TALENTO

0 0 0
                                    

"TALENTO"
BY: Zin Saga

WALANG TAGAHANGA ay hindi ang rason upang pangarap ko'y aking bitawan
Sapagkat MARAMING TAGAHANGA ay hindi ko kailangan
Pagsusulat ay aking kasiyahan
At ang talento kong ito ay palagi kong pahahalagahan

Pumasok ako sa mundo ng mga manunulat
Upang ibahagi ang laman ng aking utak
Umaasang ibang tao ay mamulat
Sa pamamagitan ng aking mga sulat

Aaminin kong sa larangang ito'y hindi ako kagalingan
Ganunpaman, hindi sumagi sa isip ko na pagsusulat ay aking bitawan
Pluma at papel ko'y aking pahahalagahan
At pagsusulat ay hindi ko pagsawaang patuloy na ipaglaban

Sana naman sa pamamagitan ng obra kong ito
Titigilan nyo na ang pagmamaliit sa aking talento
Hayaan nyo sana akong isulat ang aking mga kwento
Na magiging daan upang ibang tao ay matutu.

-PLAGIARISM IS A CRIME
- OPEN FOR CRITICISM

SHOT STORYWhere stories live. Discover now