!

Ayan na naman si Abby. Pero ngayon, ako ang pinagtatanggol nya.

Abby! Chance na namin to para makapaghiganti sa walang pusong hayop na yan!
Sabi ni Sara

Tsk! Wala na tayong magagawa sa past natin. Kung magulo ito, idadamay pa ba natin ang future? Tama na ang lahat ng ito! Nakita naman natin na nag bago na sya! Let's see the other piece of him!

Biglang natauhan ang mga classmates namin. Kaya ngumiti sila sa akin at nag sorry.

Lumapit ako kay Abby.

Abby!than---

Don't thank me now Erik. Someday give that to me. Kapag mas malaki pa ang nagawa ko para sa iyo.

Umalis sya at naiwan na naka buka ang bibig. She's very different.

Simula non, araw-araw ko syang dinadalhan ng regalo

Oras-oras ko syang hinahanap

At kada segundo ko sya iniisip.

Mahal ko na ata si Abby.

Prom Night

Niyaya ko si Abby na sumayaw. Magkaibigan na kami kaya pumayag sya.
Magtatapat na ako sa kaya.

Abby?

Hmmm?

I was the worst of all. Wala akong kaibigan, walang gustong maging kaibigan si ERIK SALAZAR. But, you came Abby. You punched me here

Tinuro ko yung right side kong cheecks.

Tumawa si Abby.

Hahaha! Yes, i remember.

Magandang maganda si Abby. At mas pa ngayon dahil sa white nyang ball gown.

Abby, I want you to know na ikaw ang gumising sa akin. Sa kung ano ang dapat kong gawin. Na dapat respetuhin ang lahat. Abby, hangang hanga ko sa 'yo. Abby, I like you.

Napakalas si Abby sa paghawak sa batok ko.
Nabigla ata sya.

Erik Salazar? You like me?

Mukhang galit ata sya. Bakit ba sya nagagalit?

Abby Marez, i like you. Yes. Pero ngayon parang i love you na.

Nahihiya na ako rito. Nagsisimula ng lumapit ang iba para makinig.

Erik Salazar, the great destroyer? You love me?

Grabe! Bakit ang init dito ? May aircon naman ah?

YES ABBY! uh.. Please. Pwede ba kitang ligawan?

Nakita kong lumaki ang kanyang mga mata.

Nakatunganga lang ako doon, halos 5 mins! Tanga-tanga ko talaga! Nakakahiya. Tumalikod ako at humakbang na para umalis. Nakakahiya.

ERIK SALAZAR! I'M NOT DONE WITH YOU.

Bugshhh!!****

Napatingin agad ako sa likod ko. Sinuntok nya ang likod ko.

Aray!Bakit mo ako sinuntok?!

Nanakit ka eh! Kaha sinuntok kita!
Seryosong sabi nya.

Ano? Wala naman akong ginagawa ah?!

Kaya nga! Wala ka ngang ginagawa! Umakyat ka ng ligaw wala kang dalang bulaklak o chocolates? Sakit non ha!? Sasagutin na sana kita kaso walang effort. Sige bye!

Bye rin--- what??! Sasagutin nya ako? Agad agad???

Sa totoo lang may Flowers at chocolates ako sa upuan ko para yon kay Abby. Kaya kinuha ko agad yun at hinabol sya.

Abby! Wait!

ngayon ay nasa gitna na kami ng hall. Pinapagitnaan ng mga estudyante at teachers. Kilig na kilig silang lahat.

You forgot something Abby.

Agad syang lumingon at ngumiti.

I've seen each piece of you Mr. Salazar.

Nagalalakad na sya patungo sa akin.

And you know what I like the most of you?

My face?
Pabiro kong sagot sa kanya.

What?!hell No! Tsk! Wag na nga lang!!

Tatalikuran na nya sana ulit ako kaso pinigilan ko sya.

Abby! Tapusin mo! Please?

Eh ang dadal mo eh! Tsk!
Naiirita sya. Hahaha

Agad ko namang isiniradoang bibig ko sabay action na parang may zipper sa baba ko.

Okay. Do you know what piece of yours I like the most Mr. Salazar?

What?

ALL of You . And I dont just like it. I love all your pieces Mr. SALAZAR. Even before. Take my hand, I am yours.

Naghiyawan ang lahat ng mga tao sa hall.

Nakakagulat itong si Abby!

Abby??! Sinasagot mo ako??! Abby??

Oo. Bakit? Ayaw mo? Edi wag!

Hahaha! No Abby! I'm so happy! Thank you Abby ibinibigay ko na ang "thank you" ko sa iyo. Masaya talaga ako! ! Can I hug you?

Tumango sya. Agad kong binitawan ang mga dala ko at niyakap sya. Kilig na kilig ako. Hahaha. Nababakla na ata ako. Hahaha!

Naghiyawan silang lahat. At sumayaw dahil sa sweet music na pinatugtug ng Dj.

Not so tight love.

Okay love. Can I dance with you now?
Walang hiya kong sinabi kay Abby.

Pano mo ako isasayaw? Di ka pa umaalis sa pagkayakap mo?

Ayoko kumalas sa 'yo Abby, my love. Because you're the biggest piece of me. Baka mamatay ako pag aalis ako sa tabi mo.
Na-sweetan ako sa sarili ko. Hahaha

Okay. Let's stay like this. I will never leave you too. Coz you are the biggest part of me too.

PIECE OF METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon