Ito ang first day ng ground baking ng property ni Mr. Monterde andito kami sa site maging si Ethan dahil wala pa akong mapag iiwanan andoon sya sa company van naka open naman ang pinto kaya hindi maiinitan ito.
Mabilis lang dumaan ng buwan nasa limang buwan na agad ito.
At ngayon ay wala akong pasok sakto na din dahil third birthday ni Ethan tanging kami kami lang din.
Isang maliit na salo salo ang ginanap sa apartment ko andoon ang pamilya ni Patricia ang ilang kasama sa trabaho.
Pero ang higit sa kinagulat ko ay kasama ni Patricia si Liam.
Napansin ko ang expression nito lalo na pag ka kita sa edad ni Ethan.
Sana lang mali ang kutob ko dahil hindi ko alam ang susunod na mangyayari.
Gabi na nang matapos ang party tanging sila Patricia na lang ang nandito maging si Liam.
"Paano Athena una na kami"paalam nito "ikaw Liam?" Tanong nito sa pinsan
"Mauna na kayo Ate may kakausapin lang ako" pero sa akin naka tingin alam ko na kung ano yon.
"Ok what's going on Liam, Athena?" Tanong nito."Ahm w-wala" sagot ko pero sumagot si Liam.
"Anong wala Athena"sabi nito.
"Sweetheart paki dala muna ang mga bata"utos nito sa asawa"Athena, Liam"
"Athena ako ba ang Daddy ni Ethan?"Hindi na ako nagulat sa tanong nito pero si Patricia ang shock sa nalaman.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko pero.
"Athena it's that true?"tanong ni Patricia at tumango ako sa kanya. "Liam ikaw?"
"Bakit hindi mo sakin sinabi Athena"galit na sabi ni Liam.
"Liam bakit kailangan ko pa bang sabihin sayo hindi ba isa lang naman laro ang lahat sa inyo kaya nga after mo makuha ang virginity ko basta mo na lang ako tinapon sa isang tabi pano pa kaya kung sinabi ko sayo na buntis ako, hindi na para mag habol ako Liam"galit na sabi ko.
"Kahit na Athena"
"Enough Liam hindi kita kakampihan sa nalaman ko mula kay Athena my gosh Liam paano mo nagawa ang pag laruan ng ganoon si Athena may kapatid ka na babae paano kung ganoon din ang ginawa sa kapatid mo"galit na sabi nito. " I'm so disappointed to you Liam"dagdag nito"Patricia"
"Hindi Athena alam ko pinag daanan mo pero hindi ko alam na ang magaling kong pinsan pala ang Daddy ni Ethan at ikaw Liam mag uusap tayong pamilya"galit na sabi pa nito.Sa pag alis ng dalawa ay doon nag malibis ang luha ko parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"Mama wag kana iyak Mama"ani ni Ethan.
"Mahal na mahal kita Ethan"sabi ko habang yakap yakap ang anak.Ngayon alam na ni Liam na may anak ito sa akin hindi ko na alam ang gagawin ko.
Agad kong sinara ang gate at nag double lock ng pinto.
Nilinisan ko muna si Ethan bago ako mag linis ng bahay.
Hindi ko alam kung anong oras na ako natapos sa pag lilinis ng bahay madaling araw na ng tabihan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog.
Buti na lang at walang pasok ng kinabukasan.
Hindi ko alam kung nakatulog ako o ano dahil iniisip ko pa din ang nangyari kahapon.
Habang nag hahanda ako ng almusal namin ni Ethan ay tumunog ang doorbell nag taka man ay lumabas ako.
Ganoon na lang ang gulat ko na makita si Liam sa labas magulo ang buhok at napansin ko na ganoon pa din ang damit kahapon.
"May kailangan ka?"tanong ko.
"Please Athena mag usap tayo"sabi nito.Kaya binuksan ko ang gate at pinatuloy ito sakto naman ay lumabas na pupungas pungas si Ethan.
"S-sumabay kana mag breakfast sa amin" aya ko.
