1

71 6 4
                                    

DISCLAIMER !

This is all work of fanfiction none of these had ever happened in real life, all of these was form of imagination and none of these is existing in real life. So please be educated and matured reader! Also be responsible and discipline! Godbless!





———————————————————————————
















Maaga akong nagising, hindi ko alam pero nakatulog na naman ata ako sa kakaiyak at kakatanong sa sarili ko kung bakit kailangan kong maranasan at maramdaman lahat ng 'to, nakatira nga ako sa tita ko pero hindi ko ramdam na Pamilya ko si Tita Tessie, puro nalang panunumbat ang naririnig ko sakanya, 20 years old nako at sa loob ng 9 years ko na nakatira sa kanila ay wala na akong ibang narinig kundi panunumbat nya. Kasalukuyan akong nag aaral as Medtech, isang buwan nalang at gragraduate nako.

Tumayo na ako at niligpit ang mga libro at sticky notes ko, hindi kami ganon kayaman hindi din kami ganon kahirap, masasabi ko na sakto lang ang pamumuhay namin dito sa Davao. I can speak bisaya but not that Good. I prefer english most of the time.

" Calista! Tumayo ka na! " sigaw ng tita kong walang ibang ginawa kundi sigawan at pagalitan ako.

" eto na ho " bwelta ko, agad agad akong tumayo at nagligpit ng gamit, nagsuklay ako ng buhok at tinaggal ang cellphone ko sa pagkaka-charge

" magandang umaga Calista Hope Z. Lorenzo! Tanghali na, wala ka bang pasok ngayon? " tanong ng tita ko paglabas ko ng pinto

" wala po sabado po ngayon Tita " sagot ko sabay tungo sa kusina

" akla! Kakagising mo lang? " kalabit ng pinsan kong beki, sya si Den pero dianna na pangalan nya ngayon. Mas prefer nya daw, sya ang nag iisang anak ni Tita Tessie at kasalukuyan syang nag tratrabaho as a call center agent

" ah oo eh, nag review kasi ako kagabi " usal ko

" review pa din sismars? graduating ka na! nako onti nalang magkaka-nurse na ang angkan ng Lorenzo! " sigaw nya, i can say that she was there by my side when no one was there for me. She stood by myside in the most tough days of mine. Sya ang nagiging kakampi ko kapag pinag-iinitan ako ni Tita Tessie

" kailangan sismars ano ka ba! Osya tutulog ka na? " tanong ko at tumango naman sya

" osya maya nalang ha, sleep muna si momshie bells oki? Beuty rest lang akesh! " pagpapaalam neto at ngumiti lang ako, nagsaing at nagluto lang ako ng ampalaya at naligo, tinimplahan ko na din ng kape ang tita ko, sa totoo lang sawang sawa nako sa buhay na 'to. Gusto kong umalis at pumunta sa malayo para hanapin ang nawawalang ako.

pagtapos ko kumain ay naghugas nako at nag walis sa bakuran at loob ng bahay namin, ang bahay namin ay mala-ancestral house dahil bahay pa to ng yumao kong lolo, sobrang ganda dito pero hindi ang mga kasama ko. Maliban kay Dianna.








—————————-






Lumipas ang araw at naka-graduate na nga ako, isa na akong ganap na MedTech, hindi ko na masyang cinelebrate ang graduation ko dahil hindi naman ako sobrang saya dahil hindi eto ang gusto ko, pangarap maging isang Guro. Pero eto ang gusto ng Tita ko para sakin, wala akong magagawa dahil sya ang nagpapaaral sakin. Besides lahat ng mga kaklase ko ay kasama ang pamilya nila ako lang ang hindi, si Dianna at Rafael lang ang kasama ko. Rafael is my childhood friend, actually namin ni Dianna, matangkad sya moreno at yah gwapo, mala-Daniel Padilla ang datingan nya.