Narinig ko na umupo ito kami naman ni Ethan ay nag tuloy sa sink para hilamusan ito.
Agad kong inupo ito sa highchair nito at binigay ang hiniwa hiwa ko na hotdog dahil ayon ang gusto nito.
After nito mag pray saka nito inalok si Liam.
"Kain po"masayang alok nito.
"Thank you kiddo"Agad kong inabot sa kanya ang kape nito.
"T-thank you"
Tahimik lang kaming nag breakfast tanging ang tunog lang ng spoon ang maririnig maging si Ethan ay tahimik din.
"Mama fruits po"
Agad kong inabot dito maging kay Liam.
"Thank you po Mama"
"Kain na anak"Magana naman nitong naubos ang isang serving ng fruits nito halos sabay na natapos na kumain.
After ng breakfast hinayaan ko muna si Ethan sa highchair nito at agad kong niligpit ang pinag kainan namin.
Natapos ako ay tahimik pa din si Liam hanggang sa.
"A-athena I'm so so sorry i know patong patong na ang nagawa kong kasalanan sayo sana bigyan mo ako ng chance na maging Daddy para sa anak natin" nagulat man ay tumango lang ako.
"Mama baba po ako" akmang bubuhatin ko ay inunahan ako ni Liam.
Nakita ko ang luhang tumulo sa mga mata nito habang karga ang anak.
"Sorry anak" bulong nito.
"Bakit ka po cry?"tanong nito
"Wala anak masaya lang ako"
"Baba po ako" agad naman binaba nito si Ethan at agad na tumakbo.
"Anak wag kang tumakbo kakatapos mo lang mag eat di ba"sabi ko.
"Sorry Mama"
"Sige na play ka na doon anak"
"Pwede po tayo play?" Biglang tanong nito kay Liam nakita ko na nagulat ito."Oo naman anong gusto mo na play natin?" Masayang sabi nito.
"Yung gift na bigay ni nong nong ko po"
"Ok tara na".Sabay na lumabas ang mga ito ng dining ako naman ay nag linis ng bahay.
Nadidinig ko mula dito sa kitchen ang masayang tawa ng dalawa habang nag lalaro ito.
Naputol lang ng tumunog ang cellphone ni Liam.
"I can busy ako ngayon"dinig kong sabi nito sa kausap. "Ok ok"
Agad akong lumapit sa kanila at kinausap ito.
"Sige na baka importante"sabi ko.
"No mas importante si Ethan" sagot nito.Pero bago ako maka sagot muna ay may tumawag uli dito.
"I said I'm busy mamaya na kita pupuntahan"galit na sabi nito at pinatay ang tawag.
"Liam sige na pwede mo naman makita si Ethan kahit anong oras baka importante yon"sabi ko.
Kaya wala itong nagawa at nag paalam ito sa anak.
"Aalis ka na po hindi pa po tayo tapos mag play" malungkot na bulas ni Ethan.
"Babalik si Daddy anak"sabi nito.
"Daddy?" Tanong nito" tulad ng tawag ni Benedict kay nong nong ko" dagdag nito.
"Yes anak ako Daddy mo babalik si Daddy ha"
"Promise po?"
"Oo naman anong gusto mong pasulubong?"
"Daddy rego puzzle po"
"Ayun lang ba anak?"
"Opo"
"Sige pag balik ni Daddy dala ko na yung gusto mo kaya pakabait ka kay Mommy ha"
"Opo".Hinalikan nito ang anak sa ulo saka humarap sa akin.
"Salamat Athena sa lahat"
Tumango na lang ako dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/301968398-288-k423027.jpg)
YOU ARE READING
My Nerd is My Ex (COMPLETE)
RomanceAthena Olivia Hernandez laging binubully mula grade school hanggang mag kolehiyo dahil sa appearance nito na kung tawagin sya ay Nerd dahil sa makapal na salamin nito sa mata. Liam Chester Geronimo kilalang Casanova ito dahil sa kanyang papalit pa...