Nagtrabaho ako sa Ospital malapit dito sa amin, naka-duty ako ngayon. March 7, 2020 hindi ko alam pero tuwing 7th of the month ay iba ang mood ko. Parang sobrang saya ko at iba ang pakiramdam ko although February 17 ang Birthday ko, sobrang weird lang. It feels different. Pagtapos ko mag duty ay naabutan kong nagsisigawan si Tita at Dianna kaya agad agad akong umakyat ng bahay

" anong nangyayare tita? " bungad ko

" ayan magsama kayong mag pinsan! Ikaw? Nasan ang sahod mo?! Wala ka pang binibigay sakin simula ng nagtrabaho ka! Palamunin ka na nga lang dito! " sigaw nya sakin

" kakasimula ko lang po sa trabaho, alam nyo yan. Hindi ako pwede mag-advance dahil kakagraduate ko pa lang " sagot ko

" so problema ko pa ngayon na baguhan ka?! " sigaw nya

" tama na yan ma! " sigaw ni Dianna

" mga sakit kayo sa ulo! Lalo ka na Calista! Pala- " i cut her off

" palamunin? Walang kwenta? Tama ba? Simula ng tumira ako dito sainyo wala nakong ibang narinig kundi yan! Halos buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi pagsilbihan kayo! Halos pati gusto ko pinagpalit ko para sayo tapos wala pa din akong kwenta? " sigaw ko

" tama na cous " awat ni dianna

" no! This is too much and i'm not gonna let her humiliate me again! " sigaw ko

" ah sumasagot ka na? Sige lumayas ka! " sigaw ni Tita

" sige yan ba ang gusto mo Tita? Sige lalayas ako. Pero sana naman kung di mo ko kaya respetuhin bilang pamangkin mo, sana respetuhin mo nalang ako bilang Tao, kagaya mo. " sigaw ko, pilit kong pinipigilan ang mga luha ko pero hindi na kaya.

Inayos ko ang mga gamit ko, binitbit ko ang mga laptop at mahahalaga kong gamit. Wala akong tinira kahit isa. Nagpantalon ako at hoodie, sinuot ko din and white sneakers ko at umalis.

Nagulat ako ng naka-abang si Raf sa gate namin, ganon din si Dianna

" aalis ka talaga Cali? " tanong ni Raf

" oo, para matapos na 'to, yoko na maging pabigat pa. " sagot ko

" san ka pupunta cous? " tanong ni Dianna

" kahit san, basta malayo dito " sagot ko, nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Raf

" mamimiss kita, balitaan mo kami ha! " asik nya at tumango lamang ako, ayoko ng magsalita pa dahil baka maiyak na naman ako, nagpaalam at yumakap nako sa kanila

Pumunta ako sa daungan ng barko at agad na bumili ng ticket doon, hindi ko alam san to papunta. Basta ang alam ko lalayo ako dito sa lugar na 'to. Ang totoo nyan ay sinahudan na kami kanina at 30k ang unang sinahod namin, goverment kasi yung ospital na yon kaya medyo may kalakihan din.

Lumipas ang ilang oras at nakarating na nga ako sa di ko alam na lugar it's already 10:30am , iba iba ang salita hindi ko maintindihan. Bumaba nako dala dala ang tatlo kong bag. Dinala ko din pala ang mga gamit ko sa ospital kagaya ng pam-BP at iba pa.

Sumakay nako ng bus at natulog, hindi ko alam ang pupuntahan ko. Basta alam ko lalayo ako sa lugar na mapang-husga. Bumili ako ng tubig at biscuit na naglako sa bus namin at kinain iyon. Sa sobrang haba ng byahe at nakatulog ako, hindi kasi ako nakatulog sa barko gawa ng maingay at malansa ang amoy.

After 10hours ay nagising ako sa isang maganda lugar, maya maya ay sumigaw na ang Konduktor.

" oh andito na tayo sa Laoag! " sigaw nya at nagtaka naman ako

" what? Laoag? Nasan ako?! " tanong ko.

































———




























hi!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Why Sandro Marcos? Where stories live. Discover